DISKETTE BRAND WALA NA SA 3M SINCE 1997

MADALING magbago ang teknolohiya at sa mga nakaraang panahon kung saan ang ebolusyon ng data storage device ay malalaki hanggang lumiliit o lumalapad hanggang numinipis, nasa library pa natin ang mga diskette na dating ginagamit sa ating mga personal computers bilang removable data storage devices.

Sa pulong balitaang inorganisa ng Science and Technology Information institute ng Department of Science and Technology lumagda ng Memorandum of Understanding ang kumpanyang 3M at ang DOST na ang layunin ay magtulungan sa ilang mga maka agham na mga gawain, programa, proyekto at aktibbidad.

Isa sa mga kumpanyang maraming produkto sa pamilihan ang 3M at ilan dito ay mga produktong lagi nating ginagami kagaya ng diskette. Micro at mini floppy diskettes ang ginagawa nuon ng 3M na karamihan sa atin ngayon ay may mga nagma may ari ba bukod sa mga CD, DVDR at USB thumb drive, SD atbp.

Ngunit sa pagtatanong ng www.diaryongtagalog.net kay Ariel B. Lacsamana, President at Managing Director ng 3M Philippines, ang kanilang kumpanya ay isang innovator at ang kanilang teknolohiya ay hindi nila ipinagdaramot kahit kanino ngunit nabibiktima rin sila madalas ng pangongopya at pamimirata, ito ay ebidensya sa kanilang produktong scotch bright o ang ginagamit na sponge na panghugas ng plato.

Ayon kay Lacsamana, binili na sa kanila ang rights para sa kanilang diskette production at ginamit na ito ng kumpanyang may brand name na IMATION nuong 1997. magkakaroon ng mga pagtutulungan ang 3M sa kagawaran ng agham sa pangunguna ni DOST Sec. Fortunato T. dela Pena at Usec. Rowena Cristina Guevara.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk