2013 Pandaigdigan Kumperensiya ng Smarter Cities tungo sa Smarter Living

smart cities conference two

GINAGANAP ngayon ang dalawang araw na pandaigdigang kumperensya kung saan labinlimang lungsod sa bansa ang lumahok at kabilang sa mga nag organisa nito ay ang mga Department of Science and Technology,
University of the Philippines- School of Urban and Regional Planning
at Leagues of Cities.

May temang “Planning Samarter Cities towards a better quality of Life”
ukol ito sa pagpa plano ng mga sinasabing smarter cities para sa mas
maiging kalidad ng buhay, napapanahon rin ito lalo na at nakaranas ng
dilubyo ng super bagyong Yolanda ang kabisayaan at mainam na matutunan
ang wastong disaster resilence.

Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang insights ay ang United Nations
Habitat na responsible sa mga isyu ng Urban Planning, Asian Development Bank, ang pamunuan ng kagawaran ng agham at ang akademya sa pamamagitan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Tinalakay ang tamang zoning, planning, investment, sanitation at
environmental isyu at integrated urban development pati migration na
lubhang mahalaga lalo sa bansa.

Kasama sa mga punong bayan at lungsod na dumalo at nakibahagi ay ang
Mayor ng Marikina na si Mayor Del De Guzman, at Malabon Mayor Len
Oreta. Matatandaang malimit ring makaranas ng disasters ang Marikina ngunit dahil sa kanilang mga ipinatutupad na programa at system ay agad
silang nakakabangon habang ang Malabon bilang bahagi ng CAMANAVA area ay malimit bahain ngunit agad naman ring nakakabangon. (Mary Jane Balaguer)