MARIKINA CITY Unang lungsod na tumanggap sa AIR AMBULANCE ng DOH MIMAROPA; AIR AMBULANCE Pormal na ilulunsad ng DOH MIMAROPA sa PALAWAN at AIR and SEA AMBULANCE sa MIMAROPA lang mayroon


IMG_20170313_170108

 

Marikina City, PILIPINAS- Ginanap ang paglalagda ng kasunduan sa pagitan ng Department of Health Region 4B MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at nang Lungsod ng Marikina ukol sa paglapag ng kauna unahang ambulansayang lumilipad na maghahatid ng mga pasyente buhat sa mga liblib na bahagi nang mga pulo ng MIMAROPA patungo sa mga pagamutan sa Kamaynilaan partikular sa lungsod na ito.

Nakipagkita si Department of Health MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo Janairo kay Marikina Mayor marcelino R. Teodoro kasama ang Pangalawang Punong Lalawigan ng Marinduque na si Vice Governor Romulo Bacoro upang personal na masaksihan ang lugar kung saan inaasahang mailalapag ang air ambulance na isang helicopter.
Ayon sa panayam ng mga mamamahayag kay Janairo kasabay ng paglalagda ng kasunduan, sinabi niyang malaki ang maitutulong ng nasabing ambulansya upang madala ang mga emergency cases na buhat sa mga liblib na pulo ng MIMAROPA sa mga pagamutan sa Marikina at sa mga katabing pagamutan sa kamaynilaan.
Nakatakdang pormal na ilunsad ang nasabing helicopter ngayong miyerkules Ika 15 ng Marso sa Puerto Princesa palawan, mula umano sa Brookspoint magmumula ang helicopter sa kanyang maiden flight na magsasakay ng pasyenteng dadalhin sa ospital.
Napag alamang may verbal agreement na sina Dr. Janairo at Marikina Mayor Teodoro ukol sa pagwelcome ng Marikina na tanggapin ang air ambulance na maglululan ng mga emergency patients ngunit nang pagkikita ng dalawang pinuno nabatid na tila kailangan pa umanong I-otorisa ng Sangguniang Panlungsod ng Marikina ang dapat na executive decision lamang at prerogative ng Mayor na paglagda sa mga kasunduang gaya ng emergency medical situations, disaster Crisis management at bp na may kaugnayan sa pagliligtas ng buhay.
Napag alamang hindi kaanib ng alinmang lapiang politikal itong si Mayot Teodoro, dahilan upang hindi siya makasndo ng bahagya ng kanyang Sangguniang panlalawigan sa kabila ng para naman sa mamamayan ang dahilan ng lalagdaan niyang programa.///Mary Jane “MJ” Olvina-Balaguer
-30-
Puerto Princesa City, Palawan-NAKATAKDANG pormal na ilunsad ngayon sa lungsod na ito ang Air Ambulance na helicopter bilang bahagi ng programa ng DOH MIMAROPA upang mapabilis ang pagsugod sa pagamutan ng mga pasyenteng nasa mga liblib na lugar at mga malayong pulo ng rehiyon.
Matatandaang nagkaroon na ng soft launching na ito kamakailan
Sa lungsod ring ito bilang bahagi ng disaster and crisis management ser4vice ng DOH MIMAROPA at ang pangunahing prayoridad nito ay ang mga mahihirap.
Bagaman ang layo ng lalakbayin ng nasabing ambulansya sa himpapawid ay mula Brookspoint lamang hanggang Puerto Princesa masusubok ang kakayahan nitong mag ferry ng mga pasyente buhat sa liblib na pook o pulo na pagmumulan ng emergency hanggang sa pagamutan.
Sa nakaraang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng Marikina Citry at DOH MIMAROPAdalawang lokasyon sa lungsod ng Marikina ang kanilang napagkasunduan at ito ay ang sa Sports Center at Football Field na kapwa mga malalaking lugar at ang naatasang mag facilitate sa seguridad ng ambulansya ay ang Philippine National Police.
May mga partners ang kagawaran ng kalusugan sa MIMAROPA sa nasabing proyekto at kabilang rito ay ang Adventis Group.
Kabilang sa m,ga nakibahagi ay sina Puerto Princesa Mayor Luis Marcaida III, Dr. Eduardo C. Janairo ng DOH MIMAROPA at ang LGU ng Palawan.///Michael N. Balaguer
-30-
Brooks point, Palawan-KAUNA UNAHAN sa bansa ang pagkakaroon ng isang ambulansyang kagaya ng inilunsad ng DOH MIMAROPA, ang Air Ambulance. Sabi ng ka partner ng kagawaran na PAMAS o ang Philippine Adventist Medical Aviation Service ang pagkakaroon ng ganitong kagamitan sa ibayong dagat gaya ng USA ay karaniwan lamang.
Lubhang malaki ang pangangailangan ng bayan, lalo ang mga nasa mga pulo at kabundukan sa mga ganitong klase ng ambulansya ayon kay Capt. Sean M. Knapp, Director ng PAMAS sa pulong balitaang kasabay ng paglulunsad nito kasama sina Dr. Eduardo C. Janairo ng DOH MIMAROPA, Palawan Vice Governor Victorino Dennis Socrates, Provincial Health Officer Dr. Peter Hew Curameng.
Ipinakita sa mga mamamahayag na nakibahagi ang kapasidad ng 4 seater na helicopter sa kanyang initial flight buhat sa bayan na ito hanggang sa Puerto Princesa City kung saan nag aabang ang ambulansya upang ihatid sa ospital ang pasyente.
Nabatid na dahil sa kawalan ng mga ganitong kagamitan sa pagrescue at pagdala ng mga may sakit na nasa life and death situation, maraming di na nakakarating sa pagamutan ng buhay. Ayon naman kay Janairo, simula pa lamang ito sa napakaraming magiging inobasyon sa medical transport na makapagliligtas ng buhay lalo sa mga kapuluan at kabundukan ng MIMAROPA.///Michael N. Balaguer