Cherry Mobile inilunsad sa Amerika ang Celltick’s Start Technology; Bagong hepe nang dibisyon ng energy itinalaga ng PCIEERD-DOST at Pamumuhunan sa reproductive at sexual health ng mga kabataan, mahalaga ayon sa IPPF

Cherry Mobile inilunsad sa Amerika Celltick’s Start technology sa kanilang mga devices

California, United States of America –Nagsanib pwersa ang  Celltick, isang global leader sa bahagi ng mobile initiated commerce ay inanunsyo ang kanilang pakikipag partner sa Cherry Mobile, ang nangungunang mobile phone company sa Pilipinas.

Maglulunsad ng isang intelligent interface para sa Android consumers nakabase sa Start. Start interface ng Celltick ay magiging embedded sa halos 20 na mga bagong devices ng Cherry Mobile at para sa halos 500,000 Android-based users.

Ang Celltick’s Start ay ang sinasabing next-generation, intelligent Android interface, nagbibigay ng personalized functionality para ang mga Android usersna makuha ang kanilang mga pangangailangan sa unang screen ng kanilang telepono, ginanap ito sa San Francisconitong February 18, 2014

Sa pamamagitan ng Start, ang mga users ay magkakaroon ng quick access sa kung ano ang mahalaga sa kanila. Ang recommendation engine ng Start ay natututo at nag a adapt sa pamamagitan ng start screen base sa mga malalaking data technology at gumagamit ng collaborative filtering upang i-individualize ang initial configuration, kasama na ang patuloy na recommendations batay sa gumagamit. Ipinagkakaloob ng Celltick sa device manufacturers, gaya ng Cherry Mobile,ang epektibong paraan na pangalagaan ang customer relationship upang limikha ng mga bagong revenue at I engganyo ang brand loyalty.

“It is our mission to provide our customers with easy and affordable tools to enhance their mobile experience,” “Our partnership with Celltick allows us to do just that, while delivering a completely unique Android user experience to meet the demands of our Philippine market with high quality, affordable products and services. With Start, our customers will have greater flexibility and freedom to personalize their device, while benefiting from faster access to the most relevant features.”ayon kay Maynard Ngu, Chief Executive Officer ng Cherry Mobile.

“Handset manufacturers continue to play a significant role in Android’s proliferation, however, as Android expands its reach, it will be necessary for them to differentiate and deliver value beyond the device to create a long-term relationship with their customers,” “We are extremely happy to partner with Cherry Mobile to engage hundreds of thousands of users through themes, plug-ins, personalized features and ongoing updates. We look forward to helping the company create an exciting experience for their consumers while creating new monetization opportunities through content, services and promotions.” pahayag ni Ronen Daniel, Chief Executive Officer of Celltick.

Ang lumalaking Start ecosystem kasama ang hundreds of themes at plug-ins ay available nai download mula sa Google Play. Sa pagtutulungan ng Celltick ipagpapatuloy na palawakin ang maa abot at gagawing ang Start ay maging katanggap tanggap na intelligent interface para sa mga Android devices. Mula taong 2013, pina power ng Celltick ang billions of mobile-initiated commerce transactions pang virtual at physical goods across 25 countries.
Ang Cherry Mobile ay ang nangunang local telecommunications company na nagpa uso ng mobile phone na may Dual SIM capabilities, nagsimula nuong  2009 bilang mobile phone brand buhat sa apat na units. Sa loob ng tatlong taon, ngayon ang Cherry Mobile ay may 100 handsets,at nangungunang Dual SIM brand sa Pilipinas (http://www.cherrymobile.com.ph) 

Habang ang Celltick ay isang pandaigdigang lider sa bahagi ng mobile initiated commerce. ang Start Celltick ay ang itinuturing na next generation ng personalized intelligent interface para sa mga Android devices. Ang Celltick ay kakaiba sa paglikha at pagma manage ng mass market mobile marketing solutions para sa mobile operators, large media companies, device manufacturers at large brands. Binibigyang kakayahan ng Celltick na kumita ng pera ang kanilang mga users sa pamamagitan ng kanilang mobile phones.

Pinangungunahan ng kumapanya ang billions of transactions kada taon sa higit 110 million active consumers sa iba’t-ibang mobile platforms sa lagpas 25 bansa.isang mabilis na lumalaking kumpanya, may mga sangay ang Celltick sa Europe, Asia, South America at U.S. www.celltick.com .(Mike Balaguer)

SAMANTALA

Bagong hepe nang dibisyon ng energy itinalaga ng PCIEERD

Taguig City, Pilipinas-PAGKATAPOS ng 3 buwan na pagsisilbi bilang officer-in-charge ng Energy and Utilities Systems Technology Development Division (EUSTDD) ng konseho, ngayon ay promoted na si Engr. Nonilo Peña bilang bagong hepe nito. Siya ay nanumpa sa harap ni Executive Director Dr. Rowena Cristina L. Guevara saksi si Deputy Executive Director Engr. Raul C. Sabularse at ang division staff. Pinalitan ni Engr. Peña si Engr. Darwin M. Rosales na nagbitiw nitong August 2013.

