ITDI-PCIEERD at industriya handa sa AEC; 3rd Agham na Ramdam pang Genomics at DOST-TAPI nagkaloob ng grant para sa pagpapaibayo ng water hyacinth harvester

Pinangunahan ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng Department of Science and Technology ang isang forum kamakailan upang mapaghandaan ng industriya  ang napipintong ASEAN Economic Community o (AEC) na nakatakda ngayong taon (2015).

Layunin nitong mapag ugnay at mapatibay ang samahan ng sektor Agham at ng Industriya upang makasabay man lang sa mga kapit-bansa sa asosasyon ng mga bansa sa timog silangang asya at uminog ang programa sa temang ” Facing AEC Head On: a Technology Matching Forum between ITDI and Industry”.

Nagkaloob ng kanyang pangunahing pananalita ang Executive Director ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) na si Dr. Rowena Cristina L. Guevara at ang nagbigay naman ng keynote adress ay ang mismong Director ng ITDI na si Dr. Maria Patricia V. Azanza na siyang pumalit sa nagretirong si Dr. Nuna Almanzor na naroon rin at nakibahagi sa programa bilang bisita.

Si Assistant Secretary ng DOST for Finance na si  ASec. Oswaldo Santos ang siyang nagbasa ng talumpati ng dapat ay tagapagsalita na si DOST Sec. mario G. Montejo na nasa kongreso kabilang sa mga opisyal ng kagawaran na nagtungo para sa isang pagdinig.

Tunay na napapanahon ang nasabing aktibidad ng kagawaran dahil naglalayon itong palakasin ang ugnayan ng industriya at agham sapagkat nalalapit na ang ASEAN Economic Integration na gaya ng inaasahan ngayong 2015 ay papareho ito sa format ng Euro Zone sa Europa, susi nito ay ang pagkakaisa ngga bansa upang hindi mamana rin ang mga problema na kinakaharap ngayon sa Europa gaya ng pagkabagsak at pagka bangkarote ng ilang ekonomiya.///Mike Balaguer

-30-Sumipa ang ikatlong sigwada nang programa ng Science and Technology Information Institute na pinangungunahan ni ASec Raymund LIboro na tinaguriang Agham na Ramdam, ngayon ang kanilang tinutukan ay ang ukol sa Genomics o ang agham patungkol sa DNA, ang nasabing aktibidad ay ginanap sa University of the Philippines Diliman partikular sa Philippine Genome Center.

Muli, ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PCIEERD, STII at nang PGC na ginanap naman sa National Institute for Molecular Biology and Biotechnology at kasama ang kanilang Director na si Dr. Cynthia P. Saloma.

Ang PGC ay nasa ilalim mismo nang tanggapan ng Pangulo ng UP at  naglalayon itong palakasin ang pagsasaliksik at pag aaral ukol sa Genome na maaring magamit sa ibat-ibang aplikasyon gaya sa Medisina, paglikha ng mga bagong gamot sa mga nakahahawang at mahirap gamutin na karamdaman, sa sektor agrikultura at kalusugan, maging sa kapaligiran at forensics o ang paglutas sa mga krimen.

Ipinamalas sa mga mamamahayag gaya ng sa www.diaryongtagalog.net ang mga kagamitan at aparatong gamit na lubhang makabago at talagang nakamamangha haya nung una at ikalawang sigwada na tumutok sa industriya ng electronics at bakal, ikiku konsidera kasi na ang kalusugan at ang pag aaral ukol sa gene ay isang disiplinang kapwa rin mahalaga at dapat tutukan ng pamahalaan.

Sa kabila nang mga ipinakitang teknolohiya na mayroon naman pala sa bansa hindi naiwasang itanong ang ukol sa DNA ng teroristang si Marwan na ipinadala pa sa Amerika upang maberipika ng FBI kung sa bansa ay may PGC naman na maaring gumawa nito.

Ayon sa mga dalubhasa ay nasa ibayong dagat kasi ang ibang samples kaya hindi dito sa atin magagawa ang pag kilala kung ang namatay nga ay ang pinaghahanap na terorista.///abdulmalik mn balaguer

-30-

Tinitignan ang water hyacinth bilang suliranin at oportunidad, nakatakdang lumikha ng isang pinag ibayong water hyacinth harvester ang researcher na si Engr. Joel P. Sadol ng Central Bicol State University of Agriculture na siyang direktang makapagbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka, mangingisda at gumagawa ng mga handicraft sa Buhi, Camarines Sur,  sa pamamagitan na rin ng tulong buhat sa Department of Science and Technology-Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI).

Sa ilalim ng DOST-TAPI’s Technology Based Enterprise Development (TBED) Program, ang grant na nagkakahalaga nang to P247,000 na natanggap ni Engr. Sadol kamakailan ay para sa paglikha nang water hyacinth harvester na maayos na makukuha ang lahat ng water lily at makakatipid sa gasolina.

Bukod rin sa pagbabantay sa pagdami ng water hyacinths na siyang matinding problema ngayon sa  Lake Buhi, makakapagbibigay pa rin ng hanapbuhay ang harvester. Harvested water hyacinth ay maaring gawing mga baskets, matting, fertilizers, handicraft, at iba pang produkto ayon kay Engr. Sadol na siya ring lumikha ng mga naunang modelo na gayundin ay pinondohan ng DOST sa pamamagitan naman nang Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development.

Water hyacinths ay kadalasang nagpapabara sa mga daluyang tubig at sumisira sa kalidad ng katubigan dahil na rin sa hinaharang nito ang pagpasok ng sinag anag araw sa tubig na siyang humaharang sa proseso ng photosynthesis at bumababa ang bahagdan ng oxygen sa tubig.

Hinihikayat ng DOST-TAPI’s TBED program na limikha ng mga bago o pinag ibayong teknolohiya na may potensyal sa komersyalisasyon.  Research and development institutes, state universities and colleges, and government offices ay kwalipikadong makibahagi sa tulong na ito. Para sa karagdagang impormasyon sa TBED, maaring makontak ang inyong Provincial Science and Technology Center o DOST Regional Officsa inyong lugar.///michael balaguer