nagbabadya ng malaking panganib sa buhay at ari-arian DATING TESDA CHIEF DI PABOR SA ITATAYONG DAM SA ILOILO; Magsasaka sa Central Luzon hiniling ipatupad ang IFAD

                                                             

Hindi na dapat maulit ang mga trahendyang naganap kamakailan kung saan naging dahilan upang marami ang bawian ng buhay at masira ang napakaraming ari-arian. Kapar[aanang natural man o likha ng kapabayaan ng tao, ang mahalaga ay gumawa ng paraan upang di na maulit ito.

Kamakailan ay nakapanayam ng pahayagang www.diaryongtagalog.net ang dating Iloilo 2nd District Congressional Representative Dr. Augusto L. Syjuco Jr. na nagsilbing Director General ng Technical Education and Skills Development Authority nuong panahon ni President Gloria Macapagal Arroyo.

Napagtuunan namin ng pagtalakay ang ukol sa “Writ Of kalikasan”, ito ang paraan ng batas upang bantayan at proteksyunan ang interes ng kalikasan laban sa tao o sa pag aabuso ng tao, mga itinatayong kumpanya o imprastruktura na maaring may apekto sa kapaligiran at maaring makasira.

Dahil nga sa pagbabadya ng isang malaking panganib o isang impending geological hazard waiting to happen at tiyak na may malaking apekto sa buhay at pag aari ng mga residenteng nasasakupan ng ikalawang distrito ng Iloilo kung saan ayon kay Dr. Syjuco ay mga katutubo o indigenous People na nainirahan sa kanilang mga ancestral domain, mariing tinututulan ng dating TESDA chief ang konstruksyon ng Jalaur Mega Dam.

Nabanggit ng mga geohazard data na ang isang islang gaya ng Panay ay di kayang i-withstand ang pagkakaroon ng dalawang malalaking dam na magkasamang iko construct dahil maliit lamang ang land mass nito, di kagaya ng Luzon at Mindanao na mga malalaking land masses.

Geologic data shows na may dalawang intersecting fault na nagtama sa lokasyon ng Jalaur Dam batay rin sa nasabing pag aaral ay ang pagpasok ng tubig sa lugar ay magiging dahilan ng pagkilos ng techtonic plates dahil malu lubricate ang mga ito bukod pa sa nasabing lugar din nagtatama ang tubig alat at tabang na kapag natuloy ang proyekto ay tuluyang mag entrude ang salt water sa lugar, apektado naman ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Nabatid na isang malaking panlilinlang rin sa bahagi ng mga nagsusulong na itayo ang dam dahil sa mga kinuha nitong lagda sa mga tao na hindi kung loob na nagbigay nito. Sinabing wala naman raw binabanggit ukol sa dam construction bagkus ay kinuha ang lagda sa katwirang gagamitin ito sa isang case study.

Patuloy na nilalabanan ng dating hepe ng pangunahing dalubhasaan ukol sa edukasyong teknikal sa bansa ang suliraning pangkalikasang ito na umabot pa sa pagsasampa ng kaso na at pagkuha ng writ of kalikasan sa korte ukol sa nasabing isyu. (mike balaguer)

 

 

MALAKING banta sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa Iloilo ang binabalak na pagtatayo ng Jalaur Mega Dam; Ayon sa pag aaral ng isang dalubhasa sa Environmental Geomorphology na kinatigan rin at kapwa tinutututulan ng dating naging pinuno ng dalubhasaan ukol sa edukasyong teknikal sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net  kay Dr. Augusto L. Syjuco Jr., dating Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), naging mamababatas at representante ng ikalawang distrito ng nasabing lalawigan kung saan binatay nito sa pag aaral ni Dr. Ricarte S. Javelosa Sr. M.Sc.

Batay sa pag aaral ni Dr. Javelosa na isang Dutch-based (the Netherlands) Geologist, isang dalubhasa sa structural Geomorphology at doctor ng Quaternary Environmental Geomorphology ay matagal na nagpakadalubhasa sa katangian at galaw ng lupa, wika niya na ang Jalaur Dam ay nakatakdang ipatong sa isang aktibong fault, malambot ang lupa at ang kinaroroonan ay pinagsalubungan ng dalawang Fault

Ang lugar na balak tayuan ng Jalaur dam na tatayuan rin sa tabi ng Panay Dam ay isang vulnerable geohazard zone at nasa ilalim nito ang active plate techtonics na sinasabing malu lubricate kung mabubuhusan ng tubig kaya mas magiging madalas ang paggalaw resulta ang maraming pagyanig.

Ang prinsipyo ng pagda dam ay palulubugin ang isang particular na lugar upang maging large water reservoir. Apektadong malaki nito ay ang Passi City, Iloilo City at mga bayan ng Zarraga, Leganes, new lucena at Pavia ng ikalawang distrito ng Iloilo. Sa bahagi ring iyon ay may ilog kung saan nagsasalubong ang tubig alat at tabang at pag itinuloy ang nasabing proyekto ay magtatagumpay ang salt water intrusion. Kabilang sa inaagapan ng Science for Safer Communities ay ang lindol. (Jane Balaguer)

———————————————————————————————————————————

MAITUTURING na rice granary ng Pilipinas ang Gitnang Luzon kaya ang alokasyon sa lahat ng magsasakang kooperatiba ang hinihiling ng mga magsasaka na maipatupad ang Institutionalized Farmers Distributors Program (IFAD), programa ng National Food Authority.

“Ang inaasahan namin sa State of the Nation Address (SONA) ay gusto naming  makibahagi sa rice importation, rice distributor hindi kami humihingi ng special favor gusto lang naming implement ang IFAD at kumita” ang tinuran ni Simeon T. Sioson- Chairman, Federation of Central Luzon Farmer s Cooperative (FCLFC).

“Purely big time importer at smuggler ang kumikita the government don’t get enough big taxes but if the farmer participate the government generate more revenue and more taxes from the farmer dahil hindi lang ang big player ang makikinabang at  malaking kawalang ng gobyerno ang hindi sapat na buwis kundi pati kaming mga small player na gusto tumulong sa gobyerno sa tamang pagbabayad ng buwis”  dagdag pa ni Sioson.

Kaugnay nito, nang nakaraan taon (2013) pinababa rin ang budget ng post-harvest facilities sa buong Relihiyon 3 at Nirealign sa Yolanda. At sa buong taong din walang nakapag- import na mga farmer cooperative na kinatawan mula sa CL.

Batay sa lihm ni Orlan A. Calayag, Tagapangasiwa ng Pambansang Pangasiwaan sa pagkain may petsa Disyembre 12, 2013 kay G. Simeon T. Sioson ng (FCLFC) ay naglaan ng 450,000 ang ahensiya ng alokasyon ng sakong bigas o katumbas ng 9.5% sa kabuuang importation ng 2013. Ang IFAD certificates din ay ipapamahagi sa mga kwalipikadong farmers organizations (FOs) na nakapagbenta ng palay sa ahensya sa alinman taon sa 2011 o 2012.

Samantalang, Pitong Milyon at Dalawang Daang Libo (7,200,000) sakong bigas ng Disyembre 2013 at karagdagan Dalawang Milyon (2,000,000) sa kabuuang Siyam na Milyon at Dalawang Daang Libo alokasyon ang hindi pa naipapatupad sa IFAD program ngayon 2014.

“ In the future hindi magtatagumpay ang rice sufficiency program kung walang tulong na ibaba sa magsasaka” pahayag pa ni Sioson. (Jane Balaguer)