DOST-PSHS at GOOGLE PHILIPPINES nagkaisa para sa SA K12; MEDIA SEMINAR/WORKSOP NG DOST-PAGASA para sa NCR ginawa sa CAVITE at Best SETUP adoptor ngayong 2014, pinarangalan ng DOST

 

dost7

“Gone Google Program para sa K12” ang magkasamang inilunsad ng Philippine Science High School ng Department of Science and Technology kaagapay ang Google Philippines na ginanap sa main campus ng nasabing maatas na paaralan pang agham sa lungsod Quezon.

Sa temang “Pisay Igniting Cloud Education with Google” kabilang sa mga nagging highlight nang nasabing aktibidad ay ang paglulunsad ng app pang edukasyon kasama ang mga representante ng Google Philippines at ng Department of Science and Technology.

Ang cloud computing ang pangunahing pamamaraan ngayon na ginagamit sa information technology kaya sa dami ng posibleng aplikasyon nito sa pang araw-araw na buhay ay iu ugnay naman ang teknoohiya sa bahagi ng edukasyon particular sa mataas na paaralang bahagi ng programang K12.

Bukod sa presentasyon ng mga regalo ng kagawaran sa mga reresentante ng kunpanya ay nagkaroon rin ng pagtatanghal ang mga miyembro ng alumni association ng paaralan batch 89 at kaugnay nito ay nakasama rin sa programa ang mga miyembro at kawani ng pisay sa kanilang ibat-ibang campuses.

Tunay na nasa information technology age na nga ang bansa at dahil hindi naman nahuhuli sa mga bagong teknolohiya ay marapat na magamit naman ang mga biyaya nito sa tunay na pagsulong ng bansa lalo sa edukasyon, isang mahalagang sangkap sa pag asenso ng lahat ng nasyon sa mundo. (Michel balaguer)

-30-

Muli na namang ginanap ang regular na pagtuturo ng mga kawani ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng Department of Science and Technology sa mga mamamahayag ng Tabloid, Broadsheet, Radyo, Televison at Internet Press ukol sa tama at naa-ayong pagbabalita ng kalagayan ng panahon.

Para sa mga media at press practitiners sa National Capital Region (Metro Manila) ang kanilang seminar-workshop na ginanap sa Sunrise Holiday Mansion Hotel sa Tagaytay Estates, Alfonso Cavite kung saan tuturuan ng mga kinuhang tagapagturo at dalubhasa ng PAGASA sa meteorolohiya at mga sangay nito ang mga bago at dati nanag nagko kober ng panaho upang lalo silang maging bihasa at kapani-paniwala sa madla.

Kaagapay ang mga dalubhasa ng PAGASA at mga batikang practitioner sa media gaya nina Mr. Mario Garcia layuni ng mga seminar/workshop ng ahensya na maipagkaloob nan maayos ang mga pagbabalita tungkol sa panahon at mga kaugnay na topics upang maunawaan ng mamamayan.

Kasama ng buong puwersa ng Public Affairs Division ng ahensyang pinangungunahan ni Ms. Venus Valdemoro at kanyang mga kasama na siyang mga punong abala sa regular na gawaing ito. Nabatid na nagiging epektibo ang mga nasabing prograa sa pagpapakalat ng tamang impormasyon dahil direktang nakaka daupampalad ng mga opisyales ng ahensya lalo ni PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano ang mga regular at bagong press/media practitioners upang magkasama ay maipahatid nang tama ang mga impormasyon ukol sa kalagayan ng panahon kasama na rin ang Disaster Risk Reduction and Management pati mitigation na ngayon ay kaakibat na rin ng kanilang social obligation bilang pangunahing ahensyang inasatasan para maghatid ng taya ng panahon. (Michael Balaguer)

-30-

Wagi ang Raw Brown Sugar Milling Company Inc. mula sa Pamplona, Negros Oriental bilang Best Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) adoptor ng 2014 sa nakaraang National Science and Technology Week na pinamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) sa SMX Convention Center, Pasay City noong Hulyo.

