Newly Conferred Scientists; Industriya ng bakal may karagdagang suporta sa DOST at Proyekto ng Pisay na Central’s Bentonite water filtration project nagwagi sa Hyundai New Thinkers Spotlight

Isang pagpaparangal na naman ang ibinigay o ibinahagi ng Scientific Career System (SCS) ng Civil Service Commission (CSC) at Department of Science and Technology (DOST), sa mga Pilipinong nakapag ambag ng kahusayan at kaalaman sa larangan ng Siyensya at Teknolohiya sa bansa, ilan sa mga naparangalan dito ay sina Dr. Constancio A. Asis, Jr. at Dr. Sergio R. Francisco ng PhilRice, Dr. Romeo V. Labios ng UP Los Banos, Dr. Aida B. Lapis ng DENR-ERDB, Dr. Stanley C. Malab ng MMSU, Dr. Eugenio D. Orpia, Jr. at Dr. Evangeline C. Santiago ng UP Diliman bilang Scientist I at si Dr. Aida B. Solsoloy naman ay bilang isang Scientist II. Samantalang si Dr. Arvin Diesmos naman ng National Museum ay naitaas mula sa kanyang ranggo ng pagiging isang Scientist II na ngayon ay isa nang Scientist III.

Layunin ng Scientific Career System na mabigyan ng parangal ang mga natatanging Pilipino na nakapag ambag ng natatanging husay sa larangan ng Siyensya at Teknolohiya sa bansa, at upang makilala ang mga katangi-tanging Pilipino at mga ambag nito.

Sa nasabing pagpaparangal nagbigay ng isang talumpati o mensahe ang Chairman ng Civil Service Commission at Ex-Officio Chairman ng Scientific Career Council na si Hon. Francisco T. Duque III, sinabi nya dito, muli na naman nadagdagan ang bilang ng mga Pilipino na nakapag ambag sa bansa sa tulong ng kanilang kahusayan sa iba’t ibang larangan ng Siyensya at Teknolohiya, aniya ni Chairman Duque kanilang ipagpatuloy ang pagtulong sa bayan at kapwa,

Samantalang ang Undersecretary ng Department of Science and Technology na si Prof. Fortunato T. Dela Pena ay binati ang bawat isang paparangalan dahil sa kanilang angking husay at talino. Dinaluhan ng mga kapamilya, kasamahan sa trabaho at kaibigan ang nasabing araw ng parangal, maging ang ilang kilalang Scientists sa Pilipinas ay dumalo dito, tulad nalang nila Dr. Ruben L. Villareal dating Chancellor ng University of the Philippines – Los Banos at Academician ng National Academy of Science and Technology, Philippines, Dr. Evelyn Mae Tecson-Mendosa bilang mahusay sa adbokasiya ng Biotechnology at Academician ng National Academy of Science and Technology, Philippines at marami pang iba. Ito ay ginanap noong ika 30 ng June 2014 sa Richmonde Hotel, Libis, Quezon City sa tulong ng National Academy of Science and Technology, Philippines at miyembro nito.//Rodel Cadion

samantala,

Ang mga industriyang gumagawa ng bakal sa bansa ay magkakaroon ng karagdagang tulong sa kagawaran ng agham upang kanilang makamit ang mga pangangailangan para makasabay sa pandaigdigang kalakaran, itoy naganap sa paglulunsad ng Die and Mold Solution Center (DMSC) isang maituturing naa one-stop solution para sa die and mold design and fabrication at ginanap ito sa pagbubukas ng 4th Metals and Engineering Week nitong nakaraang June 16, 2014.

Matatagpuan sa loob ng DOST’s Metals Industry Research and Development Center sa Bicutan, Taguig City, ang DMSC ay isang proyektong nasa ilalim ng programa ng kagawaran na Makinarya at Teknolohiya Para sa Bayan or MakiBayan, kung saan pinalalakas ang sektor ng local na manufacturing na may layuning makapagbigay ng local na disenyo at makalikha ng mga bagong gamit pang manufacturing.

“State-of-the-art equipment, we have that. Competent personnel, we have that as well,” nilinaw ni DOST Secretary Mario G. Montejo habang kanyang idini-describe ang bagong lunsad na pasilidad at ang kahalagahan nito sa local manufacturing.

Iginiit ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na ang nasabing paglulunsad ng DMSCay magbibigay ng shorter turnaround times, greater savings at karagdagang cost-efficient production process.

Die and mold fabrication ang maituturing na pangunahing elemento sa manufacturing industry. Sa local na industriya isang maituturing na malaking sagabal ang kawalan ng local na gagawa dahil kakailanganin pang dalhin sa ibayong dagat ang mga die and mold designs para I fabricate. Ang nasabing mga serbisyo kasi ay wala sa bansa kaya humahaba ang oras ng produksyon ang nasabing mga sagabal ay mapipigilan ng pag usbong ng maraming metals and allied industries sa bansa.

Suhestiyon ni Sec. Domingo na dapat i-replicate ang DMSC sa ibat-ibang bahagi ng bansa gaya ng sa Northern Luzon, Cebu, at Mindanao upang payagan ang mga industriya na makibahagi sa de kalidad na fabrication services at upang lalong isulong pag angat at makasabay ang local na metals at allied sectors.  (isinulat ni Michael Balaguer buhat sa impormasyong galing sa S&T Media Service ng DOST MIRDC)

 KAUGNAY NITO

Habang ang pagbabago ng klima raw ang nagdudulot ng kakulangan sa tubig at kontaminasyon sa maraming pamayanan sa bansa, nakalikha ang mga mag aaral ng Philippine Science High School – Central Campus ng isang water filter system gamit ang locally abundant material na Bentonite para makakuha ng malinis na tubig buhat sa Abacan River para sa mga katutubo.

