CLMA, Humanga kay Mayor Christian Natividad; National Training on Culture Based Governance ginawa sa Malolos at Ikalawa at Ikatlong Araw ng NTCBG kapaki pakinabang para sa mga LGU’s

CLMA sa bulacan                   Nagsagawa ng Directorate Meeting ang Central Luzon Media Association, Inc. (CLMA) na kung saan Bulacan Chapter ang siyang host at ginanap ito a Villa Reina Resort na may temang “Kalikasan at Likas na Yaman Pangalagaan”.

Ang CLMA ay binubuo ng mga mamamahayag sa radyo, dyaryo at telebisyon sa buong Central Luzon na kinabibilangan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales. Sa nasabing pagpupulong ay dumating si Mayor Christian Natividad na labis na hinangaan ng mga opisyales ng CLMA dahil sa simpleng-simple lang ito na naka-polo shirt at maong lamang ito, at talagang gumising ng maaga upang makaharap sila. Humanga sila sa kakayahang mamuno ni Mayor Christian sa isang lungsod.

Sa bawat pagpupulong ng CLMA na kung saan umiikot sila sa buong Central Luzon, tanging si Mayor Christian lamang ang nagbigay ng oras kahit sandali upang siya ay makaharap at makapanayam. Bihira kasi sa isang pulitiko na pumupunta sa isang maliit na pagpupulong, kadalasan nagpupunta lamang ito sa mga malalaking okasyon na kung saan sila ang bisitang tagapagsalita.

Ngunit si Mayor Christian ay iba, kaya’t maswerte daw ang Lungsod ng Malolos sa pagkakaroon ng isang Mayor na tulad ni Mayor Christian Natividad. Kaalinsabay ng pagpupulong ay pagsagawa ng proyekto ng CLMA na tree planting na kung saan ipinagkaloob ni Gerry Cardona, Pangulo ng CLMA Bulacan Chapter ang Mahogany plants kay Kapitan Ferdinand “Opot” Dimagiba ng Barangay Catmon, siyudad ng Malolos upang itanim sa kanyang itinalagang lupa na pagtataniman sa kanyang Barangay. (AIDA RUBIO)

 

Pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts, Philippine Cultural Education Program at ng Local Government Unit ng Malolos City sa Lalawigan ng Bulacan ang National Training on Culture Based Governance na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center nitong October 7 hanggang 9 ng taong ito kung saan dinaluhan ng ibat-ibang stakeholders mula sa buong bansa.

Sa unang araw ay pinangunahan ni Armando P. Sta Ana ang panimula, siya ang Project Coordinator ng nasabing okasyon kasunod ay ang pambungad na pananalita at pagbubukas rin ni Malolos City Mayor Christian Natividad at sinimulan ni PCEP Director Joseph Sonny Cristobal ang pagbibigay ng overview na may titulong Philippine Cultural education Program and significance of Culture in Local and National Scene.

Samantala, nagbigay naman ng kanyang input si Atty. Trixie Angeles, Legal Counsel ng NCCA na may titulong Protecting our Cultural Heritage and Creation of Local Culture and Arts Council kasunod ay ang pagbubukas na ng mga exhibits at sumunod ay ang isa na namang input buhat naman kay Prof. Gina Salazar ng UP Manila na may titulong Institutionalization of Culture and Arts Funds in LGU Level at isa muling input buhat kay  Prof Ferdie Lopez ng UST at NCCA PCEP Council na may pamagat na  Introduction to Cultural Education.

Nagkaroon rin ng mga Conference Briefing at Lectures kasama ang Cultural Tours kung saan hinati sa apat na grupo ang mga nagsilahok mula sa A hanggang D. ang Groups A ay nagtungo sa mga Heritage Sites gaya ng Kamistisuhan, Basilica, at Casa Real kasama si Marichelle S Bernardo habang tinugaygay naman ng Group B ang Barasoain Church and Museum kasama naman si Armand Sta Ana.

BKFI Performing Company, Provincial Museum at Mini Forest ang pinuntahan ng Group C kasama si Rolly Marcelino at bahay ni Mila Enriquez at Heritage Cuisine kasama si Reeza Hernandez-Santiago ang tinungo ng Group D kasama ang kani kanilang mga facilitators at tour guides pagkatapos ay mga on site group discussions at pagkatapos mamasyal ay isa summarized n mga grupo ang kanilang mga naging karanasan ng araw na iyon.///Michael Balaguer

mayor christian natividad

larawan ni Malolos City Mayor Christian Natividad kuha ni www.diaryongtagalog.net Stringer and Account Executive Isagani Navarro.

Naging makabuluhan ang ikalawa at ikatlong araw ng National Training On Culture Based Governance sa pambungad na inputs ng isang representante ng LGU at ng akademya. Kabilang si Vigan Mayor Eva S Medina na may pamagat na Cultural Vibrancy in Local Governance na sinundan ni DR Aldrin Darilag, DEan ng St Paul University sa Surigao na may inputs na Peace Education.

Culture: Research and Heritage Development naman ang input ni Prof Eric Zerrudo ang Director ng Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics o CCCPET ng UST kasunod ang Culture Based Tourism Planning ni Prof Richard Gonzalo ng Asian Institute or Tourism ng UP Diliman na sinundan ng Group Workshop and Reporting pati ng Drafting of Proposals per sub group kasama si Prof Richard Gonzalo ng UP Diliman at pang huling aktibidad sa ikalawang araw ay ang tinatawag na Night with Mayor Christian Natividad.

Sa ikatlong araw at huling bahagi ng tatlong araw na training nagbigay ng input sa pambungad si Armando P Sta Ana, ang Culture and Tourism Officer ng Malolos City at inihatag niya ang Malolos Culture and Tourism Programs na sinundan ng mga presentasyon ng mga group proposals para sa mga Mayors, Governors na may kasamang mga responses buhat sa apat na mga grupo.///Isagani Navarro