Maka agham na pagtuturo ng basketbol sa Bulacan ng propesyunal na trainer hinihiling na maulit; SSS bibigyan ng social protection ang mga job order at contractual workers ng DILG, DSWD

 

 

Maynila, Pilipinas-Hinihiling na maulit muli sa ilang barangay na di inabot ng pagtuturo ng maka agham na pamamaraan sa paglalaro ng basketbol ang mga barangay na hindi na nakasamang maturuan ng mga propesyunal na coach na nagturo kamakailan.

Kabalikat ang online news portal na www.diaryongtagalog.net bilang opisyal na kapartner sa media ng Philippine Sports Commission at ng isang People’s Organization ng mga kabataan na nakabase sa Pulilan nanghihinayang ang mga kapitan ng barangay at kabataang mag aaral na hindi nakasali sa anim na araw na pagtuturo ng paboritong laro ng Pinoy.

Sa labing siyam na barangay na bumubuo sa bayan ng Pulilan sa Bulacan, aminado ang Philippine Sports Commission sa pangunguna ng kanilang Coordinator nuon na si Ms. Julieta “Dhole” Llanto na ang nasabing aktibidad ay ang “una” sa Bulacan o ngayon lang sila nakipag tie up sa pribadong sektor sa pagko conduct ng isang scientific sports clinic na gaya nito para sa basketball.

Maaring maitala rin sa kasaysayan ng palakasan sa lalawigan na sa Pulilan lamang unang nakapagbaba ng isang maka agham na pamamaraan ng pagtuturo ng basketbol ang gobyerno na libre at para sa lahat ng mga batang nais matuto.

Kabilang sa mga nakinabang sa mga pagtuturo nina Coach Igmidio “Boy” Cahanding, Coach Theresa “Bujoy” Magno, Assistant Coach Jinelle Ponce at Assistant Coach Dian Kristine Cas ay ang mga barangay ng Poblacion, Dampol 1st, Penabatan, Balatong –B, Santa Peregina, Inaon, Dulong Malabon, Longos at Paltao.

Sa mga batang tinuruan sa Poblacion kitang-kita ni Coach Boy Cahanding ang potensyal ng mga kabataang bulakenyo particular sa Pulilan na mag excel sa larong basketball. Makikita sa kanilang mga larawang makikita na tin sa venue na pinagganapan sa San Francisco Poblacion ang mga batang tinuturuan nina Coach.

Bukod sa mga pangunahing moves na karaniwan ay di alam kahit ng mga matatandang nagsasabing sila ay bihasa na sa larong ito, namamalas ng mga nanonood ang natural na kagalingan ng batang pinoy pagdating sa nasabing laro.

Sa unang araw ng pagtuturo nina coach sa San Francisco Poblacion, una ay kapansin pansin ang paunti unting mga bata na nagtutungo upang makibahagi habang marami na lagpas na sa edad na 15 and below ang nakikitaan ng interes na matuto.

Bagaman ang iba sa kanila ay inaakalang marunong nang maglaro, patuloy pa rin sa pagtuturo ang grupo ni coach hanggang matuto ang nasabing mga bata hanggang sa sumama pa sila sa susunod na tutunguhing barangay ng scientific basketball clinic na pinangunahan ng PSC, ng people’s organization na Kapatid United Pulilan Youth Association at ng www.diaryongtagalog.net bilang media partner.

Sa bawat klase gaya nang sa iskwela di nawawala ang mga pasaway na mag aaral, gayundin sa katulad na mga clinic kung saan marami ang bantulot na makibahagi sa una kung saan kinakalap pa ang mga nais magregister.

May mga pagkakataon pa nga na malapit nang mapikon an gating mga coach dahil sa ilang mga “nagmamagaling” ngunit nang makita na nilang nagtuturo sina Assistant Coach Jinelle Ponce, captain ball ng Emilio Aguinaldo College at miyembro ng ating national team sa basketball, sabi ng isang bata sa barangay ng Sta Peregrina “babae bay an?” dahil walang binatbat ang mga lalaking kalaro nito sa three-on-three nila sa nasabing court.

Isa rin sa hinangaan ng mga bata at ilang mga nakapagmasid ng clinic ay si Dian Kristine Cas, ng Philippine Army basketball team, isa rin sa mga Assistant Coach ni Coach Ma. Theresa “bujoy” Magno (mike balaguer)

Samantala,

Sa pagpapapatuloy ng kampanyang abutin ang milyong manggagawang walang social protection, nakipagtulungan ang Social Security System (SSS) sa dalawang pambansang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng SSS coverage ang libu-libong job order (JO) at contractual personnel bilang mga self-employed members.

Lumagda sa isang kasunduan si Judy Frances See, SSS Senior Vice President for Account Management sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD), na may kawaning 100,000 at 12,000 manggagawa bilang mga JO at contractual.

“With DILG and DSWD taking on the task of facilitating the SSS registration and regular remittance of payments of their JO and contractual personnel, these workers can look forward to the advantages of active SSS membership such as availment of benefits and loan privileges,” paliwanag si See.

Ang mga Contractuals at JO ay tinatanggap ng mga ahensya ng gobyerno ngunit labas sa itinatadhana ng Government Service Insurance System (GSIS), kung saan ang nasasakupan lang ay ang mga regular na kawani sa pampublikong sektor. Sa pamamagitan ng coverage nila bilang mga self-employed SSS members, ang nasabing mga JO at contractual workers ay magkakaroon na ngayon ng access sa mga financial assistance sa mga panahong itinatadhanan ng SSS-covered contingencies gaya ng maternity, sickness, disability, retirement o old age, at death.

Nilagdaan ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. ang coverage agreements magkahiwalay para kay DILG Secretary Mar Roxas at kay DSWD Secretary Corazon Juliano-Soliman sa loob ng unang quarter ng taong ito. May balak rin ang SSS na makipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno sa mga susunod na buwan ukol sa JO at contractual personnel.

Nilinaw ni See na ang mga local government units (LGUs) sa ilalim ng DILG – gaya ng lalawigan, lungsod, bayan, munisipyo at barangay– at DWSD central at field offices ay walang obligasyong pay the employer counterpart sa mga SSS contributions ng kanilang mga JO at contractual personnel.

“However, as part of our agreement, DILG and DWSD have pledged to ensure that their JO and contractual hires are duly reported for SSS coverage, and that they will regularly remit payments for contributions and loans of these workers to the SSS no later than the 10th day after the applicable month,” dagdag pa nito.

Ang buwanang kabuuang kita ng mga manggagawa na idideklara sa SSS, na magsisilbing batayan ng kanilang ihuhulog na kontribusyon ay hindi bababa sa kitang nilagdaan nila sa kanilang mga service contracts. Ang mga LGUs at DSWD offices ay agad na iuulat sa SSS kung may bago silang tatanggapin na JO at contractual.

Sa bahagi naman ng pension fund, may ia-assign na representative or account officer mula sa pinakamalapit na SSS branch upang tulungan sa pangangailangan nito ang LGU o DSWD office. Ang mga SSS branches ay babantayan rin ang compliance ng mga LGUs at DSWD offices kaugnay ng terms of the coverage agreement.

“Our branches are also ready to conduct other activities in support of this joint endeavor, such as info-seminars on the value of SSS membership, on-site SSS registration and enrollment for the Unified Multipurpose Identification System or ‘UMID’ card for qualified JO and contractual workers,” dagdag ni See. (mike balaguer)