Nagsimula si Engr. Peña bilang Science Research Specialist I, sa nasabing dibisyon nang magtrabaho siya sa PCIERD nuong 1988. Nagsimula siya sa mababa at na promote bilang Supervising SRS taong 1995. Nanatili siya sa posisyon hanggang sa pagsasama ng PCIERD-PCASTRD hanggang maging PCIEERD nga nitong 2010. Bago magtrabaho sa PCIERD, siya ay Field Engineer ng 2 taon sa Atlantic, Gulf & Pacific (AG&P), isang kumpanyang pang industrial process outsourcing (IPO) na nakalinya sa fabrication and assembly, modularization and asset management services ng langisl & gasolina, mina, kuryente at sektor ng civil infrastructure.

Sa lawak ng kanyang karanasan sa enerhiya, ni representa niya ang bansa sa mga pandaigdigang opisyal na misyon at pagpupulong ukol sa enerhiya, transportasyon at pagtutulungan ukol sa disaster management S&T ay nagbigay ng samu’t-saring technical papers sa mga pandaigdigang seminar gaya ng sa Global Center of Excellence Symposium on Energy Science in the Age of Global Warming sa Japan nuong 2009. naging National Focal Person rinsiya sa ASEAN Subcommittee on Non-Conventional Energy Research (SCNER) at naitalagang tagapangulo nuon 2008.

Si Engr. Peña ay isang Mechanical Engineer mula sa Mapua Institute of Technology at may Master in Technology Management buhat sa University of the Philippines. Natanggap niya ang kanyang license taong 1986 at.may pagsasanay rin siya sa Asian Institute of Technology (AIT) sa Thailand taong 1990, kumuha rin ng kursong Energy Management and Training Course sa Japan (1992). Dumalo sa study meeting ukol sa Development of New Energy Sources taong 1996, sumailalim sa programa ukol sa Program on Energy Conservation Technology Capacity Building sa Japan din, at Capacity Building on Technology Transfer naman sa Australia taong 2003. Kamakailan ay nagsanay siya ukol sa New Energy and Industrial Technology Development Organization.

Bilang bagong hepe ayon sa kanya ay patuloy niyang pangungunahan ang misyon ng EUSTDD na “lead and partner with public and private institutions in generating sectoral S&T plan, policies, strategies and science-based information to address national needs and contribute to economic development.” (Jane Balaguer)

KAUGNAY NITO

Pamumuhunan sa reproductive at sexual health ng mga kabataan, mahalaga ayon sa IPPF

Pasay City,  Pilipinas-Pamumuhunan sa reproductive at sexual health ng mga kabataan ay mahalaga at maituturing na isang pangunahing karapatang pantao ayon sa International  Planned  Parenthood  Federation  (IPPF)  Director  General  Tewodros Melesse na dumalo sa nakaraang 7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights (APCRSHR) na ginanap sa lungsod na ito particular sa Philippine  International  Convention Center (PICC) nitong   21-24  ng Enero  2014.

Sa 29-taong karanasan ni Mr. Melesse na makipag ugnayan sa mga organizations na committed sa sexual, reproductive health and rights sa buong mundo ay lubos na naniniwala na ang mga kabataan ang dapat na maging pangunahin sa mga pagtalakay at pag de desisyon ukol sexual, reproductive health at rights.

Ayon kay Mr. Melesse, “today, there are 1.8 billion adolescents standing at the crossroads between childhood and adulthood – making up the largest youth generation in history. The choices this generation makes will shape not only their lives, but will have a direct impact on the future of their communities, their nations and the world around them.”

“Adolescents need comprehensive, accurate and developmentally appropriate sexuality education to ensure they have the skills to make decisions and that national governments have the authority and the

Responsibility to address social and cultural barriers to the provision of sexual and reproductive health education and services for adolescents among others,” dagdag pa niya.

samantala nitong nakaraang  2012  Family  Planning  Summit  sa  London  ang mga bansa,  development agencies at partners ay nangakong ia angat ang access  sa reproductive health kasama ang family planning service. Para sa kanilang bahagi, ang IPPF ay committed na paigtingin ang bilang ng mga komprehensibo at maigting na SRH services na ipagkakaloob kada taon kasama sa 553 million sa mga adolescents.

“In  the  same  summit,  the  Philippines  has  committed  to  establish  a  national  policy  on reproductive health and population development, and to allocate funds to implement this vital policy,” ibinahagi ni Napoleon Hernandez, Family Planning Organization of the Philippines (FPOP). 

Ayon kay Hernandez, ang Reproductive Health Law ay dapat naging matibay na instrumentong legal upang matupad ang pangakong ito dangan lang ay matapos itong maipasa ng kongreso at ginawang batas na nilagdaan ni President Aquino, ang nasabing kautusan ay sumasailalim pa sa pakikipagtunggali sa katas taasang hukuman.

“Three months have passed since the conclusion of the Supreme Court’s oral arguments on the constitutionality of the law and nothing is happening,” iginiit ni Hernandez. “Let us not forget that the bill languished in Congress for 14 long years, hence, the issue has been fully discussed and deliberated and should now be ready for implementation,” ayon kay Napoleon.

Sinusuportahan ng IPPF  ang  FPOP  sa panawagan na hikayatin ang  Supreme  Court  na mag  rule  upang agad pumabor sa implementation  ng RH  law  bilang  consistent  sa  IPPF’s  Vision  2020.   Ang IPPF’s Vision 2020 ay nagha highlights sa panawagan na magkaisa ang mga bansa at development partners para sa mga provision ng sexual and reproductive health education at services. (mike balaguer)