41st Atomic Energy Week, pang long term pa rin ang nuclear option para sa gobyerno

DSC00404

Quezon City, Pilipinas-“Nuclear is basic science” ayon kay DOST Usec. Fortunato Dela Pena sa pagtatapos ng 41th Atomic Energy Week kung saan kanyang binati ang mga mananaliksik ng Philippine Nuclear Research Institute na binigyang parangal sa National Academy of Science and Technology kaugnay ng kanilang mga pag aaral ukol sa mga silbi ng agham nukleyar sa agrikultura, kapaligiran, medisina at pagkain.

Nananatili pa ring nasa long term option ng gobyerno ang pagkakaroon ng nuclear power plant. Ito ang sinabi ni Dr. Alumanda Dela Rosa, Director ng Philippine Nuclear Research Institute kasabay ng nakaraang pagdiriwang ng Ika 41 Atomic Energy Week na ginanap sa kanilang punong tanggapan sa lungsod Quezon. Sa kabila ng isa sa may pinakamataas na halaga ng kuryente sa buong Asya ang bansa, mas pinag tutuunan pa ng pansin ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Energy ang mga ibang energy option, mga off grid at mga sinasabi nilang renewables gaya ng Solar, wind at hydro.

DSC00403DSC00402DSC00326

 

Itong taong ito ng 2013, ang naging tema ay Nuclear Science safety and security, a road to smarter Philippines, kapareho ito ng tema ng ginanap na National Science and Technology Week nuong Hulyo, ayon kay Teofilo Leonin Chief ng Nuclear Regulatory Division ng PNRI at Chairperson ng AEW 2013, maraming kabutihang maidudulot ang pagsasaliksik sa nuclear science na magdudulot ng pag unlad ng bayan kung maayos lang na maisasagawa.

 

bnpp

Ang International Atomic Energy Agency ng United Nation, ang ahensyang namamahala sa mga pagsasaliksik tungkol sa enerhiyang nukleyar ay nagpondo ng mga ite train sa Viena Austria upang alamin ang nuclear power energy scenarios sa Pilipinas at babalik dito upang mag ulat.

Nakipagtulungan rin ang IAEA sa Food and Agriculture Organization ng United nations upang makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Kaugnay nito kinilala ng National Academy of Science and Technology ang mga nai publish na International paper ng mga taga PNRI. (michael balaguer)

DSC00383

Leave a Reply

Your email address will not be published.