Magkakasamang Paglalagda para sa IRR ng RA 11642

Ceremonial Signing of the IRR of RA 11642

Nasaksihan ngayon Hunyo 28 2022 ang magkakasamang paglagda ng para sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11642 o ang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act of 2022.

Pinangunahan ni outgoing Sec Rolando Joselito Bautista ng Department of Social Welfare and Development at DSWD USec Glenda Relova, Executive Director ng National Authority for Child Care.

Layunin ng batas na mapadali ang proseso ng legal na pag aampon ng bata na hindi na kakailanganin ang korte.

lubhang pabor ito sa mga magpapa ampon at mga aampon gayundin sa mga aampunin.

Ginanap sa Diamond Hotel sa Maynila ang aktibidad na kung saan dinaluhan rin ng mga pangunahing awtor nito sa kongreso kabilang si 1st District Representative ng Northern Samar na si Congressman Paul Daza at si Senator Grace Poe.

Sa panahon gayon na maraming bata ang naghahanap ng magmamahal na magulang at mga magulang na walang pakialam sa kanilang mismong mga anak, ang batas na ito ay napapanahon.

Kasama rin si Engr. Emerito Roxas ng National Council on Disability Affairs.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net