Caption: Retired Marine major Manuel Fraginal Sr., chief of the Nationwide Inter-Branch Security Monitoring and lead of PCSO raiding team, together with PCSO Consultant to the Office of the General Manager, retired Navy Captain Rodelio B Laraya discussing the impending raid operation against Globaltech’s peryahan with Laguna Branch Manager Lady Elaine Gatdula
-and-
PNP Laguna police operatives conduct search inside the illegal draw court center of Globaltech in Brgy. Uno, Cabuyao City, Laguna
————————————————————————————————–
Balutan kampanteng bibirahin ng bagong PNP chief ang jueteng
April 8, 2018-Kampante si Philippine Charity Sweepstakes Office General manager Alexander F. Balutan na bibirahin ng papasok na Director General ng Philippine National Police Oscar Albayalde ang jueteng at iba pang iligal na sugal sa bansa. si Albayalde na ngayon ay pinuno ng NCRPO ay ang napili nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maging susunod na PNP chief sa talumpati ng huli kamakailan sa Davao City.
Papalitan niya ang magre retirong si outgoing PNP chief General Ronald dela Rosa, na kapwa kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) “Sinagtala” Class 1986. Habang si Balutan ay kabilang sa PMA “Matikas” Class ’83. “Albayalde is a hard-working officer and we have confidence that aside from his pronouncement to continue President Duterte and outgoing PNP chief Gen. dela Rosa’s war against drugs, he will also strengthen the administration’s war against illegal gambling,” ayon sa retiradong Marine major general.
Nitong February 2017 nilagdaan ng Pangulong Duterte ang Executive Order No. 13, “Strengthening the fight against illegal gambling”. Inuutusan nang nasabing EO ang PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), at iba pang law enforcement agencies na makipagtulungan sa isat isa upang pigilin ang iligal na sugal.
“Law enforcement agencies are further directed to coordinate and promptly act on request of gambling regulatory authorities to investigate and put a stop to illegal gambling activities in their respective jurisdictions,” ang nakasaad sa EO. Nauna rito, ang mga Authorized Agent Corporations or AACs na nagpapalaro ng Small Town Lottery (STL) sa buong bansa ay nagpakita ng pangamba sa kawalan ng aksyon ng kapulisan sa kani kanilang mga lugar kontra operasyon ng iligal na sugal sa isinagawang consultative meeting na ginanap sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Ayon pa sa mga ahente ng STL ang mga iligal na sugal gaya ng jueteng, swertres, masiao, pares at “peryahan ng bayan” ay nagdulot sa pamahalaan at sani kanilang mga negosyo ng pagkalugi dahil sa ito ay kanilang kakumpitensya. Layon ng pagpupulong ay i-assess at talakayin ang mga pagbabago sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Small Town Lottery (STL) at tugunan ang mga isyu at suliranin ukol sa mga pagkukulang ng STL operators sa kanilang Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR).
Sa kasalukuyan ay may 83 AACs na aktibong nagpapalaro sa buong bansa. matatandaang nitong taong 2017, ang PCSO ay nagdeklara ng 30-percent pagkalugi sa kinita ng STL dahil sa mga operasyon ng iligal na mga sugal. “We have to face the illegal gambling crisis and double our efforts in the conduct of operations against illegal gambling to arrest syndicates, particularly those who are using STL as a front to cover their illegal business,” ayon kay Balutan.
Ang nasabing mga pagkalugi anila ay humahadlang sa pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga mahihirap at iba pang benepisyong handog ng PCSO sa mga pinakamahirap na mamamayan, dagdag pa ni Balutan.Buhat sa detalyeng ipinahatid ng PCSO.(MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net)
-30-
“Araw-araw ay World Health Day sa PCSO”-Balutan
April 6, 2018-Nitong Ika-7 ng Abril ipinagdiriwang ng daigdig ang celebrate World Health Day kung saan nananawagan sa mga pinuno ng mundo upang magkaroon ng kongkretong hakbang tungo sa pagtupad sa universal health coverage (UHC).
