GPR NG MGA TREASURE HUNTERS GAMIT DIN NG PHIVOLCS
Lunsod Quezon, Pilipinas-GINAGAMIT din ng mga dalubhasa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga teknolohiyang gamit ng mga treasure hunters sa pagsasaliksik at pag aaral sa mga existing fault lines ng bansa.
Tunay na hindi pa nga nakakalikha ng teknolohiya upang malaman kung kailan gagalaw ang lupa ngunit ang mga kagamitan gaya ng Ground Penetrating Radars ay malaki ang naitutulong sa mga mananaliksik ng kagawaran ng agham upang mapag aralan ang paggalaw ng mga bitak sa lupa na kadalasang pinagmumulan ng lindol.
Naitanong ng pahayagang www.diaryongtagalog.net ang kaugnayan nang nasabing mga teknolohiya sa nakaraang pulong balitaang inorganisa ng National Academy Of Science and Technology (NAST) sa kanilang pagpapakilala sa mga Outstanding Young Scientist (OYS) kabilang si Ginoong Jeffrey S. Perez ng PHIVOLCS.
Bukod sa nakasama, binanggit at ipinakilala ng Depaertment of Science and Technology Secretary Prof. Fortunato T. dela Peña kasama si Budget Secretary Benjamin Diokno sa kasagsagan ng National Science and Technology Week 2017 (NSTW) na ginanap sa World Trade Center, kabilang rin ang nasabing mga natatanging kabataang aghamista sa Ika 39th Annual Scientific Meeting ng NAST, ang Advisory body on matters of Science and Technology sa Pangulo ng Pilipinas.///Michael N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
MGA SCIENCE AND MATH TEACHERS DI PRIORITY NG DEPED
Lunsod ng maynila, Pilipinas-HINDI prayoridad ng kagawaran ng edukasyon ang pagkuha ng mga bagong guro sa agham at matematika sa kabila ng malaking kakulangan ng bansa dito ayon na rin sa pagtaya ng kalihim ng agham at teknolohiya nuong mga nakaraang panahon.
Sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net sa nuon ay Undersecretary at ngayon ay Kalihim ng Department of Science and Technology Prof. Fortunato T. dela Peña, malaki ang kakulangan ng bansa sa mga guro na nagtuturo ng agham at matematika, dagdag pa ng DOST Chief, ang mga guro na nagtuturo ngayon ng nasabing mga disiplina ay nahihirapan sapagkat hindi naman ito ang kanilang pinag aralan habang kung mga science and math major wika niya ang mga guro sa elementarya ng kapwa agham at matematika ay hindi makokompromiso ang kalidad ng mga aralin pati ang matututunan ng mga mag aaral.
Samantala habang ang kagawaran ng agham na siyang naghihikayat na dagdagan ang mga guro na magtuturo nang nasabing mga mahahalagang disiplina para sa pag unlad ng bansa, mismong ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Secretary Leonor Briones ay nagsabing hindi nila prayoridad na mag hire ng mga bagong guro at ang wika pa niya ay marami ring mahalagang matututunan ang mga mag aaral na magagamit sa ika uunlad ng bansa hindi lamang sa agham at teknolohiya kundi pati sa panitikan, wika, at iba pang disiplina.
Nabanggit niya ang nasabing mga pananalita sa pulong balitaan ng ASEAN 2017 forum na ginanap sa lungsod na ito kasama ang Commission on Higher Education at iba pang ASEAn delegates, sa bahagi naman ng mga aghamistang kabilang sa mga ginawaran ng pagiging Outstanding Young Scientist na sina Dr. Jonathan Carlo A. Briones, Biological Sciences, Instructor and Researcher sa Unibersidad ng Santo Tomas at Jerrold M. Tubay D.Sc, Mathematical and Systems Engineering, Assistant Professor ng Institute of Mathematical Sciences and Physics, College of Arts and Sciences UPLB, nakapanlulumo ang ganitong mga pahayag lalo sa mga opisyales na buhat sa akademya dahil batid nilang sa panahon ngayon ng pagbubuklod ng ASEAN, kung hindi makakasabay anga bansa sa bahagi ng agham at matematika ay pihadong kulelat ang pag unlad sa maraming aspeto ng lipunan.///Michael N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
MGA TREN NG DOST DI PA GAGAMITIN NG DOTR
Lungsod ng Pasay, Pilipinas-HINDI pa maaring gamitin ng kagawaran ng transportasyon ang mga nilikhang hybrid train ng kagawaran ng agham dahil sa hindi pa ito pumapasa sa mga pandaigdigang pamantayan.
Sa panayam ng pahayagang www.diaryongtagalog.net sa kalihim ng kagawaran ng agham Secretary Fortunato T. dela Peña, pagkaraan ng pulong balitaan sa kasagsagan ng National Science and Technology Week sa lungsod na ito binanggit nang pahayagan ang balak ng kagawaran ng transportasyon partikular ng Secretary Arthur Tugade na muling buhayin ang linya ng tren na magmumula ng Tutuban sa Maynila hanggang Clark sa Pampanga na daraanan ang maraming bayan sa Bulacan at northern Metro Manila.
Matatandaang tine testing na ang hybrid train na nilikha ng DOSt para sa Philippine National Railways at ayon sa mga nakapanayam ng pahayagan sa loob ng kagawaran sinabi nilang nasa testing stage pa rin ang tren at kung gaano ito ka safe para sa mga mananakay.
Ayon sa kalihim, tahasan niyang sinabing hindi pa magagamit ang tren bilang pang araw araw na public mass transport. Ang usapin ukol sa tren ay nabuksa dahil ang Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIERRD) at Industrial Technology Development Institute (ITDI) ay may booth sa NSTW2017 na nagpapakita ng mga inobasyong kanilang nilikha para maibsan ang traffic sa lansangan ng kalunsuran.
Kabilang sa mga teknolohiyang highlighted ay ang makabagong anyo ng pampasaherong tricycle, ang Automatec Guideway Transit na maaring may mag adapt na, at ang electric Road Train na nasa Kabisayaan umano ngayon upang testingin ng mga mag a adapt para I commercialized.///Micahel N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net