KARAGDAGANG KAGAWARAN HINDI KAILANGAN
Odiongan, Romblon-HINDI na raw kakailanganin ang pagtatatag ng panibagong kagawaran para sa sektor ng pangisdaan sa kabila ng resolusyong inihatag nang pinakamataas na tagapayo ukol sa usapin ng agham at teknolohiya sa Pangulo ng bansa na inihatid sa kanilang 39th taunang pagpupulong pang agham kamakailan, ayon mismo sa pananaw ng kalihim ng agham at teknolohiya kasabay ng pagdiriwang ng RSTW sa bayan na ito.
Ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Prof. Fortunato T. dela Peña, Secretary ng Department of Science and Technology (DOST) sa kanyang pananaw ay hindi na kailangan na muling magtatag ng kahiwalay na kagawaran para sa pangisdaan sa kabila ng ito ang laman ng resolusyon ng National Academy of Science and Technology (NAST) na kanyang binasa mismo sa madla nitong katatapos lang na 39th Annual Scientific Meeting ng itinuturing na highest advisory body to the President of the Philippines in matters of Science and Technology at ang tanging kailangan lang ay punuan ang mga kakulangan ng kasalukuyang mga ahensya ng mga tauhan at bigyan sila ng katumbas na sahod.
Nabatid na ang mga ahensyang nasa ilalim ng kagawaran ng agrikultura (Department of Agriculture)gaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ay nagagawa naman ang kanilang trabaho ng tama at maayos ngunit kulang sa tauhan at kagamitan kasama na ang sapat na sahod para sa kanilang mahirap na trabaho.
Ang mga ahensya sa ilalim ng kagawaran ng transportasyon (Department of Transportation) gaya ng Philippine Coast Guard; ahensyang nasa ilalim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense) ang Philippine Navy at Philippine Marines; mga kaugnay na ahensya gaya ng Maritime Industry Authority (MARINA) mga ahensyang kaugnay nito na attached sa mga kagawaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) gaya ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group.
Sa kasagsagan ng rationalization program ng gobyerno, isinama ng DOST ang isa nilang council na namamahala sa sektor ng pangisdaan sa sektor ng agrikultura, ito ang Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) sa Philippine Council for Agriculture and Natural Resources Research and Development (PCARRD) at naging Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD).
Nagtutugma ang mga saloobin ng mga tauhan nang mga nasabing ahensya sa binanggit ng kalihim ng agham at teknolohiya, isang bagay na dapat isa alang alang sakaling pagbigyan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suhestiyon ng mga dalubhasa ng NAST na magbuo ng kagawaran ng pangisdaan.
Ang nasabing mga ahesya at mga tauhan nito ay kakaunti at maliit lang ang suweldo ngunit epektibo nilang nagagawa ang kanilang trabaho at mandato na iniatang sa kanilang mga balikat.
Ang panayam sa kalihim ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng Regional Science and Technology Week sa bayan na ito sa pangunguna ni Regional Director Dr. Ma. Josefina P. Abilay ng Department of Science and Technology- Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) o Region 4B at Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) ng Technology Applications and Promotion Institute (TAPI) kasama si Engr. Edgar Garcia na kanilang Director.
Dahil kapuluan ang lalawigan ng Romblon at ang kabuuan ng MIMAROPA, pangisdaan ang hanapbuhay ng marami sa mga bayan at lalawigan dito kaya ang isyu ukol sa pagtatatag ng isang bagong kagawaran para sa sektor ng pangingisda ay tunay na mahalaga sa Filipino lalo na at tayo ay maituturing na isang “maritime nation”, may pinakamahabang coastline sa buong mundo at kabilang sa mga bansang may tripulante sa lahat ng nang naglalayag na bapor sa buong mundo.///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
SOLAR PANELS ON HEALTH CENTERS SA MIMAROPA WITH DOH AND DOST
Romblon, Romblon-KAPWA pinagtulungn ng mga kagawaran ng agham at teknolohiya at ng kalusugan ang paglalagay ng solar panels para pagkunan ng elektrisidad na magagamit para sa mga RX boxes sa mga rural health units sa MIMAROPA region.
