ITDI at Industriya ng Semiconductors/Electronics Agham na Ramdam sa unang sigwada; MIRDC at ang industriya ng bakal, die and mold ikalawang bahagi ng Agham na Ramdam at NCCA pambansang buwan ng sining sumipa nitong feb 1


Upang maipakalat sa madla ang teknolohiya at agham sa bahagi nang industriya ng semiconductor at electronics, ipinakita ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) sa pangunguna ni Dr. Ma. Patricia V. Azanza, ITDI Director ang Advance Device Materials Testing Laboratory (ADMATEL).

Layunin nitong ipamalas na maari nang subukin sa bansa ang mga bagong likhang piyesa pang elektroniko upang malaman kung akma ba ito sa pangangailangan ng pamilihan sa ibayong dagat.

Dati ay inilalabas pa ito sa ibang bansa upang duon subukin ng mga lokal na gumagawa ngunit ang paraang ito ay lubhang magastos kaya pagbalik sa ating bansa ng mga piyesang sinubok nila sa ibayong dagat ang halaga nito sa pamilihan ay mataas na.

Sa pamamagitan ng proyektong agham na ramdam na pinangunahan ni Asec. Raymund Liboro ng STII ay inaasahang maihahatid ang mga mahalagang balita ukol sa agham at maipahatidna tuna ngang ang lokal na teknolohiya ay gumagana at di kailangang tumingin sa dayuhang teknolohiya upang umasenso ang bansa. Ang agham na ramdam ay naglalayong palakasin ang sector ng transportasyon, agrikultura at disaster mitigation. Sundan sa Agham page ang karugtong na istorya. ///mj balaguer

asec dizon

Sa layuning maipahatid ang kasanayan at teknolohiya ukol sa industriya ng bakal, nagtulungan ang Science and Technology Information Institute (STII) at Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ng DOST.

Ipinakita sa mga miyembro ng media na nagkober sa nasabing aktibidad ang mga teknolohiya at makinarya na itinutulong ng MIRDC sa industriya ng bakal lalo at higit sa die and mold, pangunahing pangangailangan sa lahat halos ng industriya at ang haligi nito ay bakal.

Plastik, bakal, seramik, goma at salamin o lahat ng mga produktong nagmula sa mga ito ay kinakailangan ng molde at ang moldeng karaniwang gamit ay yari sa bakal. Kabilang sa mga dumalo at nakibahagi ay sina Dr. Aristotle Carandang ng STII-CRPD, ASec. Robert Dizon, OIC ng MIRDC at Engr. Fred Liza ng Prototyping Division ng MIRDC.

Kabilang rin sa mga pribadong manufacturer na nakibahagi ay si Pacifico Medrono at Philip Ang na Pangulo ng Philippine Die and Mold Association Inc. nakatakdang sundan ang ikatlong sigwada ng Agham na Ramdam at ukol na man sa sector kalusugan. Ang iba pang istorya ay nasa Agham page.///mike balaguer

media tour

Pinangunahan nang pambansang komisyon para sa kultura at mga sining ang unang araw ng pagdiriwang nang Pambansang Buwan ng Sining na ginanap sa luneta nitong ika 1 ng pebrero buwan ng mga puso.

Dahil ginanap sa makasaysayang liwasan na bantog sa buong bansa, ipinamamalas ang ibat-ibang sining na ipinagmamalaki ng pilipino, mga sining na di karaniwan at ayon nga kay NCCA Chairman Felipe M. De Leon Jr. ay di raw makikita sa mga exhibits.

Dagdag pa ng tagapangulo, ang nasabing okasyon ay magiging daan upang mai angat ang sining at kultura ng ating mga kababayan na dahil payak ay minsan ipinagkikibit balikat lamang ng ating mga mamamayan.

Kabilang sa mga itinanghal ay ang komiks, ballet, sayaw na hiphop, komedya at mga finalist sa Cinema Rehiyon na buhat sa ibat ibang bahagi ng bansa at dahil napakarami nang koreano sa ating bansa ay may representasyon rin ang kanilang pamahalaan at ang mga performer buhat sa kanilang tanggapang pang cultural.

Ang nasabing pagtatanghal ay pagtutulungan ng NCCA at ng National Parks Development Authority sa pagsulong ng ating mayamang kultura at sining. Ang ibang kaugnay na kuwento ay matatagpuan sa Sining Page.///michael balaguer

national arts month