mga kawani pumalag, PCMC HINDI NA PAA-ALISIN NG NHA PERO GUSTO UMANONG ILIPAT NG DOH; Araw ng Kababaihan idinaos sa Quirino Grandstand at Transportasyon Binigyan Pansin sa Nagdaang Roundtable Discussion

 

DSC01671

 

ILILIPAT raw ng Department of Health ang Philippine Children’s Medical Center sa Lung Center of the Philippines Complex kasama ang Philippine Orthopedic Center na sinasabing mga ospital na biktima ng Corporatization at Privatization na ginagawa ng pamahalaan sa sektor kalusugan.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Children’s Medical Center particular sa kanilang Employees Association, nabatid na sinabi ng National Housing Authority na hindi na sila ie- evict sa kanilang present location kung saan kanila na itong pinanghawakan sa kabila nang wala pa ring papel na magpapatunay at mere verbal agreement lamang.

Matatandaan na una ng naging isyu ang pagpapa alis ng PCMC dahil ang ililipat ay ang tanggapan ng Philippine Institute on Development Studies ng National Economic Development Authority ngunit nilubayan na ng NEDA-PIDS ang isyu at umayaw na ang mga ito ngayon ay sinasabi naman na inilalakad ng Department of Health na sa Philippine Charity Sweepstakes Office maibigay ang gusali ng pangunahing pagamutan para sa mga bata sa Pilipinas.

sinasabing isang legacy ng matinong pamamahala ng adinistrasyong Marcos ang “lungsod ng kabataan” kabilang rito ang PCMC, at iba pang mga specialty hospitals gaya ng sa puso, kidney, lungs habang ang sa tuberculosis nga ay naunan nang maging biktima ng corporatization at privatization na ginagawa ng gobyerno hindi ng kasalukuyan pati ng nakaraan.

Kaugnay nito, ang pahayag lamang nang mga kawani ng pagamutan na nagkilos protesta ang nakuha ng www.diaryongtagalog.net  dahil kahapon ay di pa dumarating ang Medical Director ng pagamutan na si Dr. Julius Lecciones na sinabing nakikipagpulong sa DOH. Mahalagang papel ang ginagampanan ng PCMC sa sambayanan at ang lokasyon nito ay istratehikong lugar na madaling mapuntahan ng mga pasyenteng buhat sa ibat-ibang bahagi ng bansa dahil sa sila ay isang specialty pediatric hospital.

Kung tuluyang aalisin sila sa kanilang present location ay maa apektuhan ng malaki ang mga mahihirap na batang may mga kanser, at mga malalang sakit na sa kanila umaasa para magamot. Mga magulang ng pasyente kabalikat ang mga manggagawa at empleyado ng pagamutan ang nag stage ng kanilang matahimik at panandalian lamang na pagkilos kung saan kanilang inikot ang buong premises ng pagamutan at lumabas sila upang Makita ng madla na sila ay hindi natutuwa sa ipinakikitang desisyon ng kanilang mother agency.

Batay sa mga nakapanayam naming mga pasyente buhat sa malalayong lugar na nagsadya sa PCMC upang magpagamot unfair para sa kanila na ialis ang ospital sa kasalukuyan nitong kinatatayuan. Sa mga naging panayam naman namin sa mga nangunguna sa nasabing pagkilos ay di nila nais na tuligsain ang kanilang mother agency bagkus ay gawin na lamang sana umanong i-donate sa kanila ang lupa gaya ng ginawa sa National Kidney and Transplant Institute na ayon sa kanila ay sa National Housing Authority rin ngunit ninais ng pamunuan ni Sec. Enrique Ona na i-donate sa nasabing pagamutan ang lupa na ngayon ay kanila na.

Hindi na raw usapin duon kung st Dr. Ona ang dating Medical Director ng NKTI dahil ngayon ay siya ang DOH Sec. kaya dapat na maging parehas na lang siya wika nila sa kanyang mga nasasakupan total anila ang NKTI at PCMC naman ay parehong mga specialty hospitals, ang isa ay sa bato at ang isa ay sa mga bata, isama na rin umano ang Philippine Orthopedic Center na para sa buto naman. jane balaguer (maryjaneolvina[_balaguer@diaryongtagalog.net)

 

DSC01678

Araw ng Kababaihan idinaos sa Quirino Grandstand

Maynila, Pilipinas– Idinaos ang panimula nang buwan ng mga kababaihan noong ika-08 ng Marso na ginanap sa Quirino Grandstand, Manila, Philippines. Layunin ng nasabing pagdiriwang na maipagmalaki ang kahusayan ng bawat kababaihan sa mundo sa anumang aspeto sa buhay at mabigyang ng sapat at pantay na respeto sa lipunan, sapagkat alam ng bawat isa na ang pagiging isang babae ay isang mahalagang tulong o kontribusyon sa mundo.

