150 taong anibersaryo, serbisyo sa bayan ng PAGASA-DOST;14,900 binayo nina bagyong Yolanda at Ruby bibigyan ng PhilHealth coverage

 

PAGASA 150

 

 

 

ika 150 taong paglilingkod sa sa Pilipino kaalinsabay rin ng paglulunsad ng kanilang mga bagong produkto, ito ang naganap kamakalawa sa 150 taong anibersaryo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kasabay ng National At world Meteorological Day.

Kasunod nito ay ang mga presentasyon ukol sa mga bagong produkto ng ahensya na may kaugnayan sa storm surge at ang pagsasa wikang Filipino ng mga ulat panahon kasama ang representante ng Komisyon sa Wikang Filipino na dapat ay dadaluhan ng tagapangulo nitong si Pambansang Alagad ng Sin ing Dr. Virgilio S. Almario.

Nagsilbing guro ng palatuntunan si Bb. Venus Valdemoro ang Officer In Charge ng Public Information Unit ng PAGASA at sinundan ito ng pambungad na pananalita ni PAGASA Administrator Dr. Vic Malano at mensahe ni DOST Sec. Mario Montejo at muling sinundan ng kaunting pananalita ni Ms. Gloria Steele ng USAIDE. Sundan sa Agham Page.///michael n balaguer

 

————————————————————————————————————

caption Padilla and Johnson exchange copies of the signed agreement as Evelyn C. Bangalan, Senior Manager of PhilHealth’s International and Local Engagement Department and Jonathan Price, ILO Chief Technical Advisor for Emergency Employment and Livelihood Recovery for Typhoon Haiyan witness.

philhealth photo

Tinatayang aabot ng Php9,208,200.00 ang halaga ng coverage. Ang mga mapipiling benepisyaryo ay buhat sa Coron, Palawan in Region 4B, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Albay in Region 5, Negros Occidental in Region 6, North Cebu and Bohol in Region 7 and Ormoc, Samar, at Tacloban in Region 8. “I would like to acknowledge the ILO as one of the organizations that immediately responded to the calamity brought about by Typhoon Yolanda and facilitated the health insurance coverage of emergency workers and their families that were severely affected by the typhoon,” pahayag ni Alexander A. Padilla, President at CEO ng PHILHEALTH.

Ang mga nai enroll na benepisyaryo ay maitatala kabilang sa Sponsored Program at kabilang sa entitled na makinabang sa PhilHealth full range ng mga benepisyo kabilang ang inpatient benefits, special benefit packages, primary care, at Z benefits, at sa “No Balance Billing” na patakaran para sa mga maiko confine sa mga pampublikong ospital. Ayon kay ILO Country Director Lawrence Jeff Johnson “guaranteeing social protection, which includes PhilHealth coverage, prevents people from falling into poverty especially in times of illness and emergency.”

ang PhilHealth-ILO partnership ay nagsimula nuong nakaraang taon dahil sa mga biktima ng bayo na tinatayang nasa 5,162 na mapagkakalooban ng PhilHealth coverage sa ilalim ng Cash for Work Program. Ang pangunang ILO grant ay may halagang Php3, 097, 320.74./// michael balaguer (buhat sa detalye ni Ms. Faudia H. Subillaga)