Mahigit 100 years na taon storm surge nagbalik sa Pilipinas

alon

Quezon City, Pilipinas- “HISTORY repeat itself”, mahigit isandaan taon ang nakalipas, taong 1912 nang magkaroon ng storm surge o daluyong sa Pilipinas na kasintaas ng 7 metro, ito ay sa Hernani Eastern Samar at ito ay tulad ng naganap na bagyong Yolanda kamakailan.

Matatandaan ang storm surge ay nabubuo sa pamamagitan ng bagyo kung saan tumataas ang sea level dahil sa epekto ng hangin at nagpapababa ng atmospheric pressure. Gayundin, kapag high tide ay mas mataas ang surge. Lubhang naapektuhan ang Visayas area particular ang Eastern, Western Samar, Leyte at naitala rin ang Lalawigan ng Capiz na pinaka-napinsala.

Ang bansa Bangladesh taon 1970 ay nakaranas din ng storm surge at humigit kumulang na 300,000 katao ang nagbuwis ng buhay. Epekto rin ng daluyong ang kumitil ng buhay sa Samar at Leyte ,Oktubre 1897 sa Pilipinas ng 1,300 katao. Samantalang, Nobyembre 1984 ang bagyong undang ay lubos na napinsala sa Basey, Samar.

Ilan sa naapektuhan  gamit ng PAGASA ang synoptic station sa Tacloban malapit sa airport sa naganap na daluyong. Naapektuhan din ang Guiuan, Eastern Samar station na natangal ang ulo ng Doppler.

Zero casualty naman sa San Francisco, Camotes Island sa naganap na storm surge. Dapat tandaan ng bawat Pilipino na ang storm surge o daluyong ay epekto ng bagyo at ang tsunami ay epekto ng lindol subalit ang storm surge at tsunami ay parehong tidal wave. (Jane Balaguer)

alon din