Kakulangan ng Guro sa AGHAM at MATEMATIKA kayang punan ng Akakademya- CSU Pres.; Pinasinayaan DOST R2-CSU FIC Ginigawang Produkto ang Konsepto at Seminar at Workshop ukol sa Responsableng pag uulat sa kalagayan ng panahon isinabay sa 2014 NLC S&T fair

Makakayang punan ng mga institusyong pang akademya gaya ng Cagayan State University ang kakulangan ng bansa sa mga guro na nagtuturo ng agham at matematika lalo sa elementarya at haiskul ngunit ang problema ay hindi kayang saluhin ng industriya ang mga magtatapos na mga mag aaral ng agham, engineering at mga disiplinang katulad nito.

7

Sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Dr. Romeo R. Quilang, University President ng Cagayan State University sa aktibidad ng Department of Science and Technology Region II sa Carig, Tuguegarao City, Cagayan, sinabi niyang humigit kumulang 4000 ang populasyon ng mga mag aaral na kumukuha ng kursong Engineering at sciences sa kanilang pamantasan.

 

 

Ang panayam kay Dr. Quilang ay ginanap kasabay ng 2014 North Luzon Science and Technology Fair na pinangunahan ni Dr. Urduja Tejada, DOST Regional Director para sa Region 2. Ang suliranin ukol sa kakulangan ng mga guro pang agham at matematika ay nabuksan kamakailan nang makapanayam ng www.diaryongtagalog.net sa University of the Philippines Diliman si DOST Under Secretary for Science and Technology Services Prof. Fortunato Dela Pena.

 

Ayon kay USec. Dela Pena, kaya nagkakaroon ng problema sa sistema ng edukasyon sa elementarya at haiskul tungkol sa agham at matematika dahil ang mga guro na kinukuha sa pampubliko o maging sa pribado man ay hindi naman mga guro na nagpaka dalubhasa sa nasabing disiplina o hindi ukol dito ang pinag aralan kaya hindi nila maituturo ng maayos.

2

Kinatigan naman ng Department of Education ang sinabing ito ng opisyal ng kagawaran ng agham dahil aminado mismo si Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro sa nasabing kakulangan kaya lahat ng efforts para punan ang nasabing suliranin ay ginagawa ng kanyang kagawaran.

1

Bunsod nito ay kabi-kabila ang mga ugnayan at pagtutulungan ng Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority at Science Education Institute ng Department of Science and Technology upang madagdagan ang bilang ng mga guro na tamang magtuturo ng agham at matematika paghahanda na rin sa nalalapit na ASEAN Integration ngayong 2015. (michael Balaguer)

5

Pinasinayaan DOST R2-CSU FIC Ginigawang Produkto ang Konsepto

Natatanging Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) adaptors ay taun-taong kinikilala at pinararangalan ng Department of Science and Technology, partikular sa Region 2 kung saan ayon kay DOST R2 Regional Director Dr. Urduja Tejada ay kanyang binangit sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa kasunod na video.

 

Kasabay ng pagpapasinaya at pagbubukas ng Food Innovation Center at pulong balitaan ukol duon ay isinabay rin ang nasabing aktibidad sa extension ng National Science and Technology Week 2014 o ang Regional Science and Technology Fair Northern Luzon leg.

 

Ginanap sa gusali ng College of Information and Computing Science Conference room ng CSU Carig Campus, pinangunahan nina Dr. Archimedes C. Articulo, Chief Executive Officer ng Cagayan State University Carig Campus at ni Dr. Nuna E. Almanzor ng Industrial Technology Development Institute ng Department of Science and Technology (ITDI-DOST) ang nasabing aktibidad kung saan dinaluhan rin ng lokal na mga mamamahayag at mga representante ng Radyo, Pahayagan at ng www.diaryongtagalog.net na kasama ng DOST Science and Technology Information Institute (STII) buhat sa Kamaynilaan. Sa pulong balitaan na ginanap ay bisita si DOST Undersecretary for Regional Operations Dr. Carol M. Yorobe at si DOST R2 Regional Director.

4

 

Seminar at Workshop ukol sa Responsableng pag uulat sa kalagayan ng panahon isinabay sa 2014 NLC S&T fair

Isinagawang muli ang “iba na ang panahon, science for safer communities, early warning early action” na pinangunahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) naka sentro sa mga mamamahayag ng northern Luzon lalo sa radio at telebisyon.

Seminar at Workshop ukol sa Responsableng pag uulat sa kalagayan ng panahon isinabay sa 2014 Northern Luzon Cluster Science &Technology fair kabalikat ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Kabilang sa mga nagbigay ng pananalita ay ang representante ng KBP President Herman Z. Basbano.

11

Pagpapaliwanag ukol sa mga hamon na kakaharapin ng mga mag uulat ukol sa kalagayan ng panahon na inihatid ni Dr. Aristotle Carandang ng Science and Technology Information Institute kahalili ni STII Director ASec. Raymund Liboro.

Inilahad naman ni Engr. Fredolina Baldonado, Regional Director ng PAGASA-DOST NLPRSD ang PAGASA Menu of Tools for weather na dapat ay ihahatid ni PAGASA Director Dr. Vicente Malano ng Office of the Deputy Administration for Operation  samantala nag facilitate ng open forum para sa pagtatanong ng mga mamamahayag si Ms. Virginia T. Velasco, Performance Officer ng kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

10

Sa workshop ay pangungunahan ni Ms. Sharon Juliet M. Arruejo, Senior Weather Specialist ng PAGASA ang Understanding Hazards, Signals, Codes and Terms bilang facilitator habang sa ikalawang bahagi ay si Ms. Venus Valdemoro, OIC ng Public Information Unit ng Ofice of the Administrator ng PAGASA ang Packaging and Delivering Weather Reports bilang facilitator.

Inaasahang gaya ng mga seminar na isinasagawa ng PAGASA-DOST para sa mga mamamahayag sa radio, telebisyon, pahayagan at online press ay matututunan ng mga dumalo ang tama at responsableng paggamit ng kani-kanilang medium upang maayos na maibalita ang kalagayan ng panahon ayon sa kanilang magiging source, ang naatasan ng batas na siyang dapat na magpahatid ng ulat ukol sa kalagayan ng panahon. (Michael Balaguer)

12