Kinabukasan ng mundo at ng Pilipinas tinalakay sa NRCP-DOST; Smart Electronics Tech ng PCIEERD-DOST at T2P ng PCAARRD-DOST sa niyog at palay para sa mga na-Yolanda ng Visayas


 

Manila, Pilipinas-PAGTALAKAY sa kinabukasan ng mundo alinsunod sa pandaigdigang pananaw kasama na ng kalagayan ng Pilipinas ang tinalakay sa nakaraang 81st National Research Council of the Philippines (NRCP) General Memberhip Assembly and International Scientific Conference.

Sa kanilang tema ngayong taon na “Future Earth Future Philippines’ kabilang ang ilang Nobel Laureates sa mga nagbigay ng pagtalakay sa mga pananaliksik na ginagawa upang matiyak ang magandang bukas para sa daigdig kasama na ang Pilipinas.

Kabilang sa mga naging bisita ay ang Nobel Laureates na sina Richard F. Heck at Yuan T. Lee, kasama rin si Prof. Mohammad Nordin Hassan, ICSU Regional Director na nagsabing “the Environment often replenish itself” bahagi ng isang eksklusibong panayam.

 

 

Binigyan rin nila ng parangal si DOST USec. Fortunato dela Pena sa kanyang mga kontribusyon sa pananaliksik sa bahagi ng Engineering at Industrial Research matatandaang si Prof. Dela Pena rin ay kasalukuyang pangulo ng Dangal ng Bulacan Foundation.

Samantala, tinatawag na 3D printing technology sa electronics ang ilan sa ibinida nitong nakaraang pagbibigay ng parangal sa inobasyon ukol sa Smart Electronics na pinangunahan ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging technology Research and Development (PCIEERD) na pinangunahan ni Dr. Rowena Cristina Guevara, ang nasabing mga teknolohiya ay may malaking maitutulong sa industriya ng manufacturing sa bansa sa paraan ng paglikha ng mga scale models.

 

 

Kaugnay nito ay ginanap na namang muli ang isang Technology to People program ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) na pinangunahan ni Dr. Patricio Faylon kung saan nakatutok sa pagbababa ng teknolohiya pang agrikultura sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.

Ipinamalas ang mga teknolohiya ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa kanilang tanggapan sa Zamboanga gayundin ang mga programa ng Philrice na hindi nadadala sa Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM) dahil umano sa kanilang takot pang seguridad kaya nananatiling di umaabot duon ang kanilang mga inobasyon sa bigas.

 

 

Kamakailan ay na confer ang bagong National scientist ng bansa mula sa hanay ng National Academy of Science and Technology (NAST) na si Acd. Gavino C. Trono Jr. sa kanyang mga mahalagang ambag sa industriya ng seaweed productions sa bansa. Ang seaweed ay ilan sa mga tinututukan ng Worldfish, isang pandaigdigang organisasyon na tumututok sa mga laman dagat at aquatic environment. (Jane Balaguer)