NHI Act of 2013: Moving Towards Universal Coverage; Doctorless municipalities marami at malaki pa ang bilang, natutugunan ng universal health system? at SHINES for Media, proyekto ng PhilHealth

shines

Pagpapalakas ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa bahagi ng Healthcare Financing sa bansa ang ginanap na komperensya na pinangunahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at ng mga mamamahayag, ginanap sa Marco Polo sa Ortigas Center Pasig.

Tinawag na SHInES for MEDIA o Social Health Insurance Education Series para sa Philippine Press layunin nitong mabuting ipaliwanag ang mga nilalaman ng National Health Insurance Act of 2013 o ang batas na naglalayong sumulong tungo sa kalusugang pangkalahatan o Universal coverage ng mga serbisyo ng ahensya.

Ang nasabing proyekto ay pagtutulungan ng Corporate Communications Department ng ahensya at ng Social Health Insurance Academy. Kasama sa mga nagbigay ng presentasyon ay mga taga Department of Health, mga board members ng ahensya.

Ang education series ay kinapapalooban ng limang presentasyon. Kabilang sa mga ito ay ang: The Philippine Health Sector: Challenges Now and Beyond; Options in Financing Health Care; Not One Left Out: Philhealth and the Mandate to Ensure Universal Population Coverage; Philhealth and the mandate to ensure meaningful financial protection against health risks; Philhealth and the Press: shoulder to shoulder in bringing out the good news at ang Philhealth and the Universal Health Coverage Program.

Ang mga taong nasa likod ng nasabing mga presentasyon ay sina: Ms. Rose Gonzales, Chief ng Health Policy Division ng DOH; Dr. Marvin Galvez MSIII Benefits Development and Research Department; Dr. Lemuel Untalan OIC-SM Formal Sector Member Management Group; Dr. Marvin Galvez, MSIII Benefits Development and Research Department; Dr. Israel Francis A. Pargas OIC-VP ng Corporate Affairs Group at Mr. Dennis Formadero, Planing Officer III ng Corporate Planning Department.

Naglalayon ang batas ukol sa universal coverage na isakay sa programa maging ang mga mamamayang mahihirap sa pamamagitan ng sponsorship program ng kani-kanilang local government units sa paraang ito ay wala nang dahilan upang di masakop ng coverage ang mga maralita upang matugunan ng gobyerno ang kanilang pangangailangan pangkalusugan. (mihael Balaguer)

 

 

Doctorless municipalities marami at malaki pa ang bilang, natutugunan ng universal health system?

May mga programa ang pamahalaan upang hikayatin ang mga doctor na maglingkod sa mga munisipyong walang doctor. Nabatid na marami pa ang mga tinatawag na doctorless municipalities sa bansa lalo sa mga island provinces na malayo sa”kabihasnan”.

Layunin ng Philihealth sa kanilang programang kalusugan pangkalahatan na mabigyan ng de kalidad na tulong pangkalusugan at pagpapa ospital ang pinaka mahihirap na mamamayan sa bansa kasama nito ang mga sinasabing lugar na mahirap puntahan, may ipinagkakaloob na mga insentibo sa mga doctor na nagnanais na magtrabaho sa nasabing mga pook.

Batay sa presentasyon ni Ms. Rose Gonzales, Hepe ng Health Policy Division ng Kagawaran ng kalusugan ito ang sinasabing bahagi ng challenges now and beyond o mga hamon sa health sector dahil sa ang bansa ay nasa third world at pangunahin na dapat tutukan ay ang mga Health related Millennium Development Goal (Maternal and Child Health Health etc.).

Sakaling matugunan ang kakulangan sa mga doctor na maglilingkod sa mga malalayo at isolated na lugar ng bansa tunay na masasabing natugunan nan g gobyerno ang universal health. Sa kanilang vision na bawat Pilipino dapat miyembro, na ang bawat miyembro ay proektado at ang kanilang kalusugan ay sigurado nararapat na maging suli na benepisyo para sa bawat miyembro at dekalidad na serbisyo para sa lahat, misyon ng ahensya na dapat nilang matiyak. (Michael Balaguer)

SHINES for Media, proyekto ng PhilHealth

UPDATES sa mga mamahayag ng National Capital Region (NCR) o Social Health Insurance Education Series (SHINES) ang isinagawa ng PhilHealth sa Ortigas kahapon. Ngayon, mayroon 14.7 milyon na indigent sa buong bansa na miyembro ng Philhealth.

Sa bagong batas na umiiral, na ang PhilHealth ay may visitorial power upang matignan kung tama ang binababayad ng mga employer para sa mga kinakaltas na bayad sa kanilang empleyado. Gayundin sa bagong magrenew o mag apply ng business ay dapat ay magregister muna sa PhilHealth.

Limang klaseng miyembro rin ng PhilHealth sa pagpapalaganap ng kalusugan pangkalahatan  na sa formal economy, informal economy, sponsored, indigent at lifetime. Sa mga indigent ay nakabase sa household targeting system for poverty reduction ng DSWD. Gayundin sa sponsored na may tinatawag na point of care sa mga public hospital na nasa class C & D na “no out of pocket”  na ang ospital na ang magbabayad ng PhilHealth kabilang sa mga unenrolled na manganganak ay maaring ang mga pampubliko hospital na ang magparegister upang maging PhilHealth member.

Samantalang sa 120 month na contribution na inabot ng retirement ay papasok na sa lifetime member. Mayroon din 45days interval ang paggamit nito mula sa paggamit ng member at dependent nito. At mayroon din Php 1,700 package para sa new born screening (NBS) ang mga bata.  Kailangan din na iprioritize ang kagandahan ng PhilHealth para sa kalusugan sa bawat Filipino na tutukan ang pagmimiyembro at magcontribute sa PhilHealth. (Jane Balaguer)

philhealth two