Book Launch ng OPAPP bahagi ang Australian Embassy
Ginanap sa isang hotel sa Makati ang paglulunsad sa nilikhang aklat ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP kabalikat ang Australian Embassy sa pangunguna ng embahador nito na dumalo sa paglulunsad.
Pormal na binuksan ang programa ukol sa aklat na may titulong “Mindanao: The long Journey to Peace and Prosperity” sa pagbibigay ng pambungad na pananalita ni Australian Ambassador to the Philippines Her Excellency Amanda Gorely.
Nagbigay ng overview sa proyekto ang mismong editor nang nasabing aklat na si Paul Hutchcroft, isang propesor ng Political Science and Social Change sa Coral Bell School of Asia Pacific Affairs ng The Australian National University.
Kasunod ay ang Perspectives on the ongoing journey to peace and prosperity in Mindanao na ibinahagi ni Prof. Miriam Coronel Ferrer dating Chair ng GRP negotiating panel sa pag usapang pang kapayapaan sa MILF kasunod ang talumpati ni Mohagher Iqbal ng MILF peace panel.
Huli na nang dumating si OPAPP Sec. Jesus Dureza ngunit naging makabuluhan naman ang mga tinuran ng kanyang ipinadalang representante at sinarhan ang programa ni Amina Rasul na Presidente ng Philippine Center for Islam and Democracy at nagsilbing guro ng palatuntunan si Steven Rood.
Tunay na mahalaga sa bansa ang makamtan ang kapayapaan kaya nga ginagawa ng lahat ng mga administrasyon kabilang ang kasalukuyan na mag usap ang mga may suliranin sa estado upang tunay na makamtan ang inclusive growth.///Michael balaguer
pulong balitaan ukol sa NSTW 2016 ng DOST
Isinagawa ang pulong balitaan ukol sa nalalapit na pagdiriwang ng National Science and Technology Week na pangungunahan ng Department of Science and Technology at gaganapin sa ibat ibang science communities sa bansa.
ang taunang pagdiriwang ay naglalayon ng greater awareness para sa agham at teknolohiya sa Quezon City, Manila, Los Banos at Bicutan Science communities na inaasahang dadaluhan ng mga mag aaral, mga propesyunal at mga mamamayang nagnanais malaman ang mga bagay-bagay ukol sa kalagayan ng agham at teknolohiya pati inobasyon sa bansa.
kabilang sa mga dumalo ay ang mga mamamahayag ng Central Luzon Media Association, Central Luzon Media Association Bulacan Chapter, Publishers Association of the Philippines Tarlac Chapter, Philippine Science Journalist Mega Manila Chapter at iba pang mga mamamahayag na nagko cover ng agham.
Bukod kay Department of Science and Technology Secretary Prof. Fortunato T. Dela Pena, naroon rin bilang mga panauhin sina Science and Technology Information Institute Director Richard Burgos at DOST USec for R&D. Dr. Rowena Guevara. Naitanong ng www.diaryongtagalog.net kung kasama pa ang sektor ng Information Technology sa NSTW ngayon na ang ICTO at wala na sa kagawaran at nagkaroon na ng sarili itong departamento, ayon kina USec Guevara, hindi na ito kabilang ngunit may mga IT related projects naman na kasama sa NSTW.
sa tanong ukol sa halaga ng kuryente kaya madalang ang imbestor sa bansa at sa usapin ng Bataan Nuclera Power Plant, ayon kay Sec. Boy, sa komunidad ng agham ay pabor sila na buksan ito ngunit nasa kamay na ng Pangulong Duterte ang bola sapagkat ang BNPP ay isang isyung politikal.///michael balaguer
THE LAUNCHING OF APMCI HELD AT THE DIAMOND HOTEL
THE ASAP Properties Management and Consultancies Incorporated has launched itself recently at the prestigious Diamond Hotel In Manila. The mostly real estate company based here in the Philippines aimed at selling vertical and horizontal properties here at home but in the advent of the ASEAN economic community, the market seen by these brokers and agents are the vast ASIAN market. At the helm is its feisty CEO Ms. Viviana C. Yap whom according to the joint interview over at www.diaryongtagalog.net and DZRJ 810 Khz AM, it took her a decade to establish the said company, encountering several hurdles along the way.
Yap’s group battles several challenges especially in buying and selling of properties both low and high rises but most of those challenges met by her companions along with problems they say has been solved through faith and determination. They are targeting an incoming revenue of about a Billion peso in real estate alone and in the road map are permanent office in a particular place in the heart of Manila as to be the hub of their real estate business.
In the video, Ms. Yap explains that hurdles and challenges are part and parcel of being in the sales profession and without it, lessons cannot be learned and transactions will always fail. The company is also conducting training and seminars for would-be agents in real estate.
Inilunsad sa isang kilalang hotel sa Maynila ang kumpanyang ASAP Property Management and Consultancy Inc. isang kumpanyang nagbebenta ng mga real estate properties di lang sa bansa kundi pati sa ibayong dagat. Pinangaunahan ito ng kanilang Chief Executive Officer na si Viviana C. Yap. ayon sa talumpati ni Ms. Yap, ang kumpanya ang ten years in the making at napakaraming naging balakid bago nila maitayo ito.
sinuong ng grupo ni Ms. Yap ang ibat ibang pagsubok sa pagbebenta ng mga real properties partikular ang mga high rise at low rise buildings na ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net ay isang gawaing hindi madali kung walang sipag at pananampalataya. Bukod kay Ms. yap ay naroon rin ang kanyang mga opisyales ng kumpanya, mga bisita buhat sa pamamahayag at mga ahente ng lupa at abogado dahil wikaniya, mas maigi na lagi nakasalig sa batas o sa legal ang lahat ng transaksyon ukol sa lupa maging pagbebenta man ito o bagbili.
nag e expand ang kumpanya ni Ms. Yap at target nilang makabili ng gusali sa bahagi ng Maynila upang magsilbi nilang general headquarters o tanggapan habang patuloy nilang inaasam ang kanilang target na ilang Bilyon na ayon na rin sa kanila ay magsisilbing isang hamon sa kanilang propesyon.///michael balaguer