ARCHITECTURAL DESIGN NA CAS PINARANGALAN, DOST NCR AT REGION 4A TOP ATTENDEES ANG LGU’S AT DRRM SA NAKARAANG IEC at IBA NA ANG PANAHON LAST LEG NG DOST-OCD NAGTAPOS SA NCR

 

Architectural Design na CAS pinarangalan

“BIG challenge as one group ang innovative design na kailangan ang strength, affordable at acceptable para sa mga biktima ng Yolanda at nakakatayong balahibo every time beyond worst ang lugar” Ayon sa exlusibong panayam ng Pinoy Parazzi kay DOST Sec. Dr. Mario G. Montejo

Pinarangalan ang mga mag-aaral na nagwagi sa nakaraang paligsahan ukol sa mga Climate Adaptive Structure (CAS) na kinabibilangan ng dalawang kategorya, ang paggawa ng bahay at paaralan para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan, ginanap, kamakailan sa Lungsod ng Pasig.

Sa patimpalak na build forward archi-design competition na pinagtulungan ng Department of Science and Technology, Habitat for humanity at Ortigas & Company nanalo ang bambox hut o ang amphibious housing para sa taclobanos na may sukat na 35 sq. meter sa budget na 200,000 libo piso sa design ni Lara Therese Cruz ng UST.

Ang desenyo ng paaralan ang ‘taklob” nina; Mervin Afan, Corenne Martin at Rafael Khemlani ng UP Diliman mula sa inspirasyon aerodynamic airplane hangars  na madaling iconvert sa evacuation center naman ang nagwagi. May katumbas na 150,000 na pera at trophy.

Naroon din ang may bahay nang kalihim ng DOST si Maritz Ochoa- Montejo bilang suporta sa kanyang asawa na taga Leyte. Magugunita na Nobyembre 8, 2013 naganap ang super typhoon Yolanda at ang international name nito na Haiyan. Kaya nitong enero inilunsad ang paligsahan na umabot sa 100 design ang lumahok na sinala sa 10. (Jane Balaguer)

 

Samantala

DOST NCR AT REGION 4A TOP ATTENDEES ANG LGU’S AT DRRM SA NAKARAANG IEC

TOP attendies sa nakaraang information and education campaign ukol sa disaster risk reduction and management ang mga local government units ng CALABARZON (region 4a) at NCR nitong nagtapos na “iba na ang panahon” program ng Department of Science and Technology.

Tinatayang nasa 800 plus ang mga dumalong disaster managers sa Philippine International Convention Center sa pagtatapos ng IEC kamakailan sa pangunguna ito ng DOST NCR ni Dr. Theresita Fortuna habang record breaking naman ang pagpapadalo ng halos lahat ng LGU heads ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezon sa pangalawang leg ng IEC sa Region 4A ni Dr. Alexander Madrigal.

Bagaman kabalikat ng DOST ang mga ahensya sa ilalim ng DND, DILG at MMDA partikular ang OCD sa kanilang programa, di maitatatwang ito ay isang “science community initiated program for disaster mitigation na sinuportahan maigi ng grassroots level bunsod ng pagdalo ng kanilang mga LGU representative lalo ang mga chief executives (Mayor, Governor, Bgy. Capt).

Ayon kay DOST ASec. Raymund Liboro, matapos ang kanilang pag ikot sa 17 Regions ng bansa dahil sa naturang IEC, patuloy pa ring imo monitor ng DOST ang progreso ng kanilang mga nai train at nabahaginan ng teknolohiya dahil ang nasabing IEC ay isang continuing campaign.(Jane Balaguer)

Kaugnay nito

IBA NA ANG PANAHON LAST LEG NG DOST-OCD NAGTAPOS SA NCR

NAGTAPOS sa National Capital Region ang 17 Region Information Education Campaign na pinagtulungan ng Department of Science and Technology at Office of Civil Defense ukol sa Disaster Risk Reduction and Management concerns upang maiwasan o mabawasan ang casualties sa mga kalamidad.

Pinangunahan ni DOST ASec. Raymund E. Liboro ang pulong balitaan kung saan kahalili siya ni DOST Sec. Mario G. Montejo kasama ang DILG NCR Director Renato Brion, MMDA atbp na bahagi rin ng programang naglalayon ay maturuan ng disaster preparedness ang mga mamamayan hanggang sa barangay level.

Matatandaang unang ginanap ang nasabing IEC sa region 3, sa Pampanga kung saan grabeng naapektuhan ng pagputok ng Mt. Pinatubo ang maraming lalawigan duon. Kabilang sa delikadong lugar kung itataya ay ang Manila Bay na sakop at region 4, NCR at region 3 sakaling magkakaroon ng storm surge.

Kabilang sa mga ipinrisintang programa ay ang project NOAH, DREAM ng DOST. Dinaluhan ng mga disaster managers ng 16 cities at 1 municipality ng metro manila ang nasabing aktibidad na ayon sa assessment ng DOST ay ang lungsod ng Marikina ang pinaka aktibo in terms of disaster preparedness dahil sila ang matinding dinale ng Ondoy. (Jane Balaguer)