BULAGKASTER TWO DECADE OF SERVICE TO THE PWD SECTOR; BULAGKASTER DALAWANG DEKADA NANG SERBISYO SA SEKTOR NG PWD at Libu-libong may kapansanan, nagdiwang ng Disability Day sa Bulacan

QUEZON CITY, PHILIPPINES-TWO Decade of service to the Persons With disability sector, Mr. Rommel San Pascual is very proud to be both a professional broadcast media practitioner and an advocate in helping to uplift a section of society which is largely neglected and set aside.
“Ka Rommel” as he is fondly called by his loyal audience at his daily radio program “Kasama Ka Kaibigan” aired over the Armed Forces Radio -DWDD, Mr. San Pascual talked mostly on issues concerning PWD’s and he has helped individuals, organizations seeking assistance related to almost everything on his own little way.
His life as a media practitioner is like anybody else in his field. He’s a member and former board of Director of the Philippine Science Journalist Mega Manila Chapter and has been in the forefront of disseminating potent news and information on science, technology and innovation relating it to the plight of PWD’s in the country.
Ka Rommel has been featured not just by local media practitioners as being one of the inspiring broadcasters in the country and has was nominated by several organizations through his advocacy about PWD’s.
Quite contented in his career and chosen field of endeavor still he lives a modest life with his family in Rizal Province. Ka rommel doesn’t just care and advocate for the PWD sector, he is one of them, his radio name “Bulagkaster” is a two word coined taken from the tagalog word “bulag” menaing blind and “kaster” from broadcaster.
Started airing his advocacies in 1997 he still continues doing what he always wanted to do and that is to help the PWD sector adapt to the ever changing political, economic and societal landscape of the the country in fervent hope for inclusivity and mutual development up to the present.
In the country today, he is the only blind professional broadcast media practitioner boosting the morale of the sector giving hope and inspiration to future generations to dream and become somebody amid the hindrance of disability.///MJ Olvina-Balaguer

-30-
LUNGSOD QUEZON, PILIPINAS-DALAWANG Dekada nang paglilingkod sa sektor ng may kapansanan, ipinagmamalaki ni Ginoong Rommel San Pascual ang kanyang adbokasiyang tumulong at ang kanyang pagiging propesyunal na brodkaster na nangunguna sa pagpapa angat ng kalagayan sa lipunan ng sektor na tila isinasa isantabi at kinakalimutan.
Tinaguriang “Ka Rommel” para sa kanyang mga matapat na tagapakinig sa kanyang araw-araw na programa sa radyo na may titulong “Kasama Ka Kaibigan” na ini ere sa Armed Forces Radio -DWDD, tinatalakay ni Ginoong San Pascual sa pangkalahatan ang mga isyu ukol sa kalagayan ng mga may kapansanan at nakatulong na rin sa mga indibidwal at grupo na humihingi sa kanya ng ayuda sa abot nang kanyang makakaya.
Ang kanyang buhay bilang isang mamamahayag sa radyo ay kagaya lang ng karaniwan sa industriya katunayan siya ay nagsilbing miyembro at dati ay Board of Directors ng Philippine Science Journalist Mega Manila Chapter at nangunguna sa pagpapakalat ng mahalagang impormasyon ukol sa agham, teknolohiya at inobasyon at inuugnay niya ito sa sektor ng may kapansanan sa bansa.
Nai lathala na rin ang kanyang makulay na buhay sa tulong ng mga dayuhan at lokal na mamamahayag sa bansa at sa ibayong dagat sa layuning makapagbigay ng inspirasyon sa mga mamamahayag sa brodkas at nagawaran na rin ng mga parangal dahilan nga sa kanyang adbokasiya.
Masasabing kuntento na siya sa takbo ng kanyang karera sa piniling propesyon sa kabila nito ay nananatili pa ring payak ang kanyang pamumuhay at nananatili sa kanyang tahanan kasama ang pamilya sa lalawigan ng Rizal.
Hindi lang adbokasiya ni Ka rommel ang patungkol sa kapakanan ng may kapansanan sapagkat kabilang siya sa sektor na ito, ang kanyang pangalan sa radyo na “Bulagkaster” ay halaw sa dalawang salitang pinag ugnay sa wikang Filipino, ang isa ay “bulag” na ang ibig ipakahulugan ay kawalan ng paningin “kaster” buhat sa salitang ingles na broadcaster.
Nagsimulang pumaimbulog himpapawid ang adbokasiya nuong taong 1997 ipinagpapatuloy pa rin niya hanggang ngayon ang kanyang naisin na tulungan ang kanyang sektor na makisabay sa pabagu bagong politikal, ekonomikal at panlipunang kalakaran ng bansa na ang layunin ay maging bahagi sa panghalahatang kaunlaran.
Sa bansa ngayon, nag iisa lang siyang bulag at propesyunal na brodkaster, nagpapalakas ng loob sa mga maykapansanan na mangarap at tiyak na makakamtan nila ang kahit anong naisin at huwag manghinawa sa kabila nang balakid ng kapansanan. ///Michael Balaguer kasama si MJ Olvina-Balaguer

