Sablayan, Occidental Mindoro- SA layuning maibalik sa malayang lipunan ang mga kabababayan nating naligaw ng landas na nasa malusog na pangangatawan at hindi na lubusang maging anay ng lipunan;
Pinanhunahan ni Dr. Eduardo C. Janairo, Regional Director ng DOH MIMAROPA (Department of Healt Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ang screening sa mga preso nang Sablayan Prison and Penal Farm na matatagpuan sa munisipyong ito.
Kabilang sa mga sinuri ay ang HIV AIDS (Human Immuno-deficiency Virus- acquired Immune Deficiency Syndrome), Tuberculosis, Malaria at iligal na Droga. Layunin nitong ma iwasan, magamot at maturuan ang mga naka piit nang mga tamang impormasyon hinggil sa nasabing mga karamdaman sa paraang itinatadhana ng batas para sa mga nahatulan at nakapiit sa kulungan.
Bukod sa kagawaran ng kalusugan ay kasama rin si Supt. Guillermo Ayala ng Sablayan Penal Farm. Nagpamigay din ang DOH MIMAROPA ng mga hygene kits, lectures ukol sa nasabing mga karamdaman atbp.///michael n balaguer
-30-
Mamburao, Occidental Mindoro-Nagtayo ng isang hub para sa information and education ukol sa mga Persons Living With HIV ang DOH MIMAROPA at ito ay matatagpuan sa bayan na ito sa Occidental Mindoro Provincial Hospital.
Dinaluhan ni DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo ang paglulunsad ng ARUGA (Anonymity, Respect, Understanding, Guidance and Advisory) paglulunsad rin ito ng satellite treatment center upang di na lumuwas ng Maynila ang mga dinapuan nang nasabing nakamamatay na sakit.
Ayon sa nakapanayam namin na PLW HIV na si Rodelson Acosta Jr. may tinatayang 16 kataong PLW HIV sa occidental Mindoro ay siya lamang ang kabilang sa mga matapang na naglakas loob na magpa interbyu sa mga mamamahayag.
Ayon kay Dr. Janairo nais nilang maglagay ng isang center bawat isla ng MIMAROPA at Occidental Mindoro ang unang nakipagtulungan sa kanila. Nabatid na bumibiyahe pa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at sa san Lazaro Hospital sa Maynila ayon ito sa nakapanayam namin sa PLW HIV.///michael n. Balaguer
-30-

Exif_JPEG_420
Puerto Princesa City, Palawan- SA layuning makapagligtas ng buhay sa mas madaling paraan at madala agad sa pagamutan ang mga emergency cases na nasa bingit ng kamatayan laging nauuna sa inobasyon sa ambulansya ang DOH MIMAROPA sa pangunguna ng kanilang masipag at visionary Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo.
Kamakailan ay inilunsad ang Air Ambulance sa nasabing rehiyon sa lalawigan ng Palawan. Sa pamamagitan ng nasabing helicopter ay madali nang madala ang mga emergency cases sa mga pagamutan sa Maynila via Marikina City na unang lungsod na nag accommodate sa nasabing ambulansya upang lumapag.
Ngunit bago pa ang inilunsad na Air ambulance ay nailunsad na rin ng DOH MIMAROPA ang kanilang Sea Ambulance na siyang magta transport ng mga pasyente from island to island dahil marami at kalat-kalat ang mga pulo ng MIMAROPA.
DOH MIMAROPA din ang unang naglunsad ng Tricycle at Motorcycle Ambulance at bagaman di na marahil operational ay ang Bike Ambulance.
Upang patotohanan ang pagiging innovator ng DOH MIMAROPA, sa isang rare interview nabanggit ni Dr. Janairo na kung siya ang papipiliin ay nais din niya ang ambulansyang gamit ang kabayo para sa mga kabundukan.
Bagaman dini discredit ng ilang bureaucrats sa DOH national at DOST NRCP gaya ni Dr. Ted Herbosa na dating USec ng DOH ang mga programa ng DOH MIMAROPA, nananatili pa ring epektibo at matagumpay ang mga ito lalo ang mga programang nakapagliligtas ng buhay.///Michael n. Balaguer