Tila karamihan sa labing siyam na ahensya sa ilalim ng kagawaran ng agham at teknolohiya ay nag sama-sama upang magbaba ng kani kanilang mga programa sa bayan ng Pulilan sa lalawigan ng Bulacan, nasasakupan ng Region 3 o Gitnang Luzon.
Sa batay sa naging panayam kamakailan sa DOST Bulacan na pinangungunahan ng Provincial Science and Technology Center Provincial Director Angelita Q. Parungao kasabay ng muling paglulunsad ng Bulacan Packaging Service and Toll Packaging Center.
Ayon sa panayam kay Parungao napakaraming programa at proyekto ng Department of Science and Technology Region 3 sa pangunguna ni Dr. Victor Mariano na kanilang ibinaba sa lalawigan gaya ng binabalak na Mango Development Project para sa Pulilan na pangungunahan naman umano ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD)
Isa rin sa mga flagship programs ng central office ng kagawaran ay ang TV white space na kanilang matagumpay na pinasimulan sa Bohol ngunit ngayon ay dadalhin naman sa bayan ng Pulilan na dadalhin naman ng Information Technology Office (ICTO)
Complimentary food production center ay isa na namang proyektong ibinabang muli ng kagawaran ng agham sa bayan ng pulilan. Bukod sa mga programa at proyekto na pang nasyunal na maari na ring maramdaman sa mga nalalapit na panahon sa nasabing bayan, ang tinaguriang virtual library ng bayan na likha ng kagawaran ng agham sa pangunguna ng Science and Technology Information Institute o STII ay ibinaba naman sa isang paaralan sa nasabing bayan, ito ay sa Sta perigrina high school. ang kaugnay na istorya ay matatagpuansa AGHAM page (Michael Balaguer)
Pinangunahan ng Central Luzon Media Association Tarlac Chapter at Publishers Association of the Philippines Tarlac ang isang pulong balitaan na ginanap sa kamo ng 3rd Mechanized Division ng Philippine Army sa loob ng Hacienda Luisita, San Miguel Tarlac City.
Kabilang sa mga dumalo ay ang Pangulo ng Central Luzon Media Association na si Jess Malar at Secretary General Abel Pablo at representante ng Publishers Association of the Philippines sa nasabing bayan na si Boni Dacayanan at kanyang mga kasama buhat sa CLA at sa PAPI.
Bukod sa mga taga Tarlac ay dumalo rin ang Pampanga Chapter ng CLMA sa pangunguna ng dating Pangulo na si Alma Ochotorena at Lito Ochotorena at mga representante ng Bulacan Chapter, ang Publisher ng www.diaryongtagalog.net na si Mary Jane Olvina-Balaguer na siyang Pangulo ng BUlacan Chapter ng CLMA kasama s Michael Balaguer at mga opisyales ng Bamban Aeta Tribal Association (BATA) na sina Virgilio Sanchez at kanyang mga kasama.
Nakiharap sa bahaging kasundaluhan ay sina LTC Arlene Frage, Col. RJ Atencio at si Maj Somera bilang guro ng palatuntunan. Bukod sa layunin ng mga mamamahayag na magtayo ng press corps na tututok sa mga aktibidad ng 3rd Mechanized Division ay iniulat rin ng mga sundalo ang kanilang mga nagawa upang bawasan ang insurgent gaya ng mga NPA.
Sinabi nilang sa mgayon ay nasa 29 na lamang ang current strength ng mga remnant nang new peoples army sa lugar, sinabi nilang ang Tarrlac ay isang mapayapa at ready for development hindi ito maituturing na threatened, influenced o maing infiltrated man ng mga rebeldeng grupo. Ang kaugnay na istorya ay matatagpuan sa CLMA page (Michael Balaguer)
Ginanap sa lalawigan ng Bulacan ang buwanang Directorate meeting ng Central Luzon Media Association habang ang induction ng mga opisyales ng Bulacan Chapter naman ay ginanap sa Regional Office ng Department of Science and Technology sa Maimpis San Fernando sa Pampanga kung saan ang mismong inducting officer nila ay ang Regional Director ng DOST region 3.
Mga delegado buhat sa Pampanga, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan at Zambales ang nagkita kita sa lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang buwanang pagpupulong ng mga opisyales ng sinasabing isa sa pinakamatatag na media organization sa bansa.
Sa pamumuno ni Pangulog Jess Malvar buhat sa Tarlac kasama sina Secretary General Abel Pablo, Boni Dacayanan at kanilang mga kasama; sina Nueva Ecija Chapter President Mel Ciriaco, Betty Bendicion ng Zambales, Ester Gallardo ng Bataan at mag asawang Alma at Lito Ochotorena ng Pampanga matagumpay na naisagawa ang pulong ng samahan.
Kabilang naman sa mga dumalo sa bahagi ng Bulacan ay sina Ronald Castro, Ellen Manuel, Chona Ventus, Aida Rubio at Bernie Manansala kasama ang publisher ng www.diaryongtagalog.net na si Mary Jane Olvina-Balaguer bilang Pangulo ng samahan.
Kaugnay nito ay malaking pasasalamat naman sa Bulacan Governor Wilhelmino M.Sy-Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando kapwa sa kanilang suporta sa Bulacan Chapter habang ang induction ay ginanap sa Pampanga sumunod na lingo.
Si Department of Science and Technology Region 3 Regional Director Dr. Victor B. Mariano ang nagsilbing inducting officer ng Bulacan Chapter kung saan dahilan sa ang mga ito ay kapwa mga science journalists ay nararapat na ang mag induct sa kanila ay isang opisyal ng kagawaran ng agham.
Sa temang “linking Science and information for a progressive region”, nagsilbing induction at presscon na rin ang okasyon at naging dahilan din ito upang malaman at maibahagi ang mga aktibidad ng ahensya sa bahaging ito ng gitnang Luzon. Ang mga kaugnay na istorya ay nasa CLMA page (Michael balaguer)