Nagsalita rin si Asec Glen Penaranda, tungkol sa mga posibilidad ng pagapalakas ng industriya ng Halal sa bansa at pagpapalakas sa kakayahan ng mga Micro Small and Medium Entrepreneurs (MSME) na magkaroon ng sertipikasyon.
Trilyong dolyar na industriya ngayon ang Halal at ayon kay Mr. Irshad Cadir ng Globo think mula sa Australia, May malaking potensyal ang MSME sa bansa na magpapa sertipika at sa kasalukuyan ay May 90% MSME ang bansa at ang Halal ay hindi lang pang Muslim kundi para sa lahat.
Sa bahagi naman ng Intellectual Property Office hinihikayat nila na magpa IP ang mga kumpanyang sertipikadong Halal para sa kanilang proteksyon.
Ang Halal ay sagrado sa mga Muslim, kabaliktaran nito ang Haram ngunit sa kasalukuyang panahon na hinangad ng maraming Pinoy ang healthy na buhay nagiging bahagi na ng buhay maging Muslim o hindi ang Halal.///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net