Layon nito ay matiyak na lahat ng tao kahit saan ay magkakaroon ng access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan na hindi maisasa alang alang ang kawalan ng salapi. Sa bahaging ito, tinatayang may 83 taon nang isinasagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang naturang gawain.
Naninindigan sa kanilang Charter, o ang Republic Act (RA) No. 1169, PCSO na “providing and raising funds for health programs, medical assistance and services, and charities of national character.” “Every day is World Health Day here at PCSO. Every day, we try to help people who are undergoing financial crisis due to sickness.
Our doors are always open– whether they’re rich or poor – as long as they are Filipino [they are qualified],” pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan. As of 1st Quarter nang taong ito ay may tinatayang nasa 38,199 kabuuang bilang ng mga kaso nang natatanggap sa pamamagitan ng Individual Charity Assistance Program, kung saanto ang ahensya ay gumastos na nang tinatayang nasa P1.34 billion, ayon kay Rubin Z. Magno, manager ng Charity Assistance Department (CAD) ng PCSO.
Nangunguna sa talaan ng mga pinaka requested cases ay confinement/hospitalization na may bilang na 13,769 requests, kung saan ang ahensya ay gumugol ng tinatayang nasa P571.48 million; kasunod ay chemotherapy na may bilang na 8,313 requests sa halagang P386.15 million; at mga gamot na may 8,415 requests at halagang P157.64 million.
Nitong 2017, may kabuuang 143,200 bilang ng mga kaso kung saan gumastos ang ahensya ng tinatayang nasa P4.75 billion, at kada taon ang mga requests ay nadaragdagan. “That’s why instead of introducing a new game this year, we are focusing on innovating our strategies and enhancing our existing games to increase our sales revenues.
As we all know, PCSO generate funds come from Lotto and other digit games, which is precisely the reason why we are going after illegal gambling because only gambling lords benefit from it. They don’t remit taxes to the government! While our Lotto, STL, and other games benefit everyone, especially the poor and the sick,” pahayag ni Balutan. Sa kasalukuyan ay may tinatayang nasa 58 PCSO At-Source-Ang-Processing (ASAP) Desks sa mga ka partner na ospital at pasilidad sa buong bansa. layunin ng mga ASAP Desk ay mapabilis ang paraan ng pagpo proseso ng mga requests sa PCSO.
Nagsisilbi ang mga ito sa mga pasyente ng ospital upang mapagaan ang pangangailangn ng mga ito na humarap ng personal sa PCSO Offices. Ito rin ay paraan o point of access sa Individual Medical Assistance Program (or IMAP), ang flagship program ng PCSO sa ilalim ng CAD disenyo upang tugunan ang suliraning pinansyal ng mga indibidwal na may health-related problems sa pamamagitan ng probisyong financial assistance.
Nag iisyu ang PCSO ng mga guarantee letter sa pagamutan o partner health facility, na sumasalo sa obligasyon sa pamamagitan ng specific amount due mula sa kliyente para sa kinakailangang serbisyo. Bukod sa ASAP Desks, ang mga pasyente ay maari ding magtungo sa PCSO’s 63 branches sa buong bansa at sa pito pang karagdagang mga sangay kabilang ang mga lalawigan ng Lanao del Norte, Catanduanes, Sultan Kudarat, Eastern Samar, Biliran, Davao del Norte, at Ifugao. Ang mga aplikante o pasyenteng nangangailangan ng tulong medikal ay kinakailangan lamang mag sumite ng 1) Medical Abstract, 2) Statement of Account, 3) Letter from the hospital, and 4)Personal Letter from the applicant. at para sa karagdagang impormasyon ay bisitahin ang http://www.pcso.gov.ph .mula sa detalyeng ipinadala ng PCSO. (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)
-30-
PCSO, PNP ni-raid ang ‘peryahan’ sa Laguna
April 5, 2018-Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong nakaraang huwebes kasama ang mga pulis ay sinalakay ang at ikinandado ang draw court center ng “Peryahan ng Bayan” na iligal na pinatatakbo ng Globaltech Mobile Online Gaming Corp. sa Barangay Uno, Cabuyao City, Laguna.