Katuwang ng Philippine Commission on Women ang Coca-Cola Philippines at Arm forces of the Philippines sa nasabing pagdiriwang, at ang isa pa sa nais ng nasabing pagdiriwang ay makagawa ng record sa Guinness World Record na makabuo ng isang malaking symbolo ng kababaihan na may bilang na 10,000 mula sa partisipasyon ng bawat kababaihan.

Dinaluhan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, pribadong kumpanya at NGOs ang pagdiriwang na ito, sapagkat naniniwala sila na malaki ang kontribusyon ng kababaihan sa bansa.

Pinangunahan ni Ms. Emmeline Verzosa, Executive Director ng Philippine Commission on Women (PCW) ang nasabing pagdiriwang na kung saan nagbigay siya ng isang mensahe sa mga kababaihan na may panghihikayat na sa bawat pagsubok maging matatag at laging lumaban,

Samantalang si Atty. Adel Tamano, Coca-Cola Philippines Vice-President for Public Affairs and Communications ay nagbahagi ng isang pagkilala sa mga kababaihan na kung saan ay nagkakaloob sila ng sari-sari store para sa mga kababaihan upang makatulong sa pagunlad sa buhay at higit sa lahat ay isinusulong din ng Coca-Cola Philippines ang kanilang programa na “5by20” na kung saan nagbibigay sila ng mga training programs sa mga kababaihan upang sa tantya nila na sa taong 2020 marami pa sa mga kababaihan ang may maayos at magandang negosyo hindi lang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 Ang pag diriwang na ito ay may tema na: “Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong”. (Rodel Paches-Cadion)

 

women

 

Transportasyon Binigyan Pansin sa Nagdaang Roundtable Discussion Quezon City, Pilipinas- Binigyan pansin sa nagdaang Roundtable Discussion ang usapin patungkol sa transportasyon, dito nagsalita ang ilan sa mga dalubhasa pagdating sa pag develop ng transportasyon sa Pilipinas, at upang makapag bigay ng maayos at mahusay na pamamalakad,

Sina Engineer Feliciano Pangilinan Jr., Deputy Director ng Department of Transportation and Communication (DOTC), Dr. Hussein Lidasan, Associate Professor ng UP Diliman, School of Urban and Regional Planning, Dr. Jose Regin Regidor, Director ng National Center for Transportation Studies, UP Diliman at Dr. Francis Aldrine Uy, Dean School of Civil Engineering and Environmental and Sanitary Engineering, Mapua Institute of Technology ay iminungkahi na sana ay magkaroon ng sapat na lugar at pondo ang Pilipinas pagdating sa pagsasaayos ng transportasyon.

Sinabi ni Engr. Pangilinan, Jr. ng DOTC na kung titignan ang estado ng ating mga daungan sa Pilipinas ay wala pa sa International Standards ang mga ito, tulad nalang nito ang Airpot Runway, Trailway at Seaport na kung saan ay gusto pa niyang mapaganda at mapalawak. At tulad din ni Engr. Pangilinan, Jr., Sinabi din ni Dr. Lidasan ng UP Diliman na gusto niyang mapaganda ang bawat lugar sa Pilipinas at na sana ay mabawasan ang problema sa traffic, kaya nais niya sana na magkaroon ng pagbabago pagdating sa usaping ito, A

t bukod pa dito nais niya din na mapaunlad pa ang RORO System sa Pilipinas upang mas lalo pang maging maganda ang kita ng Pilipinas. Sa kabilang banda ibinahagi din ni Dr. Uy, ng MAPUA na gumagawa sila ng experiment na kung saan ay makakatulong sa bawat Pilipino na mapadali ang transportasyon, tulad nalang dito ang GPS na kung saan magagamit mo o ng bawat Indibidwal upang maging madali o mapadali ang pagtungo o makita ang lugar na pupuntahan mo saan man sa Pilipinas, at sa kanilang pagaaral tinatawag nila itong Intelligent Transport System (ITS).

At bago naman magwakas ang nasabing pagpupulong ay isang malaking katanungan ang kanilang iniwan sa isa’t isa at ito ay ang tanong na; kailan ba masosolusyunan itong problema na ito? Bagamat nalalapit na naman ang eleksyon, sa susunod ba na administrasyon ay matutulungan tayo sa ating ginagawang proyekto?

Ang nasabing pagpupulong ay ginanap noong Ika-6 ng Marso sa Bayview, Hyatt Hotel and Casino Manila sa pangunguna ng National Academy of Science and Technology, Philippines at ng mga miyembro nito sa pangunguna ng Chair of Engineering Sciences and Technology Division na si Dr. Reynaldo B. Vea, President of MAPUA Institute of Technology at Dr. Aura C. Matias, University of the Philippines, Diliman – Department of Industrial Engineering and Operations Research. (Rodel Paches-Cadion)