BELLO NATULUNGAN ANG SAUDI ARABIA RAPE VICTIM NA NARS; CACDAC NABIGYAN NG TULONG ANG NAGAHASANG OFW GALING SAUDI ARABIA at DEUTERIUM, Fuel of the Future pwedeng i-extract sa Philippine Rise-HASHIMOTO

BELLO NATULUNGAN ANG SAUDI ARABIA RAPE VICTIM NA NARS;

SA kabila ng kabi-kabilang banat ng ilang sector sa pamunuan ng Department of Labor and Employment o DOLE lalo sa kanilang kalihim na si Secretary Silvestre H. Bello III, matagumpay naman nitong mabigyan ng hustisya ang sinapit ng isang Filipinang Nars na ginahasa ng kanyang tatlong Arabong amo sa Saudi Arabia.

Itago na lamang natin sa pangalang “Ligaya”, ang biktima na nasa hustong gulang, may dalawang anak at tubong Lalawigan ng Abra, ginawa ng tanggapan ni Bello ang lahat ng kanilang magagawa upang pakilusin ang buong kagawaran kabilang ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, National Labor Relations Commission o NLRC at Philippine Overseas Employment Administration o POEA upang mabigyan ng kauukulang parusa at hustisya ang sinapit ng “isa” sa mga itinuturing natin na “Bagong Bayani”.

Sa unang pagdulog pa lamang ng biktima sa tanggapan ng kalihim sa Intramuros kasama ang tiyahin nitong isang OFW Advocate at leader ng MRRD Group sa Hawaii, USA na si Ms. Carmelita Omli-Tagorda, sa pakikipag ugnayan na rin ng Anchor at web admin ng www.dzmjonline.net na si Ms. Mary Jane Olvina Balaguer at ng web admin ng www.diaryongtagalog.net na si Michael Balaguer at marinig ang kuwento nito lubhang kalunos lunos ay di na nagdalawang isip ang kalihim at agad iniutos na I recall ang welfare officer na nakakasakop sa nasabing lugar ng Saudi Arabia, sa Buraida Gasim, anim na oras ang biyahe mula sa Riyadh.

Agad ipinatawag ni Bello sina Atty Hans Leo Cacdac ng OWWA at Admin Olalia ng POEA upang tugunan ang mga pangangailangan ng biktima lalo na at narito na siya sa bansa gayun din ang legal na tulong upang tuluyang mai black list ang employer niya sa Saudi Arabia na Panorama Clinic kaalinsabay ng suspension o maging kanselasyon ng lisensya ng ahensyang nagpaalis sa kanya dito sa bansa na Starborne Manpower.

Nabatid na sa mga pinaa alis na mga professionals gaya ng nurses ay government to government ang setup at hindi direct hired na gaya ng kay “Ligaya”, napag alaman din na ang item niya kaya siya naka alis sa bansa patungong Saudi Arabia ay Nurse sa kabila ng under board siya na hindi dapat mangyari at ang pagkakamali ay sa agency niya dito sa Pilipinas.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

CACDAC NABIGYAN NG TULONG ANG NAGAHASANG OFW GALING SAUDI ARABIA

TUMUGON ang Si Atty. Hanz Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa utos nang kalihim ng paggawa sa pamamagitan ng pagpapatawag sa biktimang si “Ligaya”. Agad na inalam ng administrador ng OWWA ang pangangailangan ng biktima lalo at narito na siya sa bansa kabilang ang tulong pinansyal at pangkabuhayan na nagkakahalaga ng 20,000 pesos na ipinagkaloob kasama ang karagdagang 10,000 pesos para sa ayudang medical dahil nagkaroon ng skin tag sa ari ang biktima at almuranas sa kanyang tumbong bunga na rin ng naganap na panggagahasa. Napag alamang di lamang sa mga kababaihan nangyayari ang panggagahasa ng mga arabo lalo sa Saudi Arabi kundi pati sa lalaki rin at kung panggagahasa at usapin ay hindi sa arin ng babae kundi sa tumbong ginagamit, babae o lalaki ayon sa nakapanayam ng pahayagang ito na dating nag OFW sa Saudi Arabi at minalas na magahasa ng Arabo dahil maputi, makinis ang balat, walang balbas at bigote. Ayon din sa nakapanayam ng pahayagang ito na dati ring OFW hindi bahagi ng relihiyong Islam ang ginagawa ng mga Arabo na likas na malibog at bakla bukod pa sa kultura nilang binibili ang mga kababaihan kaya kahit ano pinapatulan na lamang.

Ipinagamot ng OWWA si “Ligaya” at sinamahan ito ni Dr. Arnel Adel s autos na rin ni Admin Cacdac. Nagtungo upang magpa checkup sa East Avenue Medical Center, Quezon City General Hospital at National Center for Mental Health ang biktima dahil sa ininda nitong trauma bunsod ng kanyang naranasan. Sa paghahanap ng hustisyang ito ng biktima kinagalitan pa ni OWWA Deputy Adsmin Arnel Ignacio ang Starborne Manpower dahil sa maling katwiran nito at mababang kompensasyon para sa sinapit ng biktima. Napag alamang under paid at di binibigyan ng kaukulang pasahod ang biktima at over work ito.//Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

DEUTERIUM, Fuel of the Future pwedeng i-extract sa Philippine Rise-HASHIMOTO

Maynila, Pilipinas-Maaring i-extract sa kontrobersyal na Philippine Rise o Benham Rise ang sinasabing Fuel of the Future o ang “Heavy Water” o mas DEUTERIUM, isang isotope ng Hydrogen na may atomic number din na 1 sa periodic table of elements, ang energy source na ito ang sinasabing maaring makapagpabago sa sa ating lipunan sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang fuel sa mga makinarya at kasangkapang gagamitin sa industriya patungo sa inaasam asam na industriyalisasyon ng bansa.

Nakapanayam kamakalawa ng DZMJ, ang unang gumawa ng feasibility study tungkol sa DEUTERIUM na matatagpuan sa Benham Rise sa katauhan ni Dr. Bertito “Bert” Hashimoto, isang Civil Engineer by profession, na foresee na ni Hashimoto na ang pag extract ng DEUTERIUM sa ating bansa na sinasabing may pinakamalaking deposito ang magtutulak sa ating bansa upang sumulong sa industriyalisasyon.

Sa kasalukuyan ay abala si Hashimoto sa kanyang Hauling Business at construction, may plano rin siyang subukin muli ang paglilingkod bayan sa pamamagitan ng pulitika bagaman ang tunay na nasa puso niya ay ang adbokasiyang ialis ang Pilipino sa kahirapan at alisin sa isipan ang kultura ng pagpapa alipin sa ibayong dagat.

Bilang dating Overseas Filipno Worker, paniwala ni Hashimoto na mas aasenso ang Pinoy dito sa Pilipinas kaysa magpa alipin sa ibayong dagat. Aniya, tamang oportunidad, edukasyon at suporta ng gobyerno at pamilya ang tunay na makapag aalis sa pilipino sa tanikala ng kahirapan.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net