FNRI-DOST inihatid ang wastong nutrisyon sa iskwelahan; SANOFI suportado ang pagkalinga sa may Orphan Disorders At BIG program ang gulayan sa paaaralan

 

 

Silang, Cavite-“Bahay kubo kahit munti ang halaman duon ay sari sari” ang mga unang bahagi sa awiting kilala natin tumutukoy sa pagtatanim ng gulay sa paligid ng ating tradisyunal at sinaunang bahay.

Ito rin ang ideya sa likod ng programa ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) katuwang ang Department of Education at isang Non-Government Organization upang turuan ang mga guro sa pampublikong paaralan, maging mababa o mataas na magtanim ng gulay sa programang “Bio-Intensive Gardening” o BIG program.

Sa mga guro at opisyal ng Department of Education na mula sa Region 4A bukod sa Cavite na ayon sa NGO na nag facilitate ng training ay buong lalawigan ay kanila nang nasakop turuan, kaya ang mga tinuturuan na lamang nila ay ang mga taga Quezon, Rizal, Batangas at Laguna.

Ayon sa trainer na agronomist ng International Institute for Rural Reconstruction na si Dr. Julian Gonsalvez, isa sa mga adaptors ng kaniyang BIG Program ay ang Kalubkob Elementary School na pinamumunuan ni Ms. Cristina Panganiban bilang Principal, layunin ng programa ay ihatid ang wastong nutrisyon sa mga kabataang mag aaral na pangunahing trabaho ng FNRI sa pangunguna ni Dr. Mario Capanzana. (mike balaguer)

 

 

Samantala;

Dasmarinas, Cavite-SA dahilang maraming mga bata ang di na makapasok sa paaralan dahil sa kanilang pakiwari ay mas magkakaroon sila ng pagkakataon upang  makakain.

Pinaigting ng pinagsamang programa ng Department of Education, International Institute of Rural Reconstruction at ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology ang Bio-intensive Gardening na ginanap sa boundary ng lungsod na ito at Silang Cavite ngayon.

Climate-smart gardening practice sa 56 na skul sa Region 4 na ang masustansya lupa ay magreresulta sa magandang halaman sa pamamagitan ng deep dug ng lupa sa dapat ay 12 inches sa pagtatanim ng mga indigenous plant  tulad ng  mga rootcrops na kamote, kamoteng kahoy, gabi, tugui, ubi, mga  legumes na tapilan, munggo, paayap, patani, bataw,sigarilyas,kadios,leafty na saluyot, kulitis, alugbati, talinum, malunggay, Japanese malunggay, uplandkangkong, at mga fruit bearing na talong (native), okra, patola, at upo. Gayundin  na walang pesticide na ginagamit kundi ang kakawati at marigold bilang insect repel  sa diversification and crop rotation sa   ginawang pananalita ni Dr. Julian F. Gonsalves, Agronomist  ng IIRR.

Sa ginawang school visit sa BIG project adoptor na Kalubkob Elementary School, Silang Cavite.

“Dati hindi well cultivated ang lupa ngayon ng dahil sa BIG project naging masustansya ang lupa at mas madaling taniman ay mga seedling din kami libre pinamimigay sa ibang paaralan at ang  school feeding program ay hinahaluan ng gulay at libre din nakakain ng gulay ang mga bata ang mga estuyante grade 4,5,6 ang nagtatanim .” Ang tinuran ni Cristina Panganiban, Principal, Kalubkob Elementary School, Silang Cavite.

Kaakibat ang GarNESupp ang research project upang iacess ang gardening, at supplementary feeding at nutrition sa 27 public elementary sa Cavite.  Ngayon ikahuling quarter ng proyekto na nakafocus sa consolidation at analysis ng mga research para sa adbokasyang food and nutrition security sa bansa. (Jane Balaguer)

 

 

kaugnay nito

Maynila, NCR-Isang disability na matatawag ang pagkakaroon ng Orphan Disorder lalo sa mga kabataan at makikita nga sa video sa itaas ay isinagawa kamakailan ang isang aktibidad na pinangunahan ng Sanofi na naglalayong ipabatid ang kalagayan ng mga kabataang dinarapuan ng ganitong karamdaman.

Sa tulong na rin ng mga policy makers at legislators na sumusuporta sa sektor ng mga Persons with Disability gaya ni senator Pia Cayetano gumagaan ang pakiramdam ng mga kabataang may kapansanan na maisusulong ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan. (mike balaguer)