Modified Muffler ng Motorsiklo isinusulong ipagbawal; Mobile phone i-ban ang paggamit kahit kawani ng bangko at Mga kontraktwal na guro pagkakaloban nang benepisyo at iri regular

Modified Muffler ng Motorsiklo isinusulong ipagbawal

Maituturing na Noise pollution ang sobrang ingay mula sa mga upgraded pipe o modified pipes ng mga motorsiklo o kahit ng  tricycle sa ating mga lansangan na nagdudulot ng pagkadistorbo sa pagtulog sa mga mamayan, nakakasama rin ito sa kalusugan na possibleng may epekto ito gaya ng pagkapagod, sakit sa puso at  ang pinakamatindi ay pagkabingi bukod sa nagiging sanhi rin ng mga aksidente.

Taong 2013 may 7.7 milyon registradong sasakyan ang nakarehistro sa Land Transportation Office at 53% nito ay mga motorsiklo na karamihan sa may ari ng motorsiklo o tricycle ay binabago ang tambutso nito upang maging maingay na ginagawa sa tabi tabi lamang na hindi sapat sa tamang pamantayan.

Kaya naman nagsulong ng panukalang batas ang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan na si Gavini “Apol” C. Pancho na house bill no.3875 o mas kilala sa katawagan “anti –modified tail pipe act of 2014

Layunin ng naturang panukala sa implementasyon at probisyon ng RA 8749 o ang clean air act kabilang ang PD 984 o ang Pollution Control Law at PD 1152 or the Philippine Environmental Code na nagsagawa ng pamantayang na katanggap tanggp na lebel ng ingay sa komunidad gayundin ang mga bagay na nagdudulot ng ingay.

Gayundin na ang pag ban sa patuloy na paggawa ng modified tail pipis ng mga motorsiklo at tricycle ay  paraan ng epektibong koordinasyon mga ahensya sa gobyerno kabilang ang local government units na mahuli at maparusahan ang mga susuway na motorista. Ang kaugnay na istorya ay matatagpuan sa KAPALIGIRAN page.///Mary Jane Olvina-Balaguer

 -30-

 Mobile phone i-ban ang paggamit kahit kawani ng bangko

 Ber month man o hindi ay walang pinipili ang mga magnanakaw kung gusto nilang looban ang mga lahat ng uri ng bangko ito man ay commercial bank, universal banks, thrift banks, rural banks, cooperative bank, Islamic bank  o anuman klaseng bangko na tinutukoy ng Monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Kaya naman isang Solon mula sa ikalawang distrito ng Bulacan na si Gavini “Apol” C. Pancho na may house bill no 5033 o mas kilala sa katawagang “cell phones in the banks prohibition act of 2014”.

Ang teknolohiya na dapat ay gamitin sa mabuti ay nagiging mitsa upang abusuhin  ng mga criminal a mga illegal sa gawain tulad ng panloob sa mga bangko. Na madalas ikinatatakot ay minsan ay may nagbubuwis pa ng buhay sa industriya ng pagbabangko.

Hindi lamang sa mga kliyente ng Bangko kahit sa guwardiya. Walang exempted sa nasabing panukalang batas kahit pa mga kawani ng bangko tulad ng mga tellers sa oras ng sila ay nakaduty maliban kung lunch break.

Ang Department of Finance, Department of Interior and Local Government at Philippine National Police ang gagawa ng Implementing Rules and Regulation ng nasabing panukala.

Samantalang hinahayaan naman ng nasabing panukulang batas na ang mga doctor o mga nasa health care sector na gumamit ng telepono sa oras ng emergency. Ang naturang panukala ay umiiral na sa bansang Brazil. Ang kaugnay na istorya ay matatagpuan sa AGHAM page.///Mary Jane Olvina-Balaguer

 -30-

 Mga kontraktwal na guro pagkakaloban nang benepisyo at iri regular

 Isang noble na propesyon ang maging isang guro. Malaki ang papel sa ginagampanan n gating mga guro sa paghubog ng ating pagkatao. Ngunit sa kabila ng kanilang mga serbisyong ipinagkakaloob ay nananatili pa ring kakarampot ang kanilang sinasahod at kung malas-malasin pa ay wala pang mga benepisyo lalo kung contractual sa pribadong paaralan o job order naman sa pampublikong iskwelahan.

Dahilan sa ganitong katwiran ay nabuo ang panukalang batas na isinusulong ngayon ng kinatawan ng ika 2 distrito ng lalawigan ng Bulacan na si Congressman Gavini Apol Pancho sa mababang kapulungan ng kongreso, ang bigayn ng benepisyo ang mga guro na matagal nang naglilingkod at nagtuturo ngunit nananatili pa ring kontraktwal.

Wala nang “endo” di na rin “magre renew” kapag sasapit ang five months sina ma’am at sir na gaya ng mga kawani ng mga malls pag naisabatas ang panukalang ito ni Pancho na may titulong “ an act granting benefits to long time contractual teachers and providing penalties for violation thereof and for other purposes”o House Bill number 5034.

Sakaling maging batas ang naturang panukala ay maiibsan ang mga agam-agam ng mga guro na pagsumapit ang dapithapon ng kanilang buhay ay naka nganga silang walang mapapala sa tagal ng kanilang ginawang pagtatrabaho, pagtuturo sa mga mag aaral at paghubog sa mga sinasabing bagong henerasyon.

Isa sa mga pangunahing prayoridad ni Pancho ay edukasyon gaya ng kanyang ama na dati ring mambabatas at nagrepresenta ng katulad na distrito ng lalawigan ay nais ng nakababatang mambabatas mag iwan ng legacy sa bahagi ng edukasyon sa kanyang mga kababayang Bulakenyo. Ang kaugnay na istorya ay matatagpuan sa PAGGAWA page.///Michael N. Balaguer