multi hazard and risk maps inilunsad ng PAGASA-Australian Embassy at tagumpay ng LiDAR Based Flood models (NOAH at DREAM) iniulat ng DOST

DREAM

MATINDING PAGYANIG ang natural na kalamidad na di maaring mai predict kung kailan darating ngunit maaring mapaghandaan upang kaunti lamang o walang casualty. Di katulad ng bagyo, pagbaha at iba pang kaakibat nitong predictable natural disaster masasabing isang traydor ang lindol.

Katulad ng naganap kamakalawa sa Cebu, Bohol, Panay na naramdaman hanggang Bicol at Zamboanga tila nabulaga ang mga residente sa 7.2 magnitude na intensity ng pagyanig batay sa ulat ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (PhiVolcs-DOST) nuong araw ring iyon kung saan ang sinasabing epicenter ay sa bayan ng Carmen sa Bohol.

Kaugnay pa rin ng nasabing biglaang delubyong ipinaranas sa bansa inilunsad at inihatag ng Australian Embassy sa Pilipinas kabalikat ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA-DOST), PhiVolcs, Metro Manila Development Authority at National Disaster Risk Reduction and Management Council ang multi hazard and risk maps na kinapapalooban ng mga lugar na mapanganib tirhan kung sasapit ang mga natural na kalamidad.

Nabanggit ang CAMANAVA area, Marikina Valley at mga baybayin dagat na high risk pagdating sa mga pagbaha, landslides at mga pagguho lalo pag may lindol o malakas na bagyo. Kabilang sa mga nagbigay ng pagtalakay sa mga nararapat na gawin kapag may lindol gaya ng naganap kamakailan
sa Cebu at Bohol ay si Dr. Renato Solidum, Director ng PhiVolcs habang tungkol sa bagyo at pagbaha ay binanggit ni Dr. Vicente Malano, Administrator ng PAGASA.

Nagbigay rin ng mensahe ukol sa Disaster Risk Management sina Australian Ambassador Bill Tweddell at MMDA Chairperson Francis Tolentino. Samantala, magkakaroon ng ikalawang bahagi ang Disaster
Risk and Exposure Assessment for Mitigation (DREAM) at Nationawide Operational Assessment of Hazards (NOAH) kapwa pinagtulungang programa ng DOST at UP Diliman na matagumpay laban sa paghahanda sa natural na kalamidad o sakuna gaya ng lindol at kamakailan ay pinuri ni PNoy sa
SONA.

Sa kanilang ulat, sinabing dahilan sa tagumpay nito ay ibababa na nila ang teknolohiya sa mga LGU at isusulong ang popularisasyon sa masa upang mas maraming makinabang at maligtas sa gitna ng nag aambang sakuna. (michael balaguer)

noah