Dahil sa eutrophication at sedimentation na nasa Abacan River, Jan Louise Cabrera, Joshua Miguel Danac at ang kanilang guro na si  Karizz Anne Morante ay lumikha ng filtration system gamit ang Bentonite clay—isang produkto ng lahar erosion at mabisang sumipsip ng dumi na siyang makapagbe benepisyo sa isang pamayanan ng mga Aeta sa Barangay Sapangbato sa lungsod ng Angeles sa Pampanga.

Ang nasabing inobasyon ay nagwagi bilang Best Bayanihan Project title sa nakaraang Hyundai New Thinkers Spotlight na ginanap kamakailan sa Hyundai Center for Green Innovation sa Angat, Bulacan.

Ang proyektong pinamagatang “Bentonite Absorbent as a Technological Improvement of Sapangbato Waters” kabilang sa 19 iba pang climate change intervention projects na nagwagi ng medals, certificates, at cash prize na P90,000 para sa grupo. Ang mga mag aaral ay binigyan rin ng college scholarship grants buhat sa Hyundai Asia Resources Inc. (HARI) Foundation.

“Water scarcity is a serious problem that already affects more than 1.2 billion people in the world and climate change worsens this problem as excessive groundwater extraction causes land subsidence and increases vulnerability to flooding,” ayon kina Cabrera at Danac sa kanilang project defense. “With our project, we are able to make use of available resource such as Bentonite to provide a means in bringing clean water to the Aeta communities in Sapangbato.”

Ayon sa kanila, ang filtration system ay maaring maging halimbawa sa ibang pamayanan na gawin bilang alternatibong pagkukunan ng malinis na inuming tubig. “With improvements to our prototype filter, we believe that this can be of value to many other communities faced with the same problem,” dagdag pa nila.

ang Hyundai New Thinkers Spotlight ay ang pinaka huling bahagi sa Hyundai New Thinkers Circuit (HNTC) Program—ay programang pinagtulungan ng HARI Foundation at ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI), kasama ang University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (NIGS) at Marine Science Institute (MSI). Ang programa ay naglalayong makahanap ng mga likha ng mga mag aaral na magiging bagong climate scientists at leaders.

Sa nasabing Spotlight, ipinakita ng 20 school teams ang kanilang innovative community development projects sa pamamagitan ng mga exhibits at project presentations upang maglaban para sa 20 scholarship slots. ang Bayanihan projects ay hinisgahan batay sa ingenuity, efficiency, sustainability, at ang buong pakikibahagi ng mga mag aaral sa HNTC cycle.

sina Neal Renz Empleo, Sheena Coleen Labampa at coach Marites Banzon ng Emilio Bernabe High School’s ay nakakuha ng second na may 90.1 points para sa kanilang proyektong “Motorized Boat Made of Junked Home Appliances as Alternate to Rubber Boat during Flood Rescue Operations”. Nagwagi sila ng medals, certificates, at cash prize na P75,000 at dalawang scholarship slots.

Kasarinlan High School’s “Hydrocab”project, Philippine Science High School – Main Campus’ “Incorporation of Coir Geotextile, Aeration, and Rice Husk Filter into Localized Home Rainwater Harvesting”, at Sisters of Mary School’s “Electroschwartz Vertical Axis Wind Turbine” ang kabilang sa  top five.

Ang kabilang naman sa top 10 ay Marcelo H. Del Pilar National High School (rPLANT Project), Pateros National High School (Eco-Riders), Claro M. Recto Information and Communication Technology High School (5 E’s in Waste Segregation), Mariveles National High School (Biodegradable Tamarind Seed-Based Plastic: A Remedy for the Changing Climate), at Valenzuela City Science High School (H2O FLOOD).

Ang mga mag aaral sa nasabing mga paaralan na bumuo ang 20 Hyundai New Thinkers Scholars. Ang kanilang pag aaral sa kolehiyo ay susuportahan ng HARI Foundation kung ang pipiliin nilang maging kurso ay ukol sa agham.

Binate ni HARI Foundation President Ma. Fe Perez-Agudo ang mga nakibahagi at hinikayat niya silang manguna sa kahit na anong larangang kanilang maibigan sa hinaharap. “We stand here with a dream to drive a new world of possibilities for our young people, the leaders and innovators of tomorrow,” ayon kay Agudo. Hinikayat rin niya ang mga Hyundai New Thinkers na maging “part of the solution” lalo kung ang mga sagot ay nasa kanilang harapan lamang. “You are more than brilliant scholars. You are a spark of hope for a better world,” pahayag ni Agudo.

Hinikayat naman ni Dr. Josette Biyo, ang bagong Director of DOST-SEI, ang mga mag aaral na  ipagpatuloy ang nasimulang pangunguna sa kanilang mga paaralan at pamayanan kahit makalipas na ang Program. “Think of this event as a practice session for your would-be daily undertaking once you’ve become a scientist, engineer or a community leader,” ayon kay Biyo habang ini engganyo niya ang mga mag aaral na kumuha ng kursong pang agham sa kolehiyo.

Ang mga HNT Scholars na kailangang kumuha ng kursong S&T upang maka avail ng scholarship at makapagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng tuition at iba pang bayarin at monthly stipend mula sa HARI Foundation.  (iniliwat ni Michael balaguer buhat sa SEI-DOST).