DOST R3, DOST at Bulacan LGU Kabilang sa BUFFEX; Aklatan para sa mga na-”YOLANDA” binuo ng DOST at SYENSAYA ng LBSCF, PCAARRD at DOST R4

buffex one

DOST R3, DOST at Bulacan LGU Kabilang sa BUFFEX; Aklatan para sa mga na-”YOLANDA” binuo ng DOST at SYENSAYA ng LBSCF, PCAARRD at DOST R4

buffex two

Pinangunahan ng Department of Science and Technology at DOST Region 3 kabalikat ang Local Government Unit ng lalawigan ng Bulacan ang BUFFEX kamakailan na ginanap sa Hiyas Convention Center sa lungsod ng Malolos.

mga produkto at serbisyong kapwa nakabase a lalawigan ang duon ay nag exhibit at kasama na rin ay ang mga natulungan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program , isang progama at proyektong ipinaiiral ng kagawaran ng agham at teknolohia na kanilang ikinalat na sa mga lalawigan at rehiyon.

Sa gitnang Luzon sa pangunguna ni Dr. Vic Mariano bilang Regional Director at kaagapay ni DOST Undersecretary Fortunato Dela Pena na isang Bulakenyo, mga negosyanteng Bulakenyo kaalinsabay g Singkaban Festival na taunang idinaaos sa lalawigan, bahagi ang nasabing aktibidad ng mga programang may kinalaman sa interbensyon ng agham at teknolohiya sa larangan ng pagnenegosyo.

Ang BUFFEX 2014 o Bulacan Food Fair and Exposition ay pinagtulungan ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry, PhilExport, Departments of Trade and Industry at DOST

Pangunahing tagapagsalita ng aktibidad ay si Senador Bam Aquino, samantala sa pagbubukas naman ng Singkaban Festival sa kapiolyo ng lalawigan, samut sarng mga float ang duon ay naki isa kabilang ang float ng Bulacan State University sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Dr. Mariano de Jesus, tema ay mga makasaysayang bahagi ng rebolusyunaryong kasaysayan ng lalawigan ang mga depiksyong ginawa sa pamamagitan ng sayaw nang kanilang mga mag aral na nag presenta sa kalsada bilang bahagi ng pagdiriwang ng kawayang ginawang malikhaing arko,simbulo ng logo ng lalawigan ng Bulacan.///mike balaguer

-30-

singkaban starts two

“Building back libraries for typhoon Yolanda stricken victims” ang tema ng ginanap na paglulunsad ng isang proyektong pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) upang matulungan ang mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa kabisayaan.

Layunin ng kagawaran na buuin muli ang mga aklatan sa nasabing mga lalawigan upang matulungan ang mga mag aaral na makabangon sa pamamagitan ng edukasyon ng karagdagang mga aklat na mkakatulong sa kanilang pag aaral.

Matatandaang  nadamay ng nakaraang pagragasa ng bagyo ang mga paaralan kabilang rina ng mga aklatan nila kaya nag anyaya ang mga ahensya ng gobyerno kabilang ang DOST upang makapaghikayat ng book donations.

Ginanap ang paglulunsad sa Private hotel sa Shaw Boulevard Pasig City nitong Ika-10 ng Setyembre 2014 kung saan kabilang sa panauhin ay si Atty. Karen Gimeno at nagbigay ng mensahe si DOST ASEC. Raymund E. Liboro, Director ng Science and Technology Information Institute (STII).

Samantala ay kabilang naman sa presentasyon ay ang website ng “Building Back Libraries for Typhoon Yolanda Stricken Areas” kaakibat nito ay ang pagpi prisinta nang kalagayan ng mga aklatan sa Regions 8-6, MIMAROPA na pinangungunahan nina Engr. Edgardo M. Esperancilla, Director ng DOST Region 8, Engr. Edilberto L. Paradela, Director ng DOST Region 6, Engr. Rowen R. Gelonga ng DOST Region 7 at Dr. Ma. Josefina P. Abilay ng DOST MIMAROPA (region 4b).

Kabilang pa sa mga presentasyon ay ang demo ukol sa STARBOOKS o ang instant library in a box na pinangunahan ni Ms. Annie Lyn D. Bacani, Science Research Specialist II ng STII-DOST at ang pangwakas na pananalita buhat kay Ms. Rosie R. Almocera, Division Chief ng IRAD (STII-DOST).///jane balaguer

-30-

singkaban starts one

Kaakibat ng pagdiriwang nang buwan ng agham kaugnay ng National Science and Technology Week, muli na namang nag anyaya ang Los Banos Science Community sa kanilang Syensaya 2014 sa pangunguna ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology at University of the Philippines Los Banos.

Dalawampung ahensyang bumubuo sa Los Banos Science Community Foundation ang nagtitipon-tipon kada taon upang ipagdiwang ang National Science and Technology Week. Kasama rin sa mga bisitaay si Congressman Roman Romulo.

Kabilang sa mga nakibahagi ay ang Executive Director ng PCAARRD DOST na si Dr. Patricio Faylon, DOST R4 Regional Director Dr. Alexander Madrigal, Dr. Bruce Tolentino ng International Rice Research Institute atbp.///mike balaguer

pcaarrd syensaya 2014