Kauna-unahang Storm Surge Drill ng PAGASA-DOST ginanap sa Baseco; Pakiramdam SA LOOB NG ROAD TRAIN at pandaigdigang FORUM 2015 ng PCHRD

DSC06202

Dahil ang lugar ay malapit sa bahagi kung saan nagtatagpo ang ilog pasig at look ng Maynila, ginanap ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services administration ang kauna unahang storm surge drill sa bansa kung saan ituturo ng mga disaster managers ng ibat-ibang DRRMO lalo ng lungsod ng Maynila kung ano ang gagawin ng mga residente sakaling may dumating na daluyong.

Kabilang sa mga nakibahagi ay si Ms. Venus Valdemoro ng PAGASA at si Secretary Mario G. Montejo ng DOST kasama ang ilang mga miyembro ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office at mga dayuhang rescuers.

Ginanap ang unang drill sa baseco evacuation center kung saan nakibahagi pati ang mga barangay officials ng nasabing barangay at mga mamamayan na todo ang suporta at seryosong sumusunod sa mga tagubilin ng mga nagte train na mga disaster managers.

Tunay na mahalaga ang matutunan ng mga tao sa mga baybaying dagat gaya ng baseco ang kanilang mga tamang dapat gawin sakaling magkaroon ng daluyong kapag lumakas ang bagyo upang hindi man lubos na walang mamatay ay mabawasan ng bahagya ang mga taong masasawi o masusugatan.///Michael balaguer

Kaugnay nito, Gawin mong limang bus na pinag dugtong-dugtong, ito ang hitsura ng road train na ipinakita at pinasakyan sa madla ng libre sa kasagsagan ng National Science and Technology Week 2015 (NSTW 2015) na pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST).

Katiyakan nga kayang makapagpapa alwan sa sikip ng tapiko sa mga pangunahing lansangan sa bansa ang mga teknolohiyang pang mass transportation gaya ng Hybrid Electric Road Train na nilikha ng kagawaran ng agham?

Sa maraming bahagi ng mundo na may lumalaking populasyon at masigla ang kalalan na may pangangailangan rin sa mobility, gaya ng ilang mga malalaking lungsod sa mundo, ang pinaka efficient na paraan ng transportasyon ay tren.

Sa pagpapaliwanag ni DOST Secretary Mario Montejo, maigi ngang gumamit ng tren para maibsan ang suliranin sa trapiko, ebidensya ng mga umiiral na train system sa bansa ngayon gaya ng Philippine National Railways na bumabatas mula Divisoria hanggang Alabang, ang Metro Star Express number 3 o ang tinatawag na MRT na nagsisimula sa North Avenue sa lungsod Quez0n hanggang Taft avenue sa Pasay, ang unang Light Railway Transit na mula pa nuong 1984 na binabagtas angruta mula Monumento sa Caloocan hanggang Baclaran sa Paranaque at ang Light Railway Transit number 2  ang LRT2 na binabagtas ang Recto hanggang Santolan sa Marikina.

Doble ang bilis nang biyahe sa tren kaysa sa Jeepney atbp. Nunit kung ipapagawa umano ito ay customized kaya napakamahal kumpara sa bus na maaring likhan ng maramihan o industrial scale.

Di kagaya ng Automated Guideway Transit na panukala din ng kagawaran ng agham, ayon kay Montejo, ang Hybrid Electric Road train ay bus na pinagkabit-kabit lang at dadaan sa isang designated na bahagi ng kalsada gaya ng tren sa riles ngunit ito ay may gulong na gaya ng bus.///Michael balaguer

Samantala, pagkilala sa mga pangangailangan pang kalusugan ng mundo sa pamamagitan ng pagsasaliksik at inobasyon ang tangan n gaganapin pa lang na Forum 2015 pang kalusugan pandaigdigan.

Gaganapin ngayong forum 2015 ang COHRED o Global Forum on Research  and Innovation for Health 2015 na may temang “ People at the center of health research and innovation” na tatakbo mula Agosto 24 hanggang 27 2015 at magaganap sa Philippine International Convention Center sa lungsod ng Pasay.

Pinanguanahan ng Council for Health Research and Development o (COHRED), kagawaran pang Kalusugan (DOH) ng Pilipinas at ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas (DOST)ang kabilang sa mga nag organisa nang nasabing okasyon.

Pagsasama samahin sa nasabing for a ang mga pangunahing stakeholder kabilang ang mga nasa sector ng negosyo, mga organisasyong non profit, akademya, institusyon ng pananaliksik at social entrepreneur upang pag usapan ang mga mahahahalagang isyu ukol sa pandaigdigang kalusugan at makalikha ng mga pagtutulungan na makakatugon sa pamamagitan ng mga pananaliksik at inobasyon pangkalusugan.

Naglalayon itong makatulong sa mga dadalo upang tunay na maunawaan ang kapwa pangkasalukuyan at panghinaharap na mga balakid at tuloy magkakasamang makahanap ng tugon buhat sa mga kaisipang buhat sa ibat-ibang bahagi ng daigdig, bahagi ng talumpati ng kalihim ng kagawaran ng agham at teknolohiya na si Mario Montejo.

Tinatayang maglalaro sa 3,000 delegado mula sa 50 bansa ang inaasahang makikibahagi sa higit 70 sesyon ng mga kumperensyang iinog sa kanilang mga system focused sub themes na magpapalakas sa epektibidad ng pagsasaliksik at mga inobasyong pangkalusugan gaya ng social accountability, increasing investment, country building, capacity building at iba pang issue focused sub themes sa bahagi ng pagsasaliksik at inobasyon sa kalusugan na magpapalakas sa pagkain, katiyakang pang nutrisyon lalo sa mga malalaking lungsod at disaster risk reduction.

Tunay na napapanahon ang nasabing forum sa pangunguna na ipaliwanag ang pandaigdigang adyenda pangkalusugan at pagtutok sa hinahangad na sustainable development at tuluyang pag irradicate ng kahirapan at karamdaman sa pamamagitan ng kalusugang pangkalahatan, bahagi ng talumpati naman ng kalihim ng Kagawaran pang Kalusugan na si Dr. Janette Loreto-Garin.

Sa iba pang mga highlight kaugnay sa mga bago pang mangunguna sa Health Pre Forum o IT4Health, Innovation for Global Health, Film Festival, Global Health,, Diabetes, mga Photo Exhibits at Networking Party.///Michael balaguer