TECHNOLOGY TO MAKE POTABLE WATER UNLIMITED
HINDI TATAAS ang singil sa tubig i isinusuplay ng Maynilad Water Services sa kanilang mga kustomer sakaling maging fully operational na ang distribusyon ng New Water sa mga area na kanilang siniserbisyuhan.
Ito ang bahagi ng tanong na itinanong ng pahayagang ito sa mga panelista sa maliit na pulong balitaang inorganisa ng Informa Markets kasama ang Maynilad Water Services kasabay ng Plant Visit sa Paranaque kamakailan (October 13, 2022) kung saan kanilang ipinakita sa kanilang mga stakeholders at sa media ang Paranaque Modular Treatment Plant and Water Reclamation Facility.
ang nasabing teknolohiya ay hindi na bago dahil dati na rin namang itini treat ng Maynilad ang tubig na buhat sa mga dams at underground upang magamit ng kanilang mga konsumer bilang tap water.
ang pagkakaiba nga lang ng New Water ay hindi sa ilog o sa ilalim ng lupa o mga lawa at dam manggagaling ang tubig na kanilang iti treat kundi sa mismong mga kabahayan.
Isang uri ng pagre resiklo ng tubig na ginagamit na sa mga barko at ilang mga bansa sa Europa, Amerika at sa Asya ngunit sa atin sa Pilipinas ay may karagdagan pa itong silbi at ito ay ang pag likha ng enerhiya buhat sa Methane gas o biomass.
Sa teknolohiyang ito, natutulungan ng Maynilad na maka likha ng tubig inumin, enerhiya sa paglikha ng kuryente at ang malinis na tubig na babalik sa ilog lawa at dagat na makakatulong ng malaki sa suliranin ng pagbabago ng klima.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing plant visit at pulong balitaan ay sina: Philippie Waterworks Association Inc. Dr. Dickson San Juan, Mr. Apollo C. Tiglao, Vice President and Head of Wastewater Management at the Maynilad Water Services and Dr. Ronaldo Padua Vice President of Water Supply Operations, Maynilad and Dr. Gerard Leeuwenburgh the Country General manager of Informa Markets Philippines and Malaysia.
Tunay na ang tubig ay buhay at ang patuloy na paghahanap ng pangmatagalang pagkukunan nito ay ang siyang makapagbibigay buhay sa maraming tao sa ilan pang salinlahi.///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk