
DEUTERIUM THE FUEL FOR THE FILIPINO
LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN-SA napaka abalang lipunan ngayon kung saan halos lahat ng bagay ay pina a andar gamit ang kuryente, sa pangkalahatan ginawa nitong madali ang maraming bagay. Ang karamihan ang mga tinatangkilik nuon ng mga may kaya o mayayaman ay kaya na rin ng mga mahihirap dahil naging parang ordinary na lamang
Langis o tinatawag ring Itim na Ginto buhat sa ibat-ibang bahagi ng daigdig lalo sa gitnang silangan ay sinasabing natutuyo na kaya nga ang mga bansang may langis nagyon ay unti-unti ng naghahanap ng ipapalit nila sa langis at uling.
Iba pang uri ng enerhiya gaya ng natural gas ay marami sa ilang bahagi ng Asia gaya ng Philippines ngunit may mga pag aaral na maya maraming deposito ng deuterium sa Pilipinas na hindi pa nagagalaw at sinasabing malaking halaga ang katumbas nito.
Samantala nitong September 10, 2022 isang grupong nagsusulong ng paggamit ng deuterium at pag engganyo na gamitin na ang malaking deposito nito sa bansa ay ang Alpha Omega Ring Trading Corporation sa pakikipagtulungan nila sa Philippine Deuterium Development and Management Corporation ay nagsagawa ng kanilang 1st General Assembly na ginanap sa lungsod na ito na sinaksihan rin ng dalawang opisyal ng Islamic Council of the City of Malolos kabilang si Mj Balager (Maryam Jannah Binti Ismail) the Secretary General at Abdul Malik Binti Ismail the Vice President.
Kabilang sa mga naging panauhing pandangal ay si Dr. Bertito Del Mundo Hashimoto isang enhinyero at siyang lumikha ng Feasibility Study ukol sa Deuterium sa pilipinas at sinasabing kinumisyon ng former First Lady Imelda Romualdez Marcos ang siyang nagpaliwanag sa grupo at sa mga bisitang dumalo ukol sa kahalagahan ng paggamit natin ng deuterium upang maunawaan ng maigi ng karaniwang tao.
“mabigat na tubig” ang nickname na tinawag ng komunidad ng agham sa deuterium na kung anila ay maayos na mai extract at magamit sa enerhiya ng bansa, ang magiging kita nito ay para sa Filipino.
Kabilang rin sa mga dumalo at nakibahagi ay sina Mr. Saturnino Quilapquilap, Heracleo Lagulos, Federico Caja, at Melanio David kasama si Hadji Ali Shariff at Bb. Susan Amoto-Estrebillo.///abdul malik bin ismail, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk