NAST 3rd National Climate Conference; RTD on Rare Diseases at Coping with Emerging Infectious Diseases


 

Ginanap nitong Ika 25 ng Setyembre ang 3rd National Climate Conference na may temang Climate Related Risk and Disasters na pinangunahan ng National Academy of Science and Technology at ng Department of Science and Technology, binuksan ang poseter session at exhibits ni Dr. William G. Padolina, Pangulo ng NAST kasama si Hon. Alexander P. Pama, Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and management Council at Administrator ng Office of Civil Defense at Academician Rodel D. Lasco, Chair ng NAST Task Force on Climate Change.

Sa pagbubukas ng aktibidad ay pinangunahan ni Dr Padolina, ipinakilala ni Dr. Lasco ang panauhing tagapagsalita at nagbigay ng kanyang talumpati si hon. Alexander Pama. Tinalakay sa unang plenary session sa pangunguna ni Dr. Faviana Hilario, Acting Deputy Administrator for Research and Development ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga bagay tungkol sa Climate Trends and Implications to to Disaster Risk Reduction at ang Operational Climatology.

Kasunod ay an presentasyon ni Dr. Gemma Teresa T. Narisma, Associate Professor ng Department of Physics, School of science and Engineering Ateneo De Manila University and Atmospheric Scientist and Associate Director for Research, Manila Observatory.

Sa ikatlong plenary session tinalakay ng tungkol naman sa Disaster Response mula kay Hon. Cristina M. Camba, Vice Mayor ng Municipality of Hinatuan, Surgao del Sur kasama si Ms. Josephine C. Lapaciros, Municipal Disaster Risk Reduction And Management Officer ng Hinatuan.

Sinundan ng paglulunsad ng ibat-ibang programa tungkol sa DRRM, tig 15 minutong mga presentasyon, pangwakas at panghuling mga kataga buhat kay Dr. Rodel Lasco.///Michael balaguer

NAST climate conference photo 3NAST Climate Conference Photo 2NAST Climate Conference Photo 1Samantala

KAKAIBANG mga karamdaman ang tinalakay sa nakaraang round table discussion na pinangunahan ng National Academy of Science and Technology kung saan ang nanguna ay Health Sciences Division na ginanap nitong October 30,2014.

Inihatag ni Academician Carmencita D. Padilla, focal person ng nasabing RTD at miyembro ng Health Sciences Division. Tinalakay ni Dr. Mary Anne D. Chiong, Biochemical Geneticist, Institute of Human Genetics, National Institute of Health, University of the Philippines Manila ukol sa Overview on Rare Diseases-Global and Local Setting.

Naroon si Mr. Juan Benedicto K. Magdaraog, Patient with Pompe Disease ukol sa Life with Pompe Disease habang si Dr. Carmencita D. Padilla, Professor ng College of Medicine ng University of the Philippines Manila para sa mga Elements of the Rare Disease Act.

Habang tinalakay ni Dr. Anthony P. Calibo, Officer In Charge ng Child Health Development Division, Medical Specialist IV, Newborn Care Program Manager, Family Health Office ng Kagawaran ng Kalusugan sa kanyang presentasyon na may titulong Integration of Care of Patients with Rare Diseases in the Public Health Care System.

Ipinahayag naman ni Dr. Edsel Maurice T. Salvana, OYS 2010, Clinical Associate Professor of Medicine, Infectious Disease Section, Department of Medicine, University of the Philippines Manila. Nagbigay ng kanyang pangwakas na pananalita si Dr. Jaime Montoya, Chair ng Health Sciences Division ng NAST. Sa nasabing RTD kailangang isulong ang mga adbokasiya ukol sa mga rare disease at buksan ang PhilHealth para sa mga ito.///jane balaguer

DSC03783DSC03785DSC03799

Kaugnay nito

NAKABABAHALA ang pag usbong ng mga nakakahawang sakit sa kasalukuyan kaya nga ang National Academy of Science and Technology (NAST) ay nagkaron ng pagtalakay upang matulungang mapuksa ang mga sakit gaya ng SARS at ngayon nga ay Ebola.

Sa ginanap na round table discussion sa traders hotel nitong ika 2 ng nobyembre pinangunahan ni NAST President Dr. William G. Padolina ang talakayan at si National Scientist Angel C. Alcala ang naghatag ng mga objectives ng nasabing RTD dahil siya ang focal person at chair ng Biological Sciences Division ng NAST.

Tinalakay naman ni Dr. Veronica F. Chan isa ring member ng Biological Sciences Division ng NAST ang tungkol sa the Epidemiology o ukol sa evolution, incidence at control ng Ebola virus at sinundan ito ni Dr. Jaime C. Montoya ang chair ng Health Sciences Division ng NAST ukol sa Important Emerging Diseases: What we need to know.

Tinalakay naman ni Dr. Mediadora C. Saniel ang President ng University of The Philippines Medical Foundation Inc ukol sa Prevention and Control of Emerging Infection. Sinasabing ang takot sa mga sakit gaya ng Ebola ay ukol sa mga nakikitang sintomas at ipinalalabas sa media o takot sa di alam kaya nga ginawa ang RTD upang malaman ang detaly sa kasalukuyan.

Inihatag ang synthesis ni Dr. Leslie Michelle M. Dalmacio ang Vice Chair Academics ng Department of Biochemistry and Mlecular Biology Colege of Medicine ng University of the Philippines Manila. Nagbigay ng pangwakas na pananalita si Academician Angel C. Alcala at agsilbing master of ceremonies o guro ng palatuntunan si NAST Executive Director Luningning Samarita-Domingo.

Ang sintomas ng Ebola ay parang Dengue ngunit mas malala, lumalabas ang sintomas after 21 days pagkatapos nuon at walang sintomas na lumabas ibig sabihin ay wala siyang sakit, gaya ng ibang karamdaman ay nauuna ang lagnat.///Michael N Balaguer

DSC03798DSC03800DSC03801