DOST NCR Stakeholders Summit tinalakay ang ASEAN Integration

DSC00284DSC00283DSC00282

Bicutan, Taguig City-Pangunahing naging topic sa ginanap na Department of Science and Technology-National Capital Region (DOST NCR) Stakeholders Summit ang tungkol sa pinangangambahan at nalalapit na Association of South East Asian Nations Economic Integration kung saan ayon sa iba ay magagaya ito sa European Union.

DSC00285 DSC00287 DSC00289

Gaano nga ba ang kahandaan ng bansa lalo ang mga Small and Medium Enterprise sa matinding paligsahan ng mga ekonomiya sa bahaging ito ng timog silangang asya kung saan mismong mga “eksperto” na natin mismo ang nagsasabing di tayo maaring makipagsabayan.

DSC00290 DSC00291 DSC00292

Ang dalawang araw na Stakeholder Summit ngayong taon ay nilakipan ng bazaar at exhibit. Bukod kay DOST NCR Regional Director Dr. Teresita C. Fortuna ay nakibahagi rin sina DOST USec for Regional Operations Dr. Carol M. Yorobe at si DOST Secretary Mario G. Montejo (may pahayag sa Video).

 

 

Kasama sa mga naging pangnahing tagapagsalita na nagbahagi ng kanilang kaalaman ukol sa nalalapit na ASEAN Integration ay sina Dr. Clarita R. Carlos, Executive Director ng Center for Political and Democratic Reform Inc. sa kanyang presentasyon na may titulong ASEAN 2015-Overview and Impact of Human Resource Competritiveness; Dr. Erlinda M. Medalla, Senior Research Fellow ng Philippine Institute for Development Studies sa presentasyon niyang The ASEAN Economic Community and the Philippines, Implementation Outcomes Impacts and ways Forward at Mr. Jeremiah C. Reyes, Senior Trade Industry Development Specialist ng Bureau of International Trade Relations ng Department of Trade and Industry sa presentasyon niyang The ASEAN Economic Community 2015, are we ready?

 

 

Ayon kay DOST NCR Regional Director Teresita C. Fortuna sa video interview ng www.diaryongtagalog.net kasagutan sa katanungang kung handa na nga ba ang bansa sa ASEAN Economic Community 2015 particular ang mga SME’s sa NCR ay nakuha ang bahagi ng kanyang kasagutan. (michael n balaguer)

DSC00293 DSC00294