Sa pagtutulungan ng South East Asian Ministers of education Organization (SEAMEO), South East Asian Center for Graduate Studies and Research in Agriculture (SEARCA), Department of Agriculture, Science Communicators Philippines at Biotechnology Coalition of the Philippines ginanap nitong nakaraang September 8, 2023 sa SEARCA Drilon hall, Los Banos Laguna ang “What’s Up, “B” Conversations with the Media on the Staus of Philippine Ag-Biotech.
Isang hybrievent kung saan ang ibang partisipante ay nakikibahagi via Zoom at ang iba ay on site. Binuksan ng aktibidad sa pabibigay ng pambungad na pananalita ni SEARCA Executive Director Dr. Glen Gregorio via Zoom.
Si Dr. Rhodora Romero-Aldemita, Executive Director ng ISAAA Inc., Director ng Global Knowledge Center on Biotechnology sa kanyang presentasyon na “Global Status of Agricultural Biotechnology (including biotech crops in the pipeline for the Philippines). Ayon sa kanya kaya hinihikayat ang pagtatanim ng BT Cotton dahil ngayon pa lang nagre recover ang industriya ng Bulak at lahat ng variety ng cotton sa bansa ay susceptible sa insekto.
Kasunod ay si Ms. Ma. Lorelie U. Agbagala tungkol sa Revised Regulatory System for Biotech Crops in the Philippines.
Samantalang si Ms. Geronima P. Eusebio, ang Head ng Biotech Office ng Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture ang nagpaliwanag ukol sa mga Gene Editing Guidelines in the Philippines.
Gayundin anitanong ng pahayagang ito ang tungkol sa nagiging popular sa Bulacan ngayon na itlog na may dalawang yolk at sinabi ni Dr. Maribel M. Zaporteza ng University of the Philippines Los Banos sa kanayang presentasyon na Applications of Modern Biotechnology for Animals na ito a ay normal lamang dahil pati rin sa mga manok ay may tinatawag na twining.
Nabatid rin na napakalaki ng kontribusyon ng biotech sa larangan ng medisina lalo nitong nakaraang pandemya kung saan ang ilang mga bakuna na ginamit ay hindi mapapabilis ang pag likha kung hindi sa interbensyon ng bioteknolohiya.
May pag aaral rin ang Philippine Genome Center Biodiversity Division kung saan nangongolekta sila ng mga impormasyon parasa preserbasyon ng ating flora at fauna para sa konserbasyong, breeding purposes.
Sa malayang talakayan kabilang sa mga panelista ay sina Dr. Rhodora Romero-Aldemita, Ms. Ma. Lorelie U. Agbagala, Ms. Geronima P. Eusebio at Dr. Maribel M. Zaporteza kung saan kanilang sinagot ang mga katanungan ng mga dumalong mamamahayag pati ang mga katanungang hindi nasagot gaya ng tanong ng www.dzmjonline.net ukol sa gatas ng kambing na maparami at magawang gaya ng sa baka o ang katanungan ng pahayagang ito ukol sa paubos ng Tamaraw na dapat na ikonserba dahil paubos na.
Habang nagbigay ng kanyang pangwakas na pananalita si Atty Melvin Calimag na Pangulo ng Sci CommPH ay nagsilbi namang Guro ng palatuntunan si Mr. Jerome Cayton C Baradas ang Project Coordinator II-APNR Knowledge Platform SEARCA.
May mga katanungang hindi maaring sagutin na business as usual gaya ng pagbabago ng klima, food insecurity, pandaigdigang paglaki ng populasyon at mga dumaraming nagugutom sa mundo kaya kailangan ng agri biotech.
Ang DNA ay naglalaman ng genetic code ng buhay. 2002 nagsimula sa Pilipinas na ilagay ang baccilus torrengensis sa mais nagsimulang anihin ang BT corn. Sa buong mundo marami ng bansa ang nagtatanim ng biotech crops upang makapagparami ng pagkain.
Ayon sa pag aaral, mas lumaki ang kita ng magsasaka sa pag tatanim nila ng agri biotech crops, number one ang Pilipinas sa regulasyon at mga naaprubahang crops na maaring itanim at ang mga ito ay:
Bigas, mais, talong at ang pinakabago ay bulak at ito ang kalagayan ng bioteknolohiya sa agrikultura ngayon ayon sa South East Asian Center for Graduate Study and Research In Agriculture (SEARCA) sa ginanap nilang pulong balitaan.
///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net.