1TAON NG DIWATA -1 SA ORBIT GINUNITA NG ASTI DOST
QUEZON CITY, PILIPINAS- ITINUTURING na unang micro satellite na magso showcase nang kakayahan ng pilipino sa teknolohiyang pang kalawakan.
Nilikha ang DIWATA 1 isang taon na ang nakararaan at inilunsad buhat sa international space station ngunit binuo ng mga dalubhasa ng university of the philippines at advance science and technology institute (ASTI) ng DOST sa pondo naman ng philippine council for industry energy and emerging technology research and development (PCIERRD) sa pamumuno ni Dr. Rowena Cristina Guevara bilang dating Executivw Director na ngayon ay USec na ng DOST.
Isang makabuluhang proyektong maka agham ang space technology at dahil napaka rami nitong gamit mula sa weather and climate obserbation, mapping, communications, internal at external security atbp bagaman ginawa sa bansang hapon ang nasabing satellite.
2015 pa nagsimula ang pagsa saliksik at pagbuo ng DIWATA 1.
Bukod kay DOST USec Rowena Cristina Guevara, DOST PCIEERD Executive Director Carlos Primo David at DOST Sec Fortunato T dela Pena.
Bukod sa PHIL MICROSAT ay marami pang nakalinyang programa pang kalawakan ang pamunuan ng DOST ss agenda ng Duterte Administration ukol sa agham.Isang makabuluhang proyektong maka agham ang space technology bagaman ginawa sa bansang hapon ang nasabing satellite.
2015 pa nagsimula ang pagsa saliksik at pagbuo ng DIWATA scholarship ng mga estudyante, ground receiving station at ang dalawang satelites.
Sa panahon ngayon na kahit ang European Space Agency (ESA) at National Aeronautics and Space Administration (NASA) ay bumabaling na sa paglikha ng reusable na produkto gaya ng shuttle at satellite dahil sa nagkalat na space junk sa kalawakang bahagi nang paligid ng mundo lubhang napakamahal ng halaga ng proyekto na 800 milyong piso at lubhang napakalaking gastos para sa gobyerno na 2 years lang ang buhay ng isang napakahalagang proyekto. Talo ang taumbayan sa napakagastos na proyekto sa pagtaya ng ilang at hindi nais ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng hindi sustainable at magastos na proyekto kaya kinakailangang i justify ng kagawaran ng agham na mahalaga ito para sa bansang Pilipinas.//michael balaguer
PAGBUBUKAS NG NATIONAL HEALTH MANAGEMENT COOPERATIVE CONGRESS
MAGRE REPRESENTA kay Department of Health (DOH) Secretary Pauline Jean Ubial na hindi makakadalo sa pagbubukas ng National Health Management Cooperative Congress na nakatakdang ganapin ngayong April 25, 2017 sa Hotel Centro, lungsod ng Puerto Princesa lalawigan ng Palawan ang Regional Director ng Department of Health Minodro, marinduque, Romblon and Palawan (DOH MIMAROPA R4B)na si Dr. Eduardo C. Janairo.
Ayon sa Community Affairs and Media Relations Officer ng DOH MIMAROPA na si Mr. Glen Ramos, si Dr. Janairo ang naatasang magbasa ng talumpati ng Kalihim nang Kagawaran ng Kalusugan upang ilahad ang mga programa ng DOH national na batay sa mga Health Reform Agenda ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Dahilan sa isang national event ang nasabing aktibidad, magkikita kita ang mga health management cooperative groups buhat sa ibat ibang bahagi ng bansa at magko converge sa lungsod na ito upang talakayin ang samut saring agenda ukol sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang sektor at dahil bahagi ng sektor kalusugan ay tiyak na maraming mai impart si Dr. Janairo sa mga partisipante batay sa mga nagawa na niyang programa sa MIMAROPA na lubhang napaka epektibo.
Bukod sa mga mamamahayag na dala ng DOH MIMAROPA ay magko cover din ang mga media and press practitioners na naka base sa Palawan gayundin ang mga representante ng mga tanggapan ng media na nakabase sa Maynila na may mga naka assigned na tauhan sa lungsod na ito.///Micahel balaguer
-30-
BGY. BANCAO-BANCO PUERTO PRINCESA CITY, PALAWAN- NAGSIMULA NA ang Pang -8 Training ng Water Search and Rescue Training (WASAR) para sa 44 lifeguards kabilang ang 3 kababaihan at 41 kalalakihan na nanggaling sa mga coastal establishment at resorts and beaches sa buong PPC. Ang proyektong nagsimula ng Abril 24-28,2017 sa inisiatibo ng Department of Health- MIMAROPA sa pangunguna ng Regional Director nitong Dr. Eduardo C. Janeiro katuwang ang Philippine Coast Guard- Commodore Joselito F. Dela Cruz, PCG District Commander Coast Guard District Palawan (CGDPAL) nakinatawan ni Lt. Melissa Acosta CDGPAL Nurse Officer at Local Government Unit ng PPC at City Tourism Department.
“ Kailangan alisin ang bisyo ng alak, sigarilyo. Pero pakonti -konti pwede ang redwine. Para ma-maintain ang sigla at lakas. Umaangat ang turismo kailangan natin ng assurance para hindi mapabayaan ang mga turista at matiyak ang kaligtasan. Buhay na maililigtas kapag WASAR training, paramihin ang lifeguards ng mapaigtingin ang turismo sa buong MIMAROPA ito ang umpisa ng pagbabago . Sa mga lugar na nag conduct ng WASAR training ay walang nalulunod at namamatay”pahayag ni Dr. Eduardo Janeiro- Regional Director ng DOH MIMAROPA.
“Sa Nagtabon marami na namatay at nalunod hangad maari maiwasan just provide safety measure and facility tapos basic life training CPR at kahit simple medical facility puwede maiwasan mamatay at makasagip ng buhay. Salamat DOH MIMAROPA sa importante training” ayon kay Luis M. Marcaida III- City Mayor ng PPC.
Kinilala ang tatlong kababaihan na lalahok sa WASAR training na sina: Mayuree Bacuno, Princess Joedie Gillona at Jeshaina Kimberly Felipe. Magsisilbing course director Larry V Quiambao mula sa PCG.Kabilang sa 5 days training ang mga sumusunod; ang lecture,demo at practical exercises ng basic life support; Physical development training tulad ng warm up, road run; Lecture on water safety, rescue at survival technique tulad ng breath holding, water entries,underwater swim,swimming strokes; Basic rope technique and knot tying, rope rescue technique, underground knot tying, individual and group survival techniques at One (1) mile qualification swim, rubber boat handling.
“Ang Chinese ang number 1 traveller at splender but first quarter ngayon taon ay may nalunod sa Nagtalon to upgrade tourism service workers batas tourism code lahat ng swimmimg pool,establishment along coastal area dapat ay may 1 lifeguard. At itong training na ito ng WASAR ay sagot ng DOH MIMAROPA ang gastos para makasagip ng buhay hindi lang ng turismo but lahat ng nangangailangan”saad ni Aileen Cynthia M. Amurao- City Tourism Officer, PPC.
Naroon din sa panimula ng WASAR sina Dr. Rommel Lisan- Medical Specialist DOH MIMAROPA, Glen Ramos- Community Affairs and Media Relation Officer- DOH MIMAROPA at ang nagsilbing host sa pagdaloy ng programa si Cyril Faith L. Negosa- Training Chief, City Tourism Department. // MJ Balaguer//