“We will not allow Globaltech to operate with impunity. This illegal activity pays no taxes to the government. Only gambling financiers and protectors benefit from it,” ayon kay Balutan. Ayon sa kanya ang operasyon ay ginawa nuong April 3.
“We would like to reiterate, PCSO has not authorized any other entity to operate peryahan. Any operation of peryahan is unauthorized and illegal,” ayon kay Balutan. Ang Globaltech ay iligal na nakikipag kumpitensya sa Ramloid Gaming Corp., PCSO’s Authorized Agent Corporation (AAC) na nagpapalaro ng Small Town Lottery (STL) sa nasabing lungsod. wika ni Balutan bukod sa Lotto, Keno, Digit Games, at Sweepstakes, STL ang tanging ligal na numbers game sa bansa.
Nasamsam ng raiding team ang mga computer sets, calculators, accounting ledgers, t-shirts na may logo logo, identification cards (IDs,) samples ng bet slips, at iba pang kagamitan sa inuupahang two-storey house na ginagamit para sa Globaltech’s draw court. Ayon kay retired Marine major Manuel Fraginal Sr., chief ng Nationwide Inter-Branch Security Monitoring at lider ng PCSO raiding team, hindi maaring makapag operate ang peryahan kung walang basbas sa mga korap na lokal na opisyales at kapulisan.
Ayon sa talaan, ang pagkakasara sa operasyon nang peryahan ng Globaltecth ay naa ayon sa PCSO Board Resolution No. 51, s 2016, na nagpapatigil sa Deed of Authority of Globaltech sa grounds of several counts of under-remittance at non-remittance of sales. Hindi rin nakapag remit ng sales ang Globaltech sa National Capital Region (NCR), Catanduanes, Rizal, Palawan, Marinduqe, Oriental Mindoro, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Agusan del Norte, Davao del Sur, Misamis Oriental, South Cotabato, and Zamboanga del Sur.
Sa kasagsagan nang nasabing pagsalakay ayon kay Fraginal wala na silang taong inabutan sa Globaltech’s draw court center. Dagdag pa niya ay may naktagpuan ang kanyang tropa na malalaking tarpaulin signage na may “PCSO-Peryahan Cabuyao Station” at isa pa na may PCSO’s Certification at Deed of Authority issued sa Globaltech dated December 3, 2014. “I repeat, this is economic sabotage! This company owes you, the people, hundreds of millions of pesos, this is not the government’s money, but your money,” ayon kay Fraginal sa interbyu niya sa publiko sa harapan ng mga mamamahayag.
Kabilang din sa mga nasamsam ay maliit na black board nailed sa ilalim ng ‘Deed of Authority’ at tarpaulin indicating ng two draw results at date of draw, na March 28, 2018. “The data contained in these tarpaulins are being used in the documents presented to the LGU (local government unit) Executives, PNP units, and the public in the provinces of Cebu and Albay, and other areas of their operation to show and prove the ‘legitimacy’ of Globaltech’s Peryahan ng Bayan activity,” sabi pa ni Fraginal.
ayon kay Fraginal ang pagsalakay ay nasaksihan ng mga opisyales ng barangay, opisyales ng pulisya na nai briefed sa mga probisyon ng Republic Act (RA) 9287 at Executive Order 13, na nag uutos sa mga opisyales ng gobyerno at law enforcement units, kasama ang kaukulang parusa sa mga aktibidad ng iligal na sugal.
“Surprisingly, they don’t have knowledge of the two existing laws, to include PCSO Board Resolutions, Supreme Court, Court of Appeals, and BIR rulings. So, I furnished them copies for their information and references to prove Globaltech’s illegitimate operations,” ayon kay Fraginal. Pagkaraan ng magkasamang PCSO-PNP operation,
dagdag pa ni Fraginal ay nakatanggap sila ng ulat na ang mga collection booths sa ibat ibang munisipyo ng Laguna ay itinigil na ang operasyon. Hindi ito ang unang pagsalakay ng PCSO sa iligal na operasyon ng peryahan ng Globaltech. Nitong March 23, PCSO kasama ang National Bureau of Investigation operatives ikinandado ang Globaltech’s draw court sa Legazpi City. mula sa detalyeng galing sa PCSO.(MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net)