maka agham na basketball clinic sa Pulilan kasama ang PSC at DT; Interbensyon ng agham sa edukasyon at palakasan sa Bulacan at teen pregnancy lumalala dahil walang RH law

DSC01365

maka agham na pagtuturo ng basketbol isinagawa sa Pulilan kasama ang PSC at ang pahayagang ito

IBINABA sa 19 barangay ng bayan ng Pulilan sa Bulacan ang paraan ng
pagtuturo ng palakasang nakahiligan ng maraming Pinoy, ang basketbol.
Kabalikat ang Philippine Sports Commission, Kapatid United Pulilan
Youth Association Inc at www.diaryongtagalog.net, Tinuruan ng mga
professional coaches at trainers ang mga kabataang nasa 12 gulang
pababa at maging mga out of school youth.

Ang scientific at step by step na pagtuturo sa pamamagitan ng
ibat-ibang modules ay isinagawa sa ilalim nina Coach Ma. Theresa
“Bujoy” Magno at kanyang mga Assistant Coach na sina: Jinelle Ponce,
Captain Ball ng Emilio Aguinaldo College at Assistant Coach Dian
Kristine Cas. ng Philippine Army Kasama rin sina PSC Coordinator Julia “Dhole” Llanto at Federation of International Basketball Association Commissioner (FIBA)
Coach Igmidio “Boy” Cahanding ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) at ginanap ito sa ibat-ibang barangay ng nasabing bayan.

Kasama rin ang People’s Organization na Kapatid United Pulilan Youth
Association Inc. sa pangunguna ng kanilang Founder na si Bernardo
Garcia “Bal” Ramos at Michael Balaguer ng www.diaryongtagalog.net.
Ngayong tag init habang patapos na ang klase ng mga mag aaral,
minabuti ng nasabing mga organisasyon na isulong ang malusog na
pamumuhay sa pamamagitan ng basketball clinic.

Ang basketbol ang pinaka popular na laro sa bansa at bagaman halos
buong Pilipinas ay naglalaro nito, marami pang mga maka agham na
paraang kailangang matutunan ng mga manlalaro sa larong ito na dapat
ang mga eksperto lamang at propesyunal ang naglalaro. Ang mga
terminong larong buko, banban, balibag tae, bangko at nangingitlog sa
loob ang mga salitang magpapatunay na maalam ang Pinoy sa nasabing
laro sa kabila ng dayuhang origin nito.

Ayon kay PSC Coordinator Julia “Dhole” Llanto “Pulilan lang ang unang
nagconduct ng basketball clinic na nakipag coordinate sa PSC, sa buong
Bulacan” sinabi niya sa gitna ng isinasagawang 6 na araw na scientific
basketball clinic sa nasabing bayan. //Jane Balaguer (maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net)

INTERBENSYON NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON HANGGANG PALAKASAN IBINABABA SA BULACAN

Maynila, Pilipinas-SIYENSYA nga raw ang pag-asa o nasa pag aaral ng agham at teknolohiya ang tunay na ika uunlad ng bansa. Bahagi lamang ito ng isa sa mga theme songs ng Department Of Science and Technology sa tuwing may mga bago silang ipinamamalas na teknolohiyang kailangan ng komersyalisasyon o dapat ipahatid sa madla.

Isa ang lalawigan ng Bulacan sa may pinakamaraming interbensyon ang kagawaran at maging mga ibang sangay ng pamahalaan na naghahatid ng katulad ring pagtulong kahit sa ibang disiplina. Sa Bulacan State University, Meneses Campus sa Bulakan, Bulacan sa pangunguna nina Dr. Mariano De Jesus, President ng Bulacan State University at ni DOST USec. Fortunato dela Pena ang patuloy na pag iibayo ng mga kurso sa Engineering gaya ng Mechatronics o ang pinagsamang Mechanical Engineering at Electronics gayundin ang kanilang Bangus Sardines na sa foods naman.

