Malabon zero-casualty ng nakaraang Habagat dahil sa Project NOAH ng DOST

lenlen2

Malabon City, Metro Mnaila- ZERO casualty ang Malabon City sa nakaraang pananalasa ng Habagat kung
saan bilang bahagi ng CAMANAVA district ng kalakhang maynila ay
inaasahang babahain at palulubugin ng tuluy-tuloy na ulan.

Sa naging panayam kay Malabon City Mayor Antolin Aquino Oreta sa
kasagsagan ng International Conference on Smarter Cities na kasamang
inorganisa ng Department of Science and Technology ukol sa kung ano
ang ideal na lungsod na dapat tirhan ng tao;

Ayon sa kanya, dahil sa tuwiran nilang pagtalima at pagsunod sa
proyektong Nationwide Operational Assessment of Hazards o NOAH ng
kagawaran ng agham ay na identify nila ang mga barangay at mga pook sa
kanilang lungsod na masasabing vulnerable sa paglubog sa baha.

Dahil rin sa maagap na komunikasyon sa pagitan ng LGU at ng mga
mamamayan ay walang naging casualty o nasawi ng nakaraang habagat kung
saan sa ibang bahagi ng CAMANAVA ay marami. (Mary Jane o. Balaguer)