Bagong mga Inhinyero Pinarangalan sa NAST DOST; JICA at PAGASA DOST pinaigting ang data management ukol sa baha at Sen. Magsaysay sa Awarding ng 2016 MFET sa NAST DOST


 

 

Bagong mga Inhinyero Pinarangalan sa NAST DOST

Quezon City- Pinangunahan ni DOST Secretary Prof. Fortunato T. dela Peña ang Paper Presentation of Finalist and Awarding Ceremony ng 2016 Magsaysay future Engineers / Technologist Award na ginanap sa lungsod na ito ngayon.
Ayon sa kalihim ng kagawaran ng agham at teknolohiya, nakabuti ang taunang aktibidad dahil ngayon ay trust ng administrasyong Duterte ang pagsulong sa agham, teknolohiya at malikhaing sining.
Payo niya sa mga pinarangalan, na kahit di magwagi ay isa nang maituturing na karangalan para sa kanilng sarili at paaralan ang maging nominado.
Ang MFET awards ay taunang ginaganap na pinangungunahan ng NAST DOST. Ngayong taon ay lima ang naglahad ng mga makabuluhang teknolohiya sa pamamagitan ng kani-kanilang paper presentation. Ang mga finalist ay sina Jacqueline S. de Vera ng Mapua Institute of Technology, Biological Engineering; Ben Joseph J. Harder ng University of the Philippines sa Diliman, Geodetic Engineering; Victor J. Lau Jr. ng Mapua Institute of Technology Chemical Engineering; Gregory Emmanuel J. Mendoza ng Mapua Institute of Technology ng Chemical Engineering at Danica Mitch M. Pacis ng Dela Salle University.
Isa sa napapanahong teknolohiya sa inhenyerya na inilahad ay ang kay Victor S. Lau Jr. ng Mapua Institute of Technology na may titulong “ fabrication of thin film composite nano filtration membrane: a study on the effect of the characteristics of mass produced poly sulfone supporting layers or polymide layers formulation of thin film composite performance”
Ang nasabing napapanahon o umuusbong na teknolohiya ay kailangan at kasangkap sa water desalination na isang proseso kung saan ang tubig alat sa dagat ay maaring I-convert sa potable water pang inom o irigasyon na siya namang magiging solusyon sa pandaigdigang suliranin sa tubig.
Ang mga finalist ay magkakamit ng halagang 10,000 pesos at magkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng research grant na 500,000 pesos sakaling aprubahan ang kanilng research proposal.
Bukod sa kalihim ng kagawaran ng agham ay bisita rin si dating Senador Ramon Magsaysay J. at Acting NAST President Academician Fabian M. Dayrit./// Michael Balaguer

—————————————————————–JICA PAGASA pinaigting ang data management ukol sa baha

KASAMA ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng DOST, inilunsad sa punong tanggapan ng pangunahing tagapaghatid ng ulat panahon sa bansa ang isang proyektong maglalayong paigtingin ang kakayahang pag isahin ang mga datos ukol sa eksaktong pagtaya ng baha sa bansa.
Sa pulong balitaang ginanap ngayon sa kanilang punong tanggapan kasama ang kanilang Acting Administrator Dr. Vicente B. Malano, Ms. Rosalie C. Pagulayan (Weather Specialist III HMD PAGASA), Mr. Hayato Nakamura na representante ng JICA at kanyang mga kasama buhat sa pamahalaan ng Japan.
Layon ng kanilang pakikipagtulungan sa proyektong “The Project for strengthening the Capacity of Integrated Data Management of Flood Forecast and Warning” na tulungan ang bansa na matugunan ang mga suliranin sakaling magbaha at kung paano eksaktong pagtaya ng mga datos buhat sa ibat ibang tributaries ng bansa.
Sa panayam kay Dr. Malano, Ms. Pagulayan at Mr. Nakamura maraming pagkakatulad ang river tributaries ng mga kailugan sa bansang Hapon at sa bansa gayundin ang mga insidente at disgrasyang inaabot nito, bunsod nito ay madali nang malapatan ng solusyon ng mga ekspertong Hapones ang suliraning kakaharapin na kanila namang itinuturo bahagi ng proyekto, mapaigting at mapalakas ang pagkalap ng impormasyon na sapat at akma upang maiwasan ang casualties sakaling magbaha.
Napag alamang anim na taon nang nakikipagtulungan ang JICA sa PAGASA at sa ilang sangay ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Economic and Development Authority (NEDA).///MJ Balaguer
—————————————————————-Sen. Magsaysay sa Awarding ng 2016 MFET sa NAST DOST

DINALUHAN mismo ng dating Senador Ramon Magsaysay Jr., ang nakaraang 2016 Magsaysay future Engineers/Technologist Award, Nagwagi ng grand prize si Jacqueline S. de Vera ng Mapua Institute of Technology, Biological Engineering.
Nagwagi si de Vera sa pamamagitan ng kanyang proyektong “Self Cleaning Surface Control of Polydimethylsiloxane (PDMS) grafted onto pH sensitive zwitterionic poly (GMA SBMA DMAEMA) copolymer” bukjod sa 10,000 pesos na kanilang napanalunan bawat isa bilang mga finalist, nagkamit ng 500,000 pesos worth ng research grant sakaling maaprubahan ang kanilang pananaliksik.
Malaki ang maitutulong ng pananaliksik ni de Vera sa industriya sakaling may mag mass production nito at sa daming aplikasyon sa industriya mula sa agham, enhenyerya at medisina ay di malayong buhayin ng mga katulad na pananaliksik ang patay na estado ng ating manufacturing sector. Si Senator Ramon Magsaysay Jr., ang dating chair ng committee on science and technology nuong nasa senado pa siya at kanyang isinulong ang agham at teknolohiya at related disciplines pati engineering. Mungkahi niyang palitan ng pangalan ang MFET at gawing DOST Future Engineer and Technologist samantalang nakapanayam naman ng www.diaryongtagalog.net si Acd. Fabian M. Dayrit, ang acting President ng National Academy of Science and technology (NAST) Philippines ukol sa kanilang napipintong Anniversary ngayong December 16.///MJ Balaguer