Unang araw ng biotech week 2015 kasabay ng anibersaryo nang Maguindanao Massacre at science community aasa na lang na suportahan ng next admin ang biotech

PCAARRD biotech2015 photos

 

 

 

 Unang araw ng biotech week 2015 kasabay ng anibersaryo nang Maguindanao Massacre;

 Dsmarinas, Cavite- Kasabay ng ika anim na paggunita sa madugong Maguindanao Massacre kung saan maraming mga mamamahayag ang pinatay sa pagtupad ng kanilang trabaho, ginanap naman sa bayan na ito, sa isang kilalang mall ang unang araw nang lingo ng Bioteknolohiya.

Sa nasabing aktibidad na pinangunahan nang mga ahensya ng gobyerno na kinbibilangan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture, Commission on Higher Education, Department of the Interior and Local Government atbp ipinakikita nang mga ito ang kabutihang idinudulot ng makabagong bioteknolohiya sa bahagi ng Agham, Medisina, Agrikultura, kapaligiran at paglutas ng krimen.

Kagaya ng ibang bahagi ng makabagong teknolohiya, produkto nang masinsing pagsasaliksik at pag aaral na ang pangunhain layunin ay paigihin ang kalidad ng kaabuhyaan ng tao, batbat rin ng kontrobersiya ang bioteknolohiya.

Nitong nakaraang November 23-27 ng taong ito ay ginanap ang linggo ng Bioteknolohiya, nagkaroon at nasagawa muli ng mga seminars, symposiums at exhibits na naglalayong ipabatid sa madla ang mga bunga ng pag aaral sa bioteknolohiya at ang mga nagawa nito sa mga nakaraang panahon at maging pamilyar an mga ito sa madla.

Kabilang sa mga bantog na bunga nang pag aaral sa bioteknolohiya ay ang BT Corn, Soya, Cotton at Canola na halos gamit-na-gamit na ng mundo. Matatandaang naging kontrobersyal ang pagwasak ng mga miyembro ng GREENPEACE sa experimental farms na nagtatanim ng BT Eggplant sa Bicol at kaugnay na pagsira din sa mga field trials nila sa Golden Rice.

Ayon sa pinakahuling tala, napakarami nang nagtatanim ng Biotech crops sa bansa at sa buong mundo, karamihan sa mga gingamit na animal feeds na corn ay BT, halos 90% ng ginagamit natin mga Tokwa, Taho, Tofu Toyo ay BT na rin gayundin ang halos karamihan sa ginagamit nating cotton fibers sa ating mga damit o ang tela mismo at ang cooking oil na ginagmit natin sa kusina para maluto.

Bukod sa pagkain ay ginagamit rin sa medisina, treatment at paggawa ng gamot ang bioteknolohiya, bahagi rin sa makabagong mga tuklas upan magamit linisin ang kapaligiran at ang pinakabago ay ang papel nito sa pagsugpo ng kriminlidad.

Kabilang sa mga nakibahagi sa nasabing aktibidad ay sina dating Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, Dr. William Dar at Dating Kalihim ng Agham at Teknolohiya na si Dr. William G. Padolina na kasalukuyang Pangulo ng National Academy of Science and Technology (NAST) at PCAARRD Executive Director Reynaldo Ebora.

Sa katanungan ng www.diaryongtagalog.net kung ano ang maaring magawa ng agham partikular ang bioteknohiya upang mabigyan ng katarungan ang kalunos-lunos na sinapit ng mga mamamahayag na pinatay ng mga Ampatuan sa Maguindanao, sagot ni Dr. Padolina ay maaring makatulong umano ang agham sa DNA marking at DNA identification, gaya rin sa ibang krimen katulad ng panggagahasa, pagpatay at lalo na sa mga sakuna upang matulungan ang mga kaanak na makilala ang mga bangkay ng kanilang mga nasawing kaanak sa mga sinalanta ng bagyo, lindol, baha o pagguho ng lupa.///Michael Balaguer       

SAMANTALA,

Science Community aasa na lang na suportahan ng next admin ang Biotech

Dasmarinas, Cavite-AASA na lamang na susuportahan ng susunod na administrasyon ang komunidad ng agham sa pagsasaliksik at pag aaral nito ukol sa bioteknolohiya, ayon mismo ito sa kagawaran ng agham kasabay nang pagdiriwang sa linggo ng bioteknolohiya nitong November 23 ng taon ito sa lungsod na ito.

Bukod sa enerhiyang nukleyar para gamitin sa pag generate ng kuryente sa bansa, kapwa kontrobersyaal rin ang katayuan ng bioteknolohiya dahil gaya ng nukleyar ay patuloy rin itong pinipigilan ng ilang sector na anti-science at kontra pasulong ng bayan o mga anti-development.

Batay s naging panayam ng www.diaryongtagalog.net kay NAST President at dating kalihim ng Kagawaran ng Agham (DOST) Dr. William G. Padolina, nkaasalalaay pa rin sa ating mga policy makers o mga ihahalal na lider pulitikal sa taong 2016.

Matatandaang nitong nakaraang APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) leaders meeting na ginanap sa Maynila, tahasang sinabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III na siya aay anti-nuclear at bunsod nito dahil kapwa kontrobersyal rin nag biotek ay naisip itanong ang baagaay na ito sa mga dalubhasa ng kagawaran upang malaman ng maaadla ang kanilang saloobin at paniniwala.

Nabatid na suportado ng mga dating administrasyon ang pagsasaliksik t pag aaral ukol sa biotek n sinimulan mismo nang ina ng kasalukuyang Pangulo na si dating Pangulong Corazon C. Aquino na sinundan sina President Fidel V. Ramos, President Joseph Estrada at ang sinundan ng Pangulo ngayon na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Bukod sa lehislatura kapwa mababa at mataas na kapulungn n ma panaahong iyon ay todo ang support sa bioteknolohiya sa kabila ng napakarami rin mga kontra.

Isang epektibong paraan upang mabigyan solusyon ang ibat-ibang suliranin pang lipunan gaya ng katiyakan sa pagkakaroon ng masaganang pagkukunan ng pagkain, mga epektibong gamot sa mga terminl o karamdamang mahirap malunasan, pangnailanan upan maparami ang ma produktong agrikultural kapwa para sa kaligtasan ng tao at katiyakan na mapapangalagaan ang kalikasan, malakikha ng mga bagong paraan sa pangagamot at pagsupo sa kriminalidad.///Michael Balaguer

KAUGNAY NITO,