Malaking pasasalamat ang ipinaabot ng Kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato T. dela Peña sa pamunuan ng Department of Health (DOH) na pinangungunahan ni Secretary Pauline Jean Ubial at ng kanyang Regional Director sa MIMAROPA na si Dr. Eduardo C. Janairo na nagkaloob ng pondo na naimplimenta ng DOST MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Dr. Ma. Josefina P. Abilay sa mga solar panel systems na installed sa bubungan ng mga rural health units lalo sa mga liblib na lugar ng MIMAROPA di lang sa bayan na ito.
Sa bahagi ng sektor kalusugan ay matagal nang nagkakatulungan kapwa ang DOH at DOST lalo sa bahaging ito ng MIMAROPA. 3 milyon pisong halaga ng mga solar panel sytems ang binigyang pondo ng DOH MIMAROPA upang maging maayos ang serbisyong pangkalusugan sa bahaging ito ng rehiyon lalo sa mga lugar na di gaanong naa abot, ngunit aminadong sa lahat ng teknolohiyang naibaba at naimplimenta ay hindi pa rin sasapat dahil mahalagang sangkap pa rin upang I operate ang RX box ay ang pangangailangan sa mabilis at epektibong koneksyon sa internet na dahil mga kapuluan ang MIMAROPA ay hirap sila sa koneksyon. Dito nagisa ang representante ng Department of Information and Communication Technology (DICT) dahil ayon sa mga opisyales ng gobyerno at akademya sa bayang ito tila hindi sapat ang mga efforts ng kagawaran upang palakasin ang access sa internet ng lalawigan lalo ng rehiyon.///michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
PANGANGAILANGAN SA KONEKSYON SAGABAL SA PROMOSYON SA ASEAN
Romblon, PILIPINAS-” ANG access sa Internet ay pangunahing karapatang pantao”.-United Nations.
SAGABAL sa promosyon ng rehiyon, ito ang tahasang tinuran nang Regional Director ng DOST MIMAROPA Dr. Josefina P. Abilay sa pulong balitaan sa kasagsagan ng Regional Science and Technology Week sa MIMAROPA na ginanap sa probinsya na ito.
Dahil sa binubuo ng hiwa-hiwalay na mga pulo ang buong rehiyon lalo ang lalawigang ito, lubhang kailangan ang mabilis at maasahang koneksyon sa information superhighway o ang internet or world wide web ngunit dahilan sa hinahati sila ng dagat ay hirap silang maka konekta sa internet kaalinsabay nito ang suliraning mai promote ang mga taal na produkto nito hindi lang ng Romblon kundi pati ng mga kasamang lalawigan sa malaking pamilihan ng mundo lalo na ngayong may ASEAN (Association of South East Asian Nations) Economic Integration na at ang Pilipinas bilang isa sa mga founding members ay siyang nagho host ngayon.
Tunay na ang pagyaman ng mga mamamayan ay nakasalalay sa pagnenegosyo at kasama rito ay ang mai promote ang mga produkto hindi lang sa lokal na pamilihan kundi pati na rin sa ibayong dagat bunsod ng globalisasyon.
Ilang SETUP (Small enterprise Technology Upgrading Program) beneficiaries ng DOST MIMAROPA ang binigyang parangal dahil sa natapos na nila ng maayos ang pagbabayad sa mga naipagkaloob na kagamitan sa kanila ng DOST upang makatulong sa pag asenso ng kanilang mga negosyo.
Ang SETUP ay ipinagkakaloob sa mga MSME’s (Micro Small Medium Enterprises) na lumalapit sa DOST upang humingi ng tulong na pag ibayuhin ang produksyon ng kanilang mga negosyo at ang ipinahihiram na kagamitan na may karampatang halaga ay binabayaran sa loob ng tatlong taon.
Bantog ang bayan na ito sa Marmol at produksyon ng Marmol ngunit hindi lang sa mahalagang mineral na ito nabubuhay ang mga taga rito, ayon mismo9 sa Gobernador ng Romblon na si Dr.Eduardo Firmalo, bukod sa pangisdaan dahil sila ay binubuo ng sampung mga pulo, may mangga rin sila, coconut at may islang napakaraming tanim na atis.///michael n. balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net