-30-

LUNGSOD NG MALOLOS – Libu-libong kababaihang may kapansanan buhat sa iba’t ibang panig ng bansa ang dumalo sa binansagang ‘Most PWD Friendly Province’ upang makibahagi sa pagtatapos na aktibidad ng 13th Women with Disability Day sa Philippine Arena sa Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan kahapon.

Nakaangkla sa temang “Babaeng May Kapansanan, Manguna at Manindigan Tungo sa Pagbabago”, ang pagdiriwang sa taong ito ay naglalayong pahalagahan ang hangarin ng mga mamamayan lalo na ang mga kababaihang may kapansanan na mamuno at magtulak sa mga pagbabago sa lipunan na nakatutok sa pagbibigay kapangyarihan sa kanila at buong partisipasyon sa lahat ng pantaong aspeto.

Si National Council on Disability Affairs (NCDA) Officer-in-Charge Carmen R. Zubiaga na isa ring PWD ay nagbahagi ng kanyang pasasalamat sa lahat ng pagsisikap ng pamahalaan na pagtibayin at suportahan ang karapatan ng lahat ng mga may kapansanan.

“Napakaganda ng araw na ito dahil nakita natin ang mga serbisyo na inaalay ng pamahalaan para sa ating mga may kapansanan. Kaya kung ang mga serbisyong ito ay para sa lahat, ito ay para sa atin rin,” ani Zubiaga.

Pinuri naman ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado si Hellen Keller, ang kauna-unahang pipi at bingi na nakapagtapos ng Bachelor of Arts, at ang kanyang maybahay na si dating kinatawan ng distrito Ma. Victoria R. Sy-Alvarado, na nasuring may polio noong siya ay limang buwang gulang pa lamang, sa pagiging buhay na patunay na ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi makapipigil sa isang tao na mangarap at maging matagumpay sa buhay.

“Hangad namin bilang pinuno ng pamahalaan ang inyong kabutihan at kapakanan at maging kabahagi namin sa pagtataguyod ng ating inang bayan. Kinikilala namin ang inyong karapatang mabuhay ng may pantay na pagturing katulad ng pagturing sa mga ordinaryong mamamayan,” ani Alvarado.

Dagdag pa rito, nagbigay si Marian Rivera-Dantes ng mensahe ng inspirasyon sa mga dumalo bilang Ambassadress of Women and Children with Disabilities.

Puno rin ng nakamamanghang palabas na hatid ng mga talentadong PWDs ang okasyon kung saan mayroon ding trade fairs, libreng serbisyo tulad ng masahe, manicure at pedicure at pagkuha ng blood pressure mula sa mga dumalo.

Ang nasabing pagdiriwang ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 744, s. 2004, na nagdedeklara sa huling Lunes ng Marso bilang Women with Disabilities Day. Napakalalking bahagi ang ginagampanan ng mga may kapansanan (PWD) sa lipunan at tunay na isang mahalagang sangkap sila sa pag unlad ng bansa sa pangkalahatan at sa lalawigan in particular. (MJ Olvina-Balaguer)