Ang nasabing parangal ay iginagawad taun-taon ng DOST upang kilalanin ang mga negosyong natulungan ng SETUP – isang proyekto ng DOST na naglalayong makatulong sa mga small and medium enterprise sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga makinarya, teknolohiya, at pagsasailalim ng mga manggagawa sa mga pagsasanay upang malinang ang kanilang produksyon.

“From the technology, the choice of lot, the layout of the plant, the training of our personnel and staff and marketing of our products, we owe everything to DOST,” buong pasasalamat na pahayag ni Atty. Alejandro Florian O. Alcantara, pangulo at chief executive officer ng  Raw Brown Sugar Milling Company Inc.

Nagsimula bilang legal counsel sa isang tubuhan sa Negros Oriental at naging bahagi ng samahan ng mga miyembro nito, si Atty. Alcantara ay nagsimula sa ilang ektarya ng lupang tubuhan. Ngayon, nagmamay-ari na siya ng daan-daang ektarya.

Taong 2007 noong nalaman ni Atty. Alcantara ang nakaambang pagbabawas o ganap na pagtanggal sa taripa na ipinapataw sa asukal at sa ibang produkto para sa mas masiglang palitan ng produkto sa Timog-Silangang Asya o ang ASEAN Integration na ipapatupad sa 2015.

Para sa kaniya, ang bansang Thailand ang pinakamabigat na kalaban ng Pilipinas sa produksyon ng asukal. Ito ay sa kadahilanang ang mga industriya ng asukal sa nasabing bansa ay may malaking tulong mula sa gobyerno nito.

Kinailangang magdesisyon ni Atty. Alcantara:  itutuloy pa ba niya ang pagpapalago sa kaniyang tubuhan o panahon na para tumigil? Dahil likas na palaban, napagpasiyahan niya na ituloy ang kanyang tubuhan ng asukal. Sa kaniyang pagpapayabong ng plantasyon, naging katuwang niya ang DOST.

Sumailalim sa pagsasanay para sa maayos at malinis na produksyon ng asukal na muscovado noong 2009 ang kaniyang mga tauhan sa Industrial Technology Development Institute (ITDI), isang ahensya ng DOST. At sa pamamagitan ng isa sa mga proyekto ng SETUP ay nagkaroon ng mga makabagong makinarya ang kaniyang negosyo tulad ng cube sugar making machine, band sealer para sa malinis at mabilis na pagbabalot ng mga produktong mula sa muscovado, at form filling sealing machine para rin sa malinis at mabilis na pagbabalot ng powdered muscovado.

Ang mga tulong at benepisyo mula sa DOST at SETUP ang naging tulay ng Raw Brown Sugar Milling Company Inc. para mapasok ang pandaigdigang merkado. Ang kanilang mga produkto tulad ng muscovado powder, muscovado rocks, and muscovado cubes ay idineklarang organic certified ng mga eksperto mula sa Italy at South Korea. Nobenta porsiyento (90%) ng mga ito ay ini-export sa iba’t ibang bansa.

Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya sa kaniyang kapwa negosyante, buong galak niyang sinabi, “Choose products with raw materials that can be sourced locally, ensure the quality of the products and make them affordable so that they can compete in the market.”

Ang kuwento ni Atty. Alcantara at ng Raw Brown Sugar Milling Company Inc. ay buhay na patunay na sa tulong ng pagsisikap, programa ng gobyerno, dedikasyon sa trabaho, at sa mabisang paggamit ng modernong teknolohiya, kayang-kaya ng negosyanteng Pinoy na magtagumpay sa buhay habang nakikipagsabayan ang mga produktong lokal sa mga produktong banyaga. (S&T Media Service)

 

Pinarangalan ng Department of Science and Technology (DOST) na  Best SETUP adoptor ngayong 2014 ang Raw Brown Sugar Milling Company Inc. ni Atty. Alejandro Florian O. Alcantara (itaas) sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week noong Hulyo sa SMX Convention Center, Pasay City.  Ang  SETUP o Small Enterprise Technology Upgrading Program ay isang proyektong pinamumunuan ng DOST na naglalayong makatulong sa mga small and medium enterprise sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga makinarya, teknolohiya, at pagsasailalim ng mga manggagawa sa mga pagsasanay upang malinang ang kanilang produksyon. (S&T Media Service)