

Pebrero 15, 2021- Ikaapat lamang sa buong mundo kung saan sa mga bansang Malaysia, Canada, Mexico pa lamang mayroon at ngayon nga ay mayroon na sa Pilipinas ang pasisinayaang Modular Multi Industry Innovation Center o Innovation Hub ng Industrial Technology Development Institute ng Department of Science and Technology o DOST-ITDI sa darating na Pebrero 18, 2021.
Pangungunahan ang pagpapasinaya sa kauna nahang Innovation hub sa bansa nina DOST Secretary Fortunato T. Dela Peña, kasama sina Undersecretary para sa R&D Dr. Rowena Cristina L. Guevara, at ITDI Director Dr. Annabelle V. Briones, na siyang magbubkas para sa madla ng nasabing Modular Multi-Industry Innovation Center (MMIC) o “InnoHub sa Pinas” na matatagpuan sa CED at ang gusali ng MMIC sa DOST Complex sa lungsod ng Taguig.
Ang MMIC ay isa sa mga proyekto sinuportahan ng kagawaran ng agham sa pamamagitan ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD).
Sa pagkakaroon ng bansa ng MMIC, kabilang na ang Pilipinas sa mga bansang Canada, Malaysia, at Mexico na may mga kani-kanilang Innovation Hub upang mai angat ang mga pagsasaliksik sa bahagi ng pagkain at mga produktong nutraceutical.
Ang MMIC o “InnoHub sa Pinas” ay isang programa ng kagawaran upang matugunan ang pangangailangan para sa inobasyon ng industriya. Ito ang pangunahing pasilidad pang R&D ng ITDI na gumagamit ng mga manufacturing by-products bilang raw materials, na tinatawag ring “backend innovation.” Ito ay naglalaman ng mga kagamitang modular na masasabing multi-functional. Kayang i-retrofit ng ITDI ang nasabing mga makina upang magamit sa ibat ibang manufacturing lines, kapwa sa paraang manual at prosesong automated.
Ang nasabing pasilidad na naglalaman ng kumpletong mga support equipment, ay maaring magamit ng mga local na industriya bilang paraan upang makalikha ng mga bagong produkto , mga katumbas na produkto kaparehong produkto o mga pagbabago sa isang produkto at mga pangunang isasagawang mga produkto’
Sa darating na Pebrero 18, 2021 na siyang araw ng pagpapasinaya ng MMIC, magsisimla ng alas 8:00 ng umaga ang pagbubukas sa pamamagitan ng virtual meeting habang sa dakong alas 10 ng maga ay magkakaroon ng ribbon cutting at unvailing ng MMIC marker, kaunting tour sa pasilidad at isang kapirasong video clip tungkol sa MMIC.
Dakong als 10:35 ng maga ay magkakaloob ng kanyang pambungad na pananalita ang Director ng ITDI na si Dr. Annabelle V. Briones kasunod ang pangunang mensahe buhat kay Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Undersecretary for R&D ng DOST, pagbibigay ng overview ukol sa MMIC ni Dr. Norberto Ambagan na siyang Chief ng Food Processing Division ng ITDI na susundan ng Keynote message ng DOST Secretary Fortunato T. de la Pena.
Samantala kabilang naman sa mga magbibigay ng kani kanilang mga mensahe ay sina PCIEERD Executive Director DR. Enrico C. Paringit, Professor ng Department of Food Science and Nutrition ng College of Home Economics ng UP Diliman, Dr. Maria Patricia V. Azanza, Philippine Food Processors and Exporters Organizations Inc., Mr. Fernando Esguerra at Division Chief ng Enterprise Development Division ng Department of Trade and Industry Ms. Corona Olivia Rivera.
Kagnay nito ay ilalahad rin ni Engr. Apollo Victor O. Bawagan, OIC ng Chemicals and Energy Division ng ITDI ang perspektibo sa hinaharap ng MMIC.
Kung kaya habang panandaliang hinaharangan ng pandemya ng COVID-19 ang bansa, patuloy lamang ang ITDI na naghahanap ng mga kaparaanan upang mapalakas ang industriya. Batay sa detalyeng buhat kay AMGuevarra\\ITDI S&T Media Service.///Michael Balaguer, +639262261791, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
