3 APPS INILUNSAD KASABAY NG ANIBERSARYO NG STII
APRIL 5, 2018-TATLONG bagong application files ang inilunsad ng Science and Technology Information Institute ng Department of Science and Technology (STII-DOST) kasabay ng kanilang 31st Anniversary kamakailan sa kanilang punong tanggapan sa Bicutan, Taguig.
Kabilang sa mga inilunsad ay ang application files (Apps) para sa Science.ph, DOSTv at Philippine Journal Of Science. Bukod sa paglulunsad ng apps ay pinarangalan rin ng pamunuan ng STII sa pangunguna ni DOST Secretary Fortunato T. dela Pena at STII Director Richard P. Burgos ang mga kawani ng ahensyang naglingkod na nang matagal sa kanila.
Bukod sa temang filipiniana ay isa rin sa pangunahing tema ng nasabing anibersaryo ay “defying Gravity”, dito inilahad ni Dir. Burgos ang mga inabot ng ahensya sa ilaim nang kanyang pamumuno, ang mga programa at proyektong nagawa na at gagawin pa lamang.
Mga pagtutulungan sa ibat-ibang sektor ang nakita sa pamamagitan ng mga nakibahaging bribadong kumpanya na nagpamalas ng kanilang serbisyo gaya ng mga developer ng Barangay 143 street league game app, ang kumpanyang nasa likod ng RENDERBEE, FELTA, Synergy 88 Digital at ang mga nakapag showcase ng 3D printing na kinagiliwan ng mga dumalo at nakibahagi sa nasabing okasyon.
Mga mag aaral, mga kawani buhat sa mga ahensyang nasa ilalim rin ng DOST ang namataang dumalo gaya nina, Tina Serboles ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), Venus Valdemoro ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Butch Pagcaliwagan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) Luningning Samarita-Domingo ng National Academy of Science and Technology (NAST), Aangie Parungao ng Bulacan DOST, Maritess Batac ng DOST Region 3 at representante ng DOST MIMAROPA. Ang STII anibersaryo ay ginanap nitong Marso 27, 2018. Mula sa mga larawang kuha ni Michael Balaguer. (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net)
DOST AT IRRI PARA SA AGHAM PANG AGRIKULTURA
APRIL 7, 2018-Lumagda ng Memorandum of Agreement ang International Rice Research Institute (IRRI) at ang Department of Science and Technology (DOST) upang isulong ang maka agham na sektor agrikultural para sa ikauunlad ng kanayunan na may layuning iangat ang kabuhayan ng Filipinong magsasaka ng palay.
Ipinakita kay Secretary dela Pena ang mga makabagong paraan upang malaman kung dapat bang buksan na ang irigasyon upang madiligan ang mga palayan, gayundin ang mga bagong makinaryang maaring magamit ng mag magsasaka upang mapadali at maparami ang kanilang aanihing palay.
Ang IRRI, isang international research organization na nakabase sa Pilipinas at naglalayong tumuklas ng mga bagong varieties ng palay na nababagay sa ibat-ibang panahon upang makatulong maparami ang bigas para sa mga lahi at mamamayang kumukunsumo nito gaya nating mga Filipino. Nilagdaan kasama ng DOST si IRRI Acting Director General Dr. Jacqueline Hughes.
” Rice Science for a better world” ang tagline ng IRRi kaya nilalaman ng MOA sa kagawaran ng agham ay ang pagpapaibayo ng agham at teknolohiya para mapabuti ang mundo. Sa pagsisimula ng pagtutulungan ng kagawaran ng agham, kabalikat ang kagawaran ng agrikultura sa kabila ng walang katiyakang nakakababa sa pinaka mahihirap na magsasaka at mga mambubukid na may maliliit lamang na lupaing sinasaka ang mga biyaya ng makabagong teknolohiya, umaasa pa rin naman ang pamahalaan sa tulong ng mga organisasyong gaya ng IRRi na matutupad ang pagiging self sufficient ng bansa sa palay at tuluyang makinabang ng husto ang lahat ng stakeholders ng bigas sa bansa.
Kabilang sa mga nakibahagi ay sina Dr. Bruce Tolentino ng IRRI, mga representante ng pamamahayag gaya ng www.diaryongtagalog.net,. mula sa mga larawang kuha ni Michael Balaguer (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)
DTI, DOST with 3M magtutulungan para sa pinoy MSME’s
APRIL 7, 2018-Pagtutulungan tungo sa inobasyon sa ikasusulong nang kapakanan ng mga Micro Small and Medium Enterprises (MSME’s) sa bansa ang dahilan sa paglagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Trade and industry (DTI) at ng Department of Science and Technology (DOST) nitong April 5, 2018 sa pasilidad ng 3M sa Taguig.
Kumpleto ang mga Regional Directors at Executive Directors ng kagawaran ng agham pati ng DTI sa pangunguna ng kanilang mga pinuno, pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato T. dela Pena ang DOST kasama ang sina Director Richard P. Burgos ng STII, Engr. Egay Garcia ng TAPI, Region 11 Regional Director Dr. Anthony Sales, DOST MIMAROPA Director Dr. Josefina P. Abilay, DOST Region 4 Dr. Alexander Madrigal at DOST USec Brenda L. Nazareth-Manzano
habang ang kasama ni DTI Secretary Ramon Lopez ay sina USec Zenaida Maglaya., ASec. Demphina Du-Naga at Zorina Aldana, DTI-Bulacan habang sa bahagi ng 3M ay si Mr. Ariel Laxamana, President ng 3M Philippines. Highlight ng nasabing aktibidad bukod sa paglalagda ng Memorandum of Aggreement ay ang turn over ng S&T Nook o Kiosk sa mga negosyo centers ng DTI upang makatulong sa mga Micro Small and Medium Enterprises sa kanilang negosyo.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa pasilidad at punong tanggapan ng 3M Philippines isang kilalang brand na gumagamit ng agham at teknolohiya sa pagpapaibayo ng kanilang mga produkto. Makikita ang mga produkto ng 3M sa larangan ng Medisina, Industriya, Seguridad, sa kabahayan at opisina.
Matagal na ang pakikipagtulungan ng DTI at ng DOST kabilang sa hayagang kooperasyon ng dalawang ahensya ay ang programang SETUP ng kagawaran ng agham kung saan ang mga may negosyo ay sa DOST kukuha ng makinarya habang ang promosyon ay sa DTI. inilahad ni USec Maglaya ng DTI ang kanilang mga programa na may layuning tulungang umangat ang mga maliliit na negosyo sa bansa habang inilahad naman ni USec Brenda Nazareth-Manzano ang maaring maitulong ng DOSt para vsa MSME’s. Pagkaraan ng paglalagda ng MOA ay nagkaroon rin ng innovation tour para sa mga Media at mga taga DTI at DOST. Mula sa mga larawang Kuha ni Michael Balaguer (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)