IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY PNOY ISINUMITE SA HOR

SA kabila nang naka leave ngayon ang mababang kapulungan ng kongreso ula Hunyo 14 hangang Hulyo 28, 2014. Kabilang ang House Committee on Rules at House Committee on Justice sa mga kumite na magre resume pa lang sa july 28 2014.

Isang bukas, hindi sapilitan at tunay na reklamong hain ng mamamayan ang isinumite kontra kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa Records Section ng HOR bago ang July 28, 2014.

Ang Verified Citizens Complainant ay si Dr. Augusto “Boboy” L. Syjuco Jr. na naghain ng impeachment complaint na naghihintay ng resolution of endorsement sa sinumang miyembro ng HOR na mauunang mag endorse nito.

Ipinaubaya ang Verified Citizens Complaint sa HOR Secretary General hanggang sa muling pagbubukas ng kongreso, ang nasabing paraan ay nagbibigay laya sa sinumang kongresista na susuporta sa inihaing reklamo.

Sa kabila nito maliligtas rin ang reklamo kontra sa mga banta na maaring ibato rito ng mga di papabor, inihain ang complaint bago mag state of the nation address ni pnoy. (jane balaguer)