DOH MIMAROPA nakibahagi sa paglulunsad ng rehab center sa Calapan; DOH MIMAROPA nakiisa sa implimentasyon ng programa ukol sa droga ng Oriental Mindoro LGU at DOH MIMAROPA kabilang sa stakeholders convergence ukol sa droga ng LGU Marinduque

img_20161206_074123

DOH MIMAROPA nakibahagi sa paglulunsad ng rehab center sa Calapan

Calapan, Oriental Mindoro- Bahagi ang DOH MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo Jr., sa binuksang rehabilitation center sa lungsod na ito kamakailan kung saan ang paraan ng paggamot sa mga pasyente ay di pangkaraniwan.
Ginagamitan ng “Ayurveda” isang Indian healthcare system na holistic ang approach ay bahagi ng alternative medicine na isinusulong ng kagawaran ng kalusugan.
Thirty nine ang mga pasyenteng nakasama sa programa na mga occasional users lang at hindi yung masasabing mga talamak na adik at tulak ng droga. Ayon sa talaan, ang Mindoro ang may pinakamalaking bilang ng mga drug surrenderee kaya napakaraming programa ang inilagak ng DOH MIMAROPA sa lalawigang ito.
Kaagapay ang City Government of Calapan sa pangunguna ni Mayor Arman Panaligan, ang Technical education and Skills Development Authority (TESDA), DOST MIMAROPA, PNP Calapan sa pangunguna ng kanilang hepe na si PSupt Jonathan Paguio at si Dr. Marylou Fernando ng Dr. R A Fernado School of Healthcare Technology.
Sa talumpati ni Janairo binanggit niya na mas epektibo ang treatment na kanilang iniimplimenta sa bahagi ng MIMAROPA dahil ito ay holistic at mas mabilis ang recovery kaysa sa dating sistema.///Michael Balaguer

———————————————————-

img_20161206_100831

DOH MIMAROPA nakiisa sa implimentasyon ng programa ukol sa droga ng Oriental Mindoro LGU

PROGRAM Implementation Review at pagkilala sa mga natatanging program implementers ukol sa drug program na pinangunahan ng provincial health office ng Oriental Mindoro na ginanap sa lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro kasama ang DOH MIMAROPA.
Sa pangunguna ng representante ni Hon. Alfonso V. Umali, Governor ng Oriental Mindoro, Dr. Normando S. Legaspi ang Provincial Health Officer II at kanilang mga kasama sa programa ng nag iimplimenta ng programa sa drug rehabilitation at mga sumuko kabalikat ang kapulisan sa lugar binati ni DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo Jr., ang mga program implimentors sa ibat ibang bayan ng lalawigan para sa isang job well done.
Isang mabigat sa suliraning panlipunan ang groga na pinapasan ngayon ng kagawaran ng kalusugan matapos silang atasan ng Pangulo na makibahagi sa kampanyang wakasan ito sa kabila nang kapirasong pondo na dapat mailaan rin nila sa iba pang suliraning pangkalusugang kinakaharap ng mga mamamayan.
Nagbigay ng presentasyon ukol sa healthcare agenda si Dr. faith Alberto ang Assistant Regional Director ng Doh mimaropa, presentasyon ng provincial scorecard at accomplishment ng LGU na inulat ni Nornie Dacula, RND, MPH
Abala ang DOH MIMAROPA Regional Director sa pag iikot sa buong MIMAROPA upang I monitor ang kalagayan ng mga mamamayan at pakikipag tulungan sa mga LGU di lang para sa mga programa ukol sa iligal na droga na siyang flagship program ng gobyerno kundi pati sa isyu ng public health gaya ng Malaria.///Mary Jane Olvina-Balaguer

 

———————————————————-

img_20161207_085618

DOH MIMAROPA kabilang sa stakeholders convergence ukol sa droga ng LGU Marinduque

Boac, Marinduque- Todo suporta ang provincial government ng lalawigang ito sa giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga kaya ang mga programa ng DOH MIMAROPA ukol sa nasabing karamdaman ay kanilang lubos na isinusulong kaya ng ginanap na stakeholders convergence sa kapitolyo kamakailan.
Bagaman di ganoon karami ang bilang ng mga sumukong adik at tulak sa lalawigang ito at tila may mga mas kinakailangan pang serbisyo ng kagawaran lalo sa bahagi ng public health, todo ang pakiki isa ng mga sector sa laban kontra droga.
Pinasalamatan naman ni Marinduque Governor Carmencita O. Reyes si DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo Jr., sa patuloy nitong suporta sa kanyang lalawigan, wika pa niya na ang ibang regional directors na nagdaan ay di kasing “hands on “ ni Janairo na mismong nagtutungo at bumibisita sa mga islang katulad ng sa kanila upang alamin ang mga suliranin at kalagayan ng mga tao.
Kabilang sa mga opisyales na nakibahagi ay sa nasabing convergence ay sina Dr. Ruby Ephraim Rubiano, Medical Officer IV, Health Facilities Operations and Development Unit ng DOH MIMAROPA, DILG Marinduque Frederick C. Gumabol at Dr. Sahlee Montevirgen –Sajo, Medical Officer III, Integrated Noncommunicable Disease prevention and control program ng DOH MIMAROPA.///Michael Balaguer

———————————————————-