Unti-unti nang nakikilala sa buong central Luzon ang lalawigan bilang isa sa mga sentro ng pag aaral sa agham bagaman nasa Nueva Ecija pa rin ang Science City of Munoz kung saan ang Central Luzon State University ay malapit nang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.

Isang matagumpay na interbesnyon naman ng agham at teknolohiya sa ibang disiplina ang pagkakaroon sa Pulilan ng kauna-unahan sa Bulacan na Scientific Basketball Clinic na pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ni Chairman Ricardo Garcia at ng Samahang basketbol ng Pilipinas Inc.

Sa nasabing aktibidad pangunahing nagturo ng libre sa mga batang 15 years old and below si Federation Of International Basketball Associations (FIBA) Technical Commissioner and Coach Igmidio “Boy” Cahanding. Ang Philippine Sports Commission ay ang sangay ng pamahalaan na nagsusulong ng sports development at bahagi ng kanilang trabaho ay ang magturo ng mga maka agham na pamamaraan sa palakasan.

Matatandaang kada pagpasok ng summer ay kabi-kabila ang mga programang pampalakasan na pinangungunahan ng mga pribadong indibidwal at korporasyon, kadalasan ang mga sports “Clinics” na ito ay may bayad ngunit napag alaman na ang gobyerno naman din pala ay nagkakaloob ng kapareho ring programa na libre sa lahat ng nais matuto.

Bagamat malapit sa kamaynilaan ang Bulacan at madali nitong naa abo tang mga programa ng pamahalaan lalo ukol sa ahgam at teknolohiya, sa ibang mga liblib at malayong bahagi nito ay salat pa rin sa pasilidad na pang edukasyon gaya ng mga silid aralan, covered court para sa basketball at iba pang sports, health centers at kalsada daraanan ng kanilang mga produkto patungong palengke. //Jane Balaguer (maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net)

TEEN PREGNANCY SA BANSA LUMALALA RAW DAHIL DI IPINATUTUPAD ANG RH LAW

DSC01664

Quezon City, Pilipinas-Lumalala raw ang kaso ng pagbubuntis ng mga menor de edad na 17 below ayon ito sa mga advocates ng pagpapatupad ng Reproductive Health law na nagsagawa ng isang pulong balitaan kamakalawa sa lungsod na ito kung saan kumuha sila ng mga resource person buhat sa academe, youth at kapwa advocates sa women at LGBT.

DSC01656

Kumpara raw sa ibang mga bansa sa timog silangang asya, lahat raw ng mga datos ukol sa teen pregnancy ng mga ito ay bumababa ngunit bukod tangi lang ang sa bansa na tumataas, di naman nila nasagot ang tanong ng isang mamamahayag na nagsusulat sa isang pahayagang dayuhan kung may iba pa silang datos na magpapatunay sa kanilang sapantaha liban sa kanilang ibinulalas sa nasabing pulong balitaan.

DSC01661

Hindi pa raw pag implimenta ng Reproductive Health law ay lalong magdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga kabataang babae na may gulang 17 pababa na mabilang sa mga kaso ng teen pregnancy. Kailangan raw ang RH law upang mabigyan ng kaukulang edukasyon ang mga kabatang babae sa kanilang sekswalidad na karaniwan nilang unang natututunan sa mga maling paraan.

DSC01661

Napakaraming maling akala ukol sa pagbubuntis ng maaga na maaring mai address ng nasabing batas kontra sa sinasabi ng simbahang katoliko na ang sobrang pagbibigay ng nasabing mga impormasyon ukol sas ekswalidad ay lalong magbubuyo sa mga kababaihan na mag explore at lalong lumala ang bilang ng teen pregnancy.

DSC01660

Kabilang sa mga naimbitahang magsilbing tagapagsalita ay sina Dr. esperanza cabral, dating DOH Secretary at DSWD at si Pervival Cendana ng National Youth Commission.//mike balaguer (michaelbalaguer@diaryongtagalog.net)