Dayaw 2016 Presscon sa Maynila; DOH MIMAROPA kinalinga ang Kalusugan ng tryk Tsuper sa Palawan at Ugnayan para sa Tekbok Uminog sa Inclusivity


KALUSUGAN NG TRYK TSUPER

PUERTO PRINCESA, PALAWAN-INILUNSAD ng Department of Health MIMAROPA, Pilipinas Shell Foundation at City Government of Puerto Princesa City sa lalawigang ito ang Health and Safety Program for the Public Transport Drivers particular mga tsuper ng tricycle na tinaguriang “Todo na’to”.bahagi ng Integrated infectious Disease Systematic Screening of Vulnerable Population sa Mendoza park grounds October 27, 2016.

Patungkol sa road safety, testing ng human immunodeficiency virus o HIV kasama ang voluntary counseling para sa nasabing sakit, medical at testing din ng tuberculosis at prostate cancer, mga karamdamang malimit dumapo sa mga kalalakihan sa vulnerable sector gaya ng mga tsuper ng tricycle pati leprosy o ketong na alam na gaya ng tuberculosis ay nagagamot na kung maa agapan.

Layunin ng kagawaran ng kalusugan sa bahaging ito ng region 4B na mabigyang proteksyon ang mga mahihirap na sector sa mga nabanggit na karamdaman kaakibat nito ang mga payo ukol sa road safety.

Kabilang sa mga nakibahagi sa nasabing aktibidad ay si Dr. Emerose G.Fandino-. Moreno ang Head ng Infectious Disease Cluster ng DOH MIMAROPA na nagrepresenta kay DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo. Sa naging panayam kay Dr. Moreno sinabi niyang ang transmisyon ng mga karamdaman gaya ng HIV, TB at ketong ay lokal at di buhat sa labas ng MIMAROPA lalo sa Palawan.///michael balaguer

img_20161021_123504

 

 

 

UGNAYAN PARA SA TEKBOK UMINOG SA INCLUSIVITY

SAN JUAN-Uminog sa inclusivity o walang maiiwan ang naging takbo ng Ugnayan para sa Tech-Voc na pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Sa talumpati na binigkas ni TESDA Director General and Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, iginiit niyang sa panahon ngayon nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga programa ng TESDA ay para sa lahat, walang maiiwan o inclusive ang pag unlad.

Sa 42,000 barangay sa bansa, kasamang bibigyan ng serbisyo ng TESDA ay ang mga katutubo, mga may kapansanan, mga nakakulong sa mga bilangguan at ang kanilang ng pamilya sa laya na naiwan at mga GRO o commercial sex worker na nais ialis ng gobyerno sa tanikala ng prostitusyon at bigyan ng disente at katanggap tanggap na hanapbuhay.

Ayon kay Sec. Mamondiong, ang nasabing mga sector ang nais ng Pangulong Duterte na mabigyan ng srbisyo dahil wika niya, ang mga ito ang naiiwan sa laylayan ng lipunan kumpara sa ibang sector na nakakasabay sa takbo ng buhay.

Kabalikat ng TESDA ang pribadong sector na siya mismong numero unong mga job generator ayon kay Mamondiong. Napag alaman na may 22 stakeholders buhat sa pribadong sector na nasa TESDA board habang 8 lang ang sa gobyerno./// Michael N. Balaguer

img_20161019_115328

 

 

 

 

 

 

 

 

DAYAW 2016 PULONG BALITAAN

Maynila- Muli na namang ginanap kamakailan sa punong tanggapan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang isang pulong balitaan ukol sa taunang kapistahan ng mga tribo na bumubuo sa bansa.

Ang Dayaw ay isang katagang ginagamit ng maraming grupong etno linguistika sa bansa kaya ito ang ginamit ng komisyon kabalikat ang National Commission on Indigenous People upang ipakilala ang kultura, sining at tradisyong tunay na nagpapakilala sa katutubong Filipino.

Bukod sa mga opisyales ng komisyon ay naroon rin ang mga representante ng ibat ibang tribo sa bansa at ang mga sub komisyon ng NCCA at ng NCIP, mga mamamahayag na malimit magkober ng mga aktibidad ng komisyon na nagsusulong rin sa pagpapa angat ng pagkakakilanlan ng ating kultura at sining pati mga representante ng mga grupong may adbokasiya ukol sa mga katutubo.

Nagkaloob ng mga kani kanilang mga natatanging talumpati at pananalita sina OIC Executive Director Marichu G. Tellano, na nagrepresenta kay NCCA Chairman Prof. Felipe M. De Leon Jr., at nanguna sa nasabing aktibidad si Dr. Al Anwar Anzar na pinuno ng NCCA Subcommission on Cultural Communities and Traditional Arts at Dr. Edwin Antonio, kabilang rin sa mga nag imbita sa mga mamamahayag ay sina Anne Cabrera at Rene Napenas ng kanilang Public Information.///Michael Balaguer