BULACAN DRRMO AKTIBO LALO SA FLOOD MITIGATION

 

Malolos City, Bulacan- Aktibo ang mga programa ukol sa Disaster Risk Reduction and Management Office ng lalawigan ng Bulacan particular sa lungsod na ito ayon sa Punong Lungsod ng siyudad na ito sa eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net ukol sa DRRM with special emphasis sa flood mitigation dahil tinutukan ng pahayagan ang mga coastal cities at municipalities ng lalawigang ito.

Sa video interview kay Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito, kanyang nilinaw ang kanilang mga ginagawa ukol sa climate change resiliency lalo sa baha dahil malimit lumubog sa tubig ang malaking bahagi ng lungsod, mas mahirap ang kalagayan ng mga island barangay na di lamang natural na water level rise ang kailangang harapin kundi pati ang mga malalaking hampas ng alon gaya ng storm surges bunga ng bagyo o ng tsunami dulot ng lindol.

Nabanggit ni Natividad na marami na tayong isinasagawang paghahanda at training ngunit ang tunay na kailangan ay ang infrastructures upang tuluyang masulusyunan ang ating mga problema ukol sa disaster habang (mike balaguer),.

 

 

Obando, Bulacan-Bukod sa bantog na Fertility Festival nang tatlong patron ng bayan na ito ay kilala rin na mistulang water world ang lugar na ito tuwing sasapit ang malakas na ulan, bagyo o kahit high tide ngunit ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa Punong Bayan na si Mayor Edwin Santos.

Kasabay ng kasagsagan ng kanilang kapistahan ay sinabi niyang handa sila sa maaring maging disgrasya sa dagat. Una aniyang kailangang gawin ay turuang lumutang ang tao upang madaling iligtas.

 

DSC02247

 

Bukas din siya sa mga suhestiyon lalo sa ikabuti lalo at tungkol sa flood mitigation at kung ang suliranin sa tubig aniya ay hindi manggagaling sa karagatan bagkus ay sa tubig mula sa mga kabundukan na daraan sa ilog. Ang kabuuan ng mga panayam ay nasa video ni Mayor Santos. Kaugnay nito (mike balaguer);

 

 

Calumpit, Bulacan-NAKA alerto sa pagragasa ng baha sa kanilang lugar ang Municipal Risk Reduction and Management Office ng Local Government Unit nang bayan ng Calumpit sa lalawigan ng Bulacan batay sa reglamentong inaatas ng Office of Civil Defense (OCD) at ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology (PAGASA-DOST).

Batay sa panayam kay Mayor Jessie P. de Jesus, mabuti na lang umano at ayon sa PAGASA ay mukhang mahaba pa ang El Nino kundi ay mararanasan na naman ng kanilang bayan ang pagragasa ng tubig baha.

Isa sa mga bayan na mababa at kilalang bahain ang bayan ng Calumpit, matatandaang halos hanggang baywang ang tubig sa maraming barangay duon at kung minsan ay lagpas tao pa nitong mga nakaraang bagyo, bumabaha rin sa kanila pag high tide.

Ayon sa LGU, inihahanda nila ang kanilang mga rescuers at ang kanilang mga barangay sabay ng kanyang pagbisita sa mga barangay sa pagpasok ng kasalukuyang school year upang kung umabot na sa puntong may mga bata nang mag I iskwela ay alam na ng mga ito ang gagawin sa pagliligtas sa kanila.

Mayroon rin silang mga karampatang kagamitan gaya ng mga  rubber boats, life vest atbp na inaasahang makatutulong ng malaki upang makapagligtas ng buhay. (Jane Balaguer)

 

 

Marilao, Bulacan-batay sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Mayor Tito Santiago ng bayan na ito, masusi ang kanilang paghahanda sa pagbaha dahil kilalang bahain ang maraming barangay ng kanilang bayan.

Malimit silang nagkakaroon ng mga trainings at seminar ukol sa disaster management kasama ang mga barangay upang I assess ang mga kaganapan bago at kapag may disaster upang maiwasan ang casualty.

Kumpleto na rin sila sa mga kagamitan pang rescue at lagi naman umanong handa ang kanilang designated evacuation sites sakaling bumagyo at lumaki ang tubig.

Isang industrial municipality ang bayan ng Marilao, wika ni Santiago, kakaunti na lamang ang kanilang mga sakahan at kinakain na ng real estate development at industrial subdivisions o mga factories.

Makikita sa video ang buong panayam sa Punong bayan kabilang ang kuwento niyang limang kabataang magko kolehiyo na pumasa bilang iskolar ng Department of Science and Technology (DOST). (mike balaguer)